Friday, April 29, 2011

The Wedding of the Year- Prince William and Kate Middleton

Dear insansapinas,
Live Blog na may kasamang hilik.
Prince William and Kate Middleton Royal Wedding


photocredit: CNN


Wala akong interes sa wedding, insan. Sa totoo lang, nagising ako para uminom ng gamot. Naalala ko na kailangan palang ma-i-mail yong copy ng ibinayad ko sa Association of Radiologists. Sila yong kumukuha ng aking catscan at MRI. Hindi raw nila natanggap. Talking about efficiency and competence. Haaay.  Tapos, uminom ako ng tea. (very British). ulp. Hindi na ako nakatulog. Kaya panood na lang ako ng live coverage ng royal wedding. (Daming palusot), manonood din pala.


Hats Galore!!!
Iba-ibang sumbrero, iba-ibang kulay, may mga malalaking bulaklak, may mga ibong nakadapo, may mga balahibo (DON'T DO THIS AT HOME if you are not British). Tradition na nila yon. Parang noon ay hindi tayo makapunta sa simbahan ng walang belo. Parang hosiery rin na parang pakiramdam mo ay hubad ka pag hindi ka nakasuot noon dahil kasama yon sa outfit para masabing you're properly dressed sa occasion na taboo ang pantalon para sa mga babae kaya kailangan makai-skirt.


Prince Willian and Prince Harry


Tama ang sinabi ni Barbara W. Ang legacy ni Princess Di sa dalawang prinsipe ay ang kaguwapuhan nila. Imaginin mo kung si Prince Charles at si Camilla ang naging parents ng mga ito. mwehehehe.


Social din silang dalawa. Panay ang kaway sa crowd na kalayo naman pala. Baka ni anino ng dalawang prinsipe hindi pa nila nakita. Buti na lang dito sa bahay manood.


Ang Famililes lang ng bride and groom ang naka Rolls Royce. Ang ibang kamag-anak at bisita ay nakasakay sa mini-bus. Sana nag-apply akong barker. 


Prince Charles and Duchess of Cornwall Camilla


Dumating na ang mag-asawa. Sabi ni Barbara Walter, mahal naman daw ni Prince William ang kaniyang stepmother dahil pinaliligaya nito ang kaniyang father. Unselfish love, noh?  In fwerness, simple lang si Camilla. Isang strand of pearl lang ang suot. Simple rin ang kaniyang sumbrero, hindi kagaya noon na outrageous. Mukha na rin siyang babae. 


Queen Mother


Wow, nakayellow si Queen Elizabeth. Wala siyang suot na alahas maliban sa strand of pearls at Love broach. Magiging insensitive ba sila sa mga naghihirap na bansa kung susuotin niya ang mga alahases  sa okasyong ito?


Nag pause sila sa loob ng simbahan, nag-usap.  


Kate Middleton and her commoner father


Sabi ni Barbara, ang good investment na ginawa ng parents ni Kate ay ang pag-aralin siya sa isang exclusive school. Doon niya nakilala ang prinsipe.


Huli pala siya sa balita. Marami akong istudyanteng babae noon sa Graduate School na biruan namin kaya sila nageMBA ay para makakilala ng mga executives. Problema, taken na naman ang mga yon. 


Pinakasimple si Kate. Wala siyang kuwintas na diamonds, pero meron siyang hikaw na palagay ko hindi naman cubic zirconia ano.


Pero ang tiara niya yata ang mahal. Simple rin ang trahe de boda. Ang kaniyang veil ay isang layer lang ng tulle material at ang maiksi lang ang kaniyang "train". 


Sa harap ng altar, parehong nakatalikod ang magkapatid na William at Harry. Malapit nang maging Arabo si Prince William (arabuhok) Si Prince Harry naman ay parang nagshower lang at hindi sinuklay ang buhok sa likod.


Ang Kasal


Mabilis lang ang ceremony. Hindi kagaya sa atin na sa kahabaan, ang mga ring bearers at flower girls ay ginagawang playground ang simbahan. 


Masikip ang singsing kay Kate. 


Pagkatapos ng wedding ceremony, tsinupi na sila sa gilid ng altar, inalis yong kanilang pinagkaluhuran at nagsimula na ang mass. 


Pinakita ang mga guests.
1. hindi ko nakita si Mr. Bean
2. may isang bisita, nakasuot siya ng damit na ang design ay kapareho ng aking comforter. Arghh
3. may isang babae, ang dekorasyon sa kaniyang hat ay nakatusok sa katabi,


4. Nakita ko yong isang miyembro ng royal family na mahilig magsuot ng ridiculous hat. Ngayon ang suot niya ay parang malaking emblem o logo. 
4. haynaku hindi ko paborito si elton john
Naku mahaba rin ang homily. Patama sa MABUHAY Ang BAGONG KASAL.


Matibay pa rin si Prince Philip, asawa ni Queen Elizabeth sa edad na 90 years old. Gising siya sa homily. Pero wala siya sa lolo ko, more than 90 noon, nagkakarga pa ng Shellane gas tank. Hindi yong maliliit na gas tank ngayon ha. Yong malalaki.


Tapos na ang homily. Nagsasalubong na ang kilay ni Prince William kaseh.


Balik na naman sina Prince William at Kate sa gitna ng altar.
Tapos na ang misa. May blessing na.


Ah? Wala silang religious icon sa Cathedral pero meron silang retrato ng Mother of Perpetual Help?


Fairy Tale Moment


Feel pa rin siguro ng mga royals ang sentiment ng mga tao kay Princess Di kaya panay ang banggit nila na her memory lives.


Sa tingin ko rin palaban si Kate hindi kagaya ni Princess Di na umiiyak sa bathroom mag-isa at binibigyan pa ni Prince William noon ng kleenex.  Wala pa naman kasing 20 si Princess Di nang mag-asawa. Si Kate ay 30 years old na. Six years lang ang tanda nang mamatay ang ina ni Prince William. Damdam ni Prince William ang lungkot ng kaniyang ina.


Lumalabas na ang entourage.
Magkahawak kamay ang prinsipe at prinsesa (na). Changing partners naman si Prince Charles sa nanay ni Kate at si Duchess Camilla naman ay sa ama ni Kate. Ang kapatid naman niya ay escorted ni Prince Harry. One big happy family?


Bulungan na baka si Prince William ang gawing king? Hahawakan ng Queen ang position hanggang siya ay buhay. 

Sponsor ng Queen ang wedding breakfast. Hindi nman pala maraming bisita. 650 lang. Sa dinner naman ay 300. Hindi mga waltz ang sasayawin doon kung hindi disco.


Marami naman palang mga ordinaryong tao ang inimbita sa kasal. Isang pub-owner, postman, butcher, boutique owner. At binigyan sila ng mas importanteng lugar sa loob ng cathedral.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment