Thursday, April 07, 2011

Morning News

Dear insansapinas,


Necklace
I am watching a morning show right now and I feel like offering the lady anchor some help. Yes, Virginia, ako ang nabibigatan sa nakasabit sa kaniyang leeg na kuwintas. Parang longganisa (yong type na short at matataba)  siya kalalaki na kulay ripe tomatoes. Toinkk.
Early Campaigner
Sa isang network naman, kapapanood ko lang kay Donald Trump. Nagpadala raw siya ng detective sa Hawaii para talaga malaman kung ipinanganak si Obama sa US. Pag siya raw naging Presidente, magkakaroon siya ng budget. Sus, may budget naman. Problema, kulang ang pera kaya deficit din ang bansa. Yes, Virginia, Donald Trump is planning to run as President of the United States. Nagkacampaign na siya? Pagkatapos siguro ng mga Cabinet meeting niya, isa ay masasabihan ng "You're Fired." Ploinkk


Body Modification Specialist (What?)
Nakakita na ba kayo ng taong parang palaging kumakaway ang tainga sa laki? O kaya naman ay piping na akala mo ay wala siyang tainga?


Fan ba kayo ng Star Trek particularly ni Mr. Spock? Yong ang tainga ay parang sa dwende. Well may bagong "rage" ngayon. Ang alteration ng inyong tainga para gawing ala Mr. Spock. Ano kaya ang susunod na mauuso?


Finally, nakita ko na naman ang babaeng nag-aanounce ng traffic. Para siyang palaging sinabunutan o kaya kababangon lang sa bed. Ang mata niya ay parang palaging nagugulat.


Ang mga balitang yan ay dala ng Pintasera Specialist.


Pinaysaamerika

4 comments:

  1. Anonymous7:01 PM

    bwahaha.
    kapagka ganitong di ako masyadong bc mam,marami din akong napupuna, dapat yata talaga meron ako nung kagaya sa nilalagay sa gilid nung mata ng kabayo para walang masyadong nakikita at napupuna jejeje.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. Anonymous7:12 PM

    ang news naman satin e yung malaking sunog, nagkasunog na pero yung mga nasunugan dun parin sa pwesto nilang nasunog at ayaw magpuntahan sa evacuation center...bakit kamo? kasi daw pag umalis sila e mawawala yung lupa este pwesto nila...e bat naman mawawala? sinu namang kukuha? mga nangag iskwat lang pala, di rin pala knila yung lupa pero ayaw makuha ng iba, syempre mas lalong ayaw nilang makuha yun ng totoong may ari...hayz mga tao nga naman talaga.
    naalala ko tuloy yung lupa namain sa nueva ecija,nabili ko nung bago palang ako nagaabroad,tanong mo sakin mam bat ako dun bumili? hindi po ako, yung frend ng aking sisteret dun nakabili at pinilit silang dun din bumili,since sila ang my hawak ng pera e bahala sila,invesment daw...invesment sa bundok?sus...
    my plan daw kc magtayo dun ng SM...pakelam ko sa SM e di naman ako nag e-es-em...
    to make the story short,since wala naman sila dun para magbantay e my ibang tumirik sa lupa at tumirik naman ang mata ni sisteret sa inis,e wala naman daw nakatira kaya tinirikan nila at di naman nagpaalam,walang say ang barangay susme e mga kamaganak pala nyang galing ng bisaya,napuno ng mga galing ng bisaya yung mga lupang walang nakatirik dahil nasa manila yung mga may ari...magtitirikan ang mga mata nung mga may ari pag nalaman nilang tinirikan ang mga lupa nila at ayaw ng magsilayas mwehehe yun yung mga tinatawag na professional squatters,trabaho talaga nila yun,tas ibebenta nila tas hahanap ulit sila ng lupa ng my lupa na matitirikan.
    hayz mga tamad at ayaw magbanat ng mga buto pero nang aangkin ng di kanila tas pag pinalayas sasabihin human rights human rights at mga walang kaluluwa yung mga nagpapalayas na sila naman ang totoong mayari...agang aga mainit ulo ko mwehehehe at...teka...nwala naman ako sa topic bwahaha makapag kape na nga lang muna.
    ~lee

    ReplyDelete
  3. nanonood ako ng Big Bang Theory. Ang sabi nila pag hindi ka raw nag-engage sa gossip ay hindi ka normanl hehehehe.

    kaya panay ang palutang nila ng gossip, wala pang isang minuto nakatext. Nagaka pa yong tsinismis nila.

    ReplyDelete
  4. naku yong kamag-anak ko naman, pinaalagaan ang lupa. kinamkan naman. uwi ang asawa niya. Naku nainlove naman sa nameet na tidera ng feeds. Ayun, hiwalay na sila. buhay nga naman.

    ReplyDelete