Wednesday, April 06, 2011

The Human Resource Specialist

Dear insansapinas,


Ang kaibahan ng gobyerno at ng private employer ay mayroon kang job security sa iyong employment lalo pag meron kang Civil service eligibility. Hindi ka basta-basta pwedeng paalisin kahit na ang pinakamataas pang opisyal sa ahensiyang pinapasukan kung walang due process. Sa private employer din sa Pilipinas Kay Gandah Ko, kailangan ding may dahilan ang iyong pagkakatanggal kung hindi pwede silang kasuhan sa Labor Court. Pag di ka maalis, iinisin ka para maging miserable ka pag pumapasok ka sa opisinang iyon. Dito sa US, may employment-at-will, ibig sabihin kung walang expressed to the effect na hindi ka puwedeng alisin, anytime o noon araw din yon, maari kang paalisin sa trabaho. 


Bakit natin pinag-uusapan ang termination? 


Sa latest episode ng The Good Wife, sinampahan ng kaso ang isang employer ng mga empleyadong inaakusahan ang boss ng pagiging inconsiderate na siyang naging dahilan kaya naging toxic ang work environment sa kumpaniyang yaon at siyang tumulak sa tatlong empleyado na mag-suicide mismo sa opisina nila.


Sa pag-iimbestiga ng law firm, nakita nila ang retainer fee ng isang HR specialist na kung saan, binigyan ng mga strategy ang management para piliin pa ng mga empleyado ang magresign kaysa magpaterminate dahil makakatipid ito sa separation pay.


Sa ating naoobserbahan sa balita lately, kung saan, lahat ay nagkukumbinsi sa dalawang opisyales na magresign at sa atin na ring  opisina, binubully ng mga nakakataas ang gusto nilang alisin sa puwesto para magresign dahil kung sasampahan pa ng kaso ay matagal. Talking about politics.


Sa opisina naman ay para kang maysakit na nakakahawa pag ikaw ay sinabotahe na ng administrators kaya pati ang mga kaibigan at kaopisina mo ay halos di ka na kausapin.


Meron kaming HR specialist noon sa isang malaking kumpaniya sa US. Active siya. Magaling siya at hardworking. Ang pagkakamali niya ay " sumipsip" siya sa mga diyoses na ikinainsecure ng isang 
empleyadong iniisip na siya lang ay may karapatang pumasok sa opisina ng mga diyos sa Olympo.


Wala siyang alam at kaya lamang siya nagkaroon ng mataas na puwesto dahil nga para siyang limatik kung makadikit sa powers that be (TPTB).


Sabay kaming pumasok ng HR specialist na yon na unti-unting naglalagay ng mga policies, mga guidelines para sa mga empleyado. Pagkatapos ng apat na buwan, nakita ko siyang papasok sa opisina niya at umiiyak. May escort na siyang security guard para samahang palabas sa opisina. Tinanggal pala siya. 


Nakalimutan nila HR specialist yon. Binalikan sila. Nakita ko ang tsekeng ibinigay sa kaniya. Ang laki. Buti nga.


Nagbulungan, nagtsismisan. Sunod, sunod ang pag-alis sa mga taong mga bagong empleyo. Ako ay inextend ang probationary period ko at balak ring sibakin after 30 days, sana. Naiinsecure ang maliit na diyos dahil ang grupo ang nag-introduce ng mga bagong office procedures. Matabunan siya. Ang bagong boss sa "Counting" ay pinatalsik din ng maliit na diyos. Wala pa siyang dalawang Linggo. Ang pagkakamali niya, kinabukasan ay may Board Meeting. Walang financials. Nakabakasyon yong senior na accountant at ang iba naman ay mga clerk lang. 



Nakita niya ako sa opisina. Trinabaho namin hanggang hatinggabi. Biglang permanent ako. Sa sabay sabay na hinire , dalawa lang kaming nagsurvive. Isa ay yong nasa IT. Hindi ako nagsipsip. Hindi ko ugali. Gumagamit ako ng toothpick pag kumakain ako ng escargot aka kuhol. Yong nasa payroll ay sinibak at pinalitan ng tanga.


Umalis siyang masama ang loob. Makalipas ang ilang buwan, namatay ang dating payroll manager. Sakit sa puso. Early 30's lang siya.Yon ding sa marketing ay bata pang napilitang magresign dahil di niya matolerate ang katangahan sa mga kasama niya. Galing siya sa Silicon Valley. Ilang Linggo rin ang nakaraan, namatay din siya sa sakit sa puso. Palagay ko, naipon na stress yon. Maobserbahan mo ba naman na yong mga walang karapatan ay siyang nareretain dahil ang boss ay inept rin at bengatibo. 


By the way, nanalo pala ang mga nagdemanda doon sa TV series na kinukuwento ko. Kaya pala ganoon ang mga executives ay dahil may ginagawa silang milagro sa pension fund. 
Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous9:06 PM

    dito abroad mam, correct me if im wrong (sariling obserbasyon kolang naman) ang mga expat ay mas malapit sa exploitation.
    basta basta ka nalang tatanggalin sa kompanya na ang idadahilan sayo e nalulugi, kelangang magbawas, wala ng pampa sweldo, local nalang daw mas makakatipid, or kasalukuyan kang nasa bakasyon saka ka susulatan ng wag ka ng bumalik at wala ka ng babalikan ahahay kesyo ayaw na ng govt magbigay ng mga ek ek, mahigpit na ek ek, maraming excuses, yung iba naman sa contract palang e nakalagay ng pag dika na nila need 1 month abiso is enough for both sides to terminate their asses ahahay ulit.
    ang puhunan mo nalang para ka mag stay bukod sa sipsip (dirin ako mahilig sa kuhol) e gawin molang ng maayos ang trabaho mo, wag kang tamad at wag kang tatanga tanga, pero kung ang trabaho mo e sa corporate nga at dami kang kasamang pisti e sorry nalang.
    bago ako mag join sa isang company, nililinaw ko,sinung magiging boss ko?kanino ako under?sinung makakasama ko? i prefer talaga na isa lang amo ko or max na yung 2 na kakausap sakin (pero pwede rin 3 boos ko mam basta yung pangatlo e pipi saka bingi).
    no way sa asian boss at lalo ng no way sa asian ang uunder sakin (arte ko no choosy pa) pero kung ako gagawing boss o head ok lang di nako choosy mwehehe at
    makakasiguro naman yung mga magiging tao ko na di ako crab mentality (my talangka lang pag bilog ang buwan) at lalong di ako insecure na baka makuha nila posisyon ko (sanay naman ako tumuwad,tumihaya di nga lang ako marunong mag tambling).
    at higit sa lahat wala akong
    pakelam sa posisyon basta ang sweldo magkanooooh, sabi ko nga sa boss ko kahit gawin nya kong janitres o taga timpla ng kape nya o taga salansan ng kaperahan nya e i dont mind basta ang sweldo ganun pa rin (sabi nya habang umiiling sya e tsk tsk tsk crazy bitch).

    pinakamahirap sakin mam yung my politics,asahan mong mabilis pa sa alas kwatro lalayasan ko pag ganun,di matibay ang dibdib ko ganyan,na makipag patigasan at makipag paligsahan sa mga sipsip at bully, kaya ko ang stress sa trabaho pero stress na aabutin ko sa pambu bully? no way jose,di lang sila ang kompanya sa mundo.

    kaya nga mas kampante akong magtrabaho pag walang kasamang mga buset,sa pinas wala akong natatagalan masyadong trabaho dahil sa dami ng mga politics,
    sakit sa dibdib,di naman ako pwedeng maging boss at ang akin palaging posisyon e bossabos dahil wala naman akong credentials na gaya nila,ang hirap maghagdan paitaas kasi mahakbang kalang ng isang baitang papataas e hihilahin ka na pababa,ang mga chekwa, indians, bengoli kahit na nga mga puti may ganyan ding mga attitudes(kahit saang nasyon naman yata)
    pero mas maganda narin yung magkakasama kayo sa companya na ibat iba ang lahi,mas less yung mga ganyang paligsahan(base sa experience ko naman).
    marami akong nakikitang mga company na kuha sila puro pinoy ang empleyado,sabi ng
    boss ko baaaad idea daw pagsama samahin ang mga pinoy, magagaling naman daw at masisipag pero wag na wag pagsamahin at magsasawa ka sa sea foods.
    kaya kami,my mga pinoy man bukod sakin e hiwa hiwalay talaga kami ng posts,so pag nagkita kita kayo ng minsan lang e masaya naman,malungkot lang marami ng napauwi ng basta nalang napauwi ng wala manlang sila nakuha kahit anung benefits/seperation pay
    kaya nga dapat nalang e palagi kang ready sa anu mangyayari next.
    (teka,nasa topic pa ba ko mam?)
    ~lee

    ReplyDelete
  2. doon sa chains of hotel na pinasukan ko, iba-iba ang mga lahi rin.

    Pero ang hindi ko masikmura yong babaeng taga Europa, hindi yata talaga naliligo. Isnabera pa. Sabagay doon walang kuwentuhan dahil ang presidenteng babae ay nagoopisina sadulo na daraanan lahat ng cubicle at kuwarto.

    Mabait naman siya. may dalang pagkain palagi pero pag nagbusa, yanig ang opisina. minsan nag-away sila ng VP-Finance. Akala ko may ispiker.

    Walang Pinay kung di ako lang so wala rin akong makakuwentuhan.

    Ang mga nasa administrative depts. hindi miyembro ng union kaya anytime, pwedeng pamartsahin ng pauwi. ang mga regular hotel employees may union kaya di sila pwedeng tanggalin.

    Hindi ako tumagal doon. Pinapapasok ako kahit Linggo. tseh.

    ReplyDelete