This is one diary that I would love to read-- a diary of a Filipina is who married to a Caucasian.
MONDAY
Unang attempt kong magluto.Gusto raw niya ng cake. Nakita ko yong recipe para sa angel cake. Sabi ng recipe beat 12 eggs separately. Apat lang ang bowls ko kaya nanghiram ako sa kapitbahay ng
walo pa.
TUESDAY
Sabi ng asawa ko gusto niya ng fruit salad. Inulit pa niya na "serve without dressing". Uhhm pilyo talaga ang asawa ko. Kaya kahit maginaw naghubad ako bago siya dumating. Tinamaan ng kulog, kasama pala niya ang boss niya.
WEDNESDAY
Namimiss ko ang bigas kaya nagluto ako. Sabi ng instruction sa balutan ay " wash thoroughly before steaming the rice". Kaya naghugas ako ng ilang beses kahit naligo na ako ng magang-maga. Sobra namang linis nila dito.
THURSDAY
Sabi ng asawa ko salad na naman daw.Naghanap ako ng bagong recipe.Sabi ng recipe, " prepare ingredients, then toss on a bed of lettuce one hour before serving."Nagtaka tuloy ang asawa ko bakit may gulay sa kama.
FRIDAY
Nakakuha ako ng recipe para sa cookies.Sabi eh, " put the ingredients in bowl and beat it." Matutuwa ang asawa ko nito, natandaan ko yong sinabi niya doon sa kaniyang pinsang makulit, beat it man. Takbo yong pinsan. Kaya tumakbo rin ako.Walang nangyari doon sa ingredients. Siguro isa pang takbo. Baka pagbalik maayos na yong recipe.
SATURDAY
Dumating ang mga biyenan ko at may dalang manok. Sabi ng aking asawa " dress it for Sunday ". Pusa magandang damitan, pero manok ???? ahmmm
SUNDAY
Sabi ng asawa ko gusto raw niya ay roast para sa hapunan. Wala naman akong makitang may markang roast doon sa refrigerator.Pero may nakita akong Roast doon sa oven. Ahaa. Kumuha ako ng isda at inilagay ko sa oven. Pinihit ko yong oven sa Roast. Bakit ayaw nila ng inihaw na isda?
Ayaw kasi ng leching manok eh. Tseh.
GOOD NIGHT DEAR DIARY. Bukas ay pinabibili ko ang asawa ko ng mas malaking oven. Gusto
niya kasi ng Chocolate MOOSE.
Pinaysaamerika
Reloaded from my old website.
bwahahahaha niliteral talaga e hahahahaha
ReplyDelete~lee
lee,
ReplyDeletemeron talaga akog kaibigan na ganiyan. nagtatawanan lang kami pag naalala niya. divorce na sila. pinoy na ang asawa niya.