Monday, March 21, 2011

The pharmacy and the book store

Dear insansapinas,


Talagang matigas ang ulo ko. Tok tok tok (tinoktok ulit para masiguro). Sabi nga ng doctor, huwag munang magpapagod o mag-eexert ng effort. Pero kailangang lumabas. Wala sa pharmacy ko ng aking painkiller na restricted and prescription (pero nabasa ko sa NY pala 1 out of 10 gumagamit ng gamot na yon. Bagong pharmacy at kailangang i-present ko ang aking ID at ang aking mukha para sigurado silang hindi ko binebenta sa black market ang pildoras. Sus.  Maghihintay daw ako. O hige. twenty five minutes daw. O hige. Wala pang isang minuto, nangangatog na ang tuhod ko. Hanap ako ng upuan. Masama ang aking pakiramdam. Sabi ko huwag muna. Hindi pa ako nakakapagsulat ng Huling Paalam. bwahahaha.
Mabait naman yong mga nakapila. Pinauna na ako. Kaya nong makuha ko ang gamot, naglakad ako ng pauwi. Marahan. Baka bumagsak ako eh. 


Kaya lang may dadaanan akong book store. Nakadisplay yong bagong libro ni Patterson na Toys. Kamahal. 
Kung ang aking boss noon ay hindi pwedeng hindi pumasok sa Macy's na dadaanan namin, ako naman parang simbahan ang bookstore na hindi makakaraan kung hindi mag-aantanda. Biglang Kurus. 



May mga sale na libro, bumili ako ng apat. Papunta na ako sa shelf ni Patterson ng masama na naman ang aking pakiramdam. Kailangang makauwi na. 


Sobrang bilib ko sa sarili ko kasi na kaya ko na. ZZZZZZZZZZZ


Pinaysaamerika

5 comments:

  1. Anonymous4:31 AM

    pahiram mo na muna sakin mam ehehe,sa dami ng nabasa kong novel ni patterson (pero mas marami ang hindi pa) e diko na malaman kung alin ang nabasa kot hindi pa kainis,gumawa ako ng listahan naiwala ko naman iiiiiiiiiiiiihhhhhh
    mam,sabi nila,kakambal ng kagandahan ang katigasan ng ulo...chos!
    ~lee

    ReplyDelete
  2. merong website si patterson. pwede mong macheck ang mga novels na nabasa mo na. pero kahit nga ako, hindi ko matandaan kahit binabasa ko ulit. pag nasa kalahatian na ako saka magiging familiar sa akin ang novel na nabasa ko na. may mga bago akong author. mga babae naman at nakakatawa ang kanilang mga novels.

    tungkol sa kagandahan at katigasan ng ulo. I agree with you 110 per cent. biglang suklay ng buhok. hehehe

    ReplyDelete
  3. Anonymous9:06 AM

    mam,dina uso yung "ang haba ng hair mo"...sabi nila kung maganda ka magpa bangs ka,yun na ang inn ngayon...yung my bangs.... eeeek my bangs ka pala?di pwede yan,bukas na bukas magpapa bangs din ako,ipapa bangs ko lahat ng buhok ko,means lahaaaaaaaat bwahahaha
    ~lee

    ReplyDelete
  4. lee,
    pagnagpabangs ka lahat magiging parang bunot kagaya ng Three Stooges. bwehehehe.

    ReplyDelete
  5. Anonymous5:47 AM

    oo nga noh? sinu na nga yung puro bangs sa stooges mam?si moe ba?limot ko na mga name nila
    sabi naman ni mader si bukaneg daw ehehe si bukaneg yung bidang igorot sa komiks nung araw,palagi akong nakukurot kasi adik ako sa komiks mwehehe
    ~lee

    ReplyDelete