Dear insansapinas,
Namissed ko ang magblog ng early morning. Pagkatapos kong ayusin ang dadalhin ko sa ospital, bukas, talagang antok na antok ako at hindi ko maibukas ang aking mata, nang ginising ako ng aking friendly ghost. Una may narinig akong nagclick. Dahil ang aking pinto sa bedroom ay may pagkamulto rin, sumasara ng sarili niya (no walang mechanism na kusang sasara yon, inisip ko na lang na baka hindi pantay ang aming bahay kaya nahihila ang pintong sumara). Hindi ko pinansin. Tapos mas malakas na blag ang narinig ko sa bandang computer desk ko. Tayo ako at sabi na OO na nga, tatayo na. Alas dos na ng hapon. Hindi naman sumara ang pinto at wala namang nag-iingay sa aking computer desk. Ngiii.
Pero hindi yan ang aking blog. Pasakalye lang. Play it again Sam.
Kagabi, pinanood ko sa computer ang CSI: NY. Interesting. Mga istudyante sa private school na ang tuition fee ay halaga na ng sweldo ng middle manager. Hindi bababa sa 80,000 dolyareses. High school yan mga tita.
Pinatay yong pinakapopular, pinakamatalino at pinakamagandang istudyante. Sa imbestigasyon, kaya pala siya nakakataas ng grade dahil sa kodigo niya. Take note. Bottled Water. Pinapalitan nila ng codes yong nakasulat sa plastic na lalagyan. Nakita lang ng isang CSI ang contents na nakaprint sa bottle na may pangalan ng bansa, mga importanteng dates. Ganiyan sila mandaya. Sino nga naman ang maghihinala na codigo yon.
Rewind.
Meron kaming kaklase noon, na maganda rin. Sa Anatomy and Physiology almost perfect ang exam samantalang kaming mga nag-uuwi pa ng buto sa bahay para mapag-aralan ay hindi ma-master ang subject. Nagkaroon ng imbestigasyon. Nagreklamo ang mga kaklase ko. Dahil doon lang naman siya mataas. Sa ibang subject, butata siya. Ginamit nila ako na doon lang raw sa subject na yon ako mababa ang grade. Totoo naman. Ang hinala nila, may relasyon yong dalawa. So impromptu exam. Mataas ako, mababa siya. Defensive si Prof. Sabi niya ibabagsak daw niya ang buong klase.Sabi ng leader naman, subukan niya. Idodonate daw nila ang grades nila sa mga kaklase naming bagsak ang mga grades. Makikick out kasi. Imbestiga, imbestiga, natrace sa printing office ng school. Doon kasi iniimprinta ang test papers. Salbahe.
Rewind ulit:
Prof. na rin ako. I saw to it na hintayin ko ang test papers at kunin pati ang stencil. Aba, may nakaperfect. (lesson leanred: wag gagawing perfect ang score). Ang siste pa ang mataas ay hindi masyadong magaling. Imbestiga rin ako. Baka sabihin naman na boylet ko yon anoh. Yon pala ang nakukuha naman niya ay yong carbon ng stencil na pinupunit bago print ang test papers. Salbahe.
Hindi ako nagkodigo ni minsan. Madali akong mahuli eh. nerbiyosa ako. Samantalang ang mga kaklase ko ay may parang pamaypay na maliit ang sinusulatan nila; ang isa babae kong kaklase, isinusulat sa kaniyang hita. Mistula tuloy siyang tatoo.
Ang ginagawa ko ay association. Kagaya ng pangalan ng buto sa leeg- batok - ang ribs- ay ang puso ko and so on. Minsan ginagawa kong kanta. Kaya pag nakita mo akong nagbibeat habang kumukha ng exsamen, ibig sabihin, kinakanta ko ang minimorize ko.
Blind item na hindi blind
May prince at princess daw na inamin na ang kanilang relasyon pero hindi masaya si princess dahil hindi naman sila madalas makitang magkasama hindi kagaya ng mga mag sweetheart. Kaya lang daw pinaamin na may relasyon dahil sa tuna.
Naku Biyay, may pag-asa ka pa. Pag naubos ang tuna, baka break na sila.
Pinaysaamerika
ako din i never cheated, kahit assignment. bahala na ang ma-zero.
ReplyDeletenakita ko na yang cheating through a bottle pero coke can naman ang ginamit. nasa youtube yun. kwento ng mga kapatid ko on cheating, nilalagay nila sa hem nung skirt nila ang formulas para hindi obvious. o di kaya eh ilalagay sa improvised pen ang kodigo.
ann
ann,
ReplyDeleteyong mga hem ng skirt, noon pa yon, pero itong mga nasa can o bottle, bago. Dapat pala ipagbawal din.
yung sinusundan kong sister is 5 years older than me so di na nga yata inabot ng panahon ko yun. besides, naka jeans or shorts naman mga students sa atin :)
ReplyDeleteactually nung panahon ko sa cellphone nilalagay ang formulas :) after that pinagbawal na ang mga cellphones pag exams pero gumraduate na yata ako nun. before the cellphones, nasa calculator naman yung iba (yung nakakagenerate ng graph).
btw, i'm really glad you're okay ate cath. welcome back :)
meron kasing mga school na may uniform. so doon nila itinatago.
ReplyDeleteyon sa pantalon, sa mga bulsa yata inilalagay.