Tuesday, January 04, 2011

Tagalog at gaano ka cheap si Rizal

Dear insansapinas,


Angela Stuart Santiago wrote:
read Rizal’s open secrets by john nery. rizal and del pilar in their correspondence 1889 to 1890 turned from spanish to tagalog for a “layer of privacy”, “to wrap something in (or bind themselves to) secrecy”,
Isa sa mga dahilan ng pagsulat ko sa Tagalog sa comment o sa aking blog ay upang hindi ako maintindihan ng mga banyaga. Nakita naman ninyo panay kritisismo ang aking mga isinusulat tungkol sa Pinoy hindi para siraan kung hindi para ilabas ang katotohanan. Pero ayaw ko naman na mabasa ako ng ibang lahi na masyadong bitter sa  Pilipinas, Kay Ganda Koh.


Lately, however (ayan English yan) nakita ko tinatranslate sa ibang lahi ang aking blog. Hindi naman mga Pinoy yon. Yong iba ay sa bansa kung nasaan si Lee. Hindi naman si Lee ang magtatranslate. Iba naman Kastila at meron pa sa Middle East. Sus. mga espiya ba sila? Hindi po, hindi po ito Wikileak. Toinkk.
Pero ang hinala ko curious sila doon sa mga retratong ipinapaskil ko.. Gusto nga naman nilang malaman bakit tumatawa yong unggoy o kaya bakit roll eyes ako. 


Sulat pa ni Angela, How cheap is Rizal  dahil bakit nasa piso lang. Eh ang piso wala na halos halaga. Maglimos ka siguro sa pulubi, mumurahin ka pa. toinkk.

Ang pagkaalam ko kaya inilagay sa mababang denomination ang mga bayaning si Rizal, si Lapu-Lapu ay para makilala sila ng masa na karaniwang nakakahawak ng ganoong kababang halaga ng currency natin.

 Pero ngayon pati ang mga tao inalis na sa coins. Sabi kasi nila buti pa ang pera may tao; ang tao walang pera. 

Coins of the Philippines:
one cent - walang tao
5 centavos- may butas?
10 cents - walang tao
25 cent -wala pa ring tao
 (kahit kumatok kayo)
50 cents (walang tao.
1 peso - profile of Jose Rizal
5 pesos -Aguinaldo

10 pesos- nagisisiksikan si Bonifacio at Mabini



Pero I agree kay Angela na dahil sa devaluation ng peso, minsan candy na lang ang ginagamit na pangsukli kaysa yong mga coins natin. Meron pang time (mayganun) ang one cent ay gawa sa light material na paghinangin, mauna pang lilipad kaysa buhok mo. aghh.

Sabi ng lola ko, palagi daw silang may dalang coins noon dahil gawa yata sa metal na takot ang aswang. So pag marami ka noon sa bulsa, hindi ka lalapitan ng aswang.

Ngayon din naman, hindi ka lalapitan ng mga "aswang" kung ang dala-dala mo lang ay barya. Iisnabin ka nila. 
Tinatanggap pa ba ang mga coins natin?
Kasi dito kahit one cent, tinatanggap nila. 

Coins of the United States
One cent - Lincoln
Nickel  - Jefferson

Dime- Quarter- Roosevelt
half- a Dollar - Kennedy (limited circulation
Dollar- Sacagewa - limited - tinatago ng tao for collection na.



Pinaysaamerika

2 comments:

  1. dapat pala si Rizal ay hindi sa isang piso ilagay kasi sa mga bayani siya ang pinaka popular..dapat sa 1,000 piso bill siya ilagay...

    ReplyDelete
  2. sabagy ang 1,000 pesos ngayon, parang barya na lang sa kaunting nabibili.

    ReplyDelete