Tuesday, January 04, 2011

Gift Giving and the Culture of Mendicancy

Dear insansapinas,
photocredit: MSNBC
I will undergo procedure tomorrow for my C. Say a little pray for me.


I am not alone. I have my brother with me. Some relatives do not know that I have already a verdict just because I am not a candidate for Miss Congeniality among them --baka yong iba sabihin pang buti nga  and I don't care. Taray. 
Generous ako. Thump thump thump.( Aray sakit sa dibdib ang magbuhat ng sariling bangko) But not to the fault of encouraging mendicancy.


Itong sinulat ni Mecsy ang magsasabi ng aking mga hinaing din.


And the asking/begging hasn't stopped. My uncle has been texting my cousin to ask my Mom to give aguinaldo to my cousin, whose wife has just given birth, for formula money. While I feel for the infant, who was born with an infection and requires a daily dose of antibiotics, my cousin was right in telling my uncle that I'd just go ballistic on them since I breastfeed so my cousin-in-law should to.
May isang pamangking dalagita ang aking unang ex-hubby na aking kinupkop sa bahay dahil namatay nga ang kanilang ina at ang ama naman ay lasenggero. Imbes na tulungan ko sila tuwing may kailangan sila, minabuti kong paaralin ang kanilang sumunod sa panganay para siya ang tumulong sa kanila pagnakatapos siya.  Nandoon na rin siya sa bahay, pinagenroll ko na rin. Naghanap ako ng student assistance sa isang university na may kakilala ako. Bago siya makapasok sa school, nandiyan na ang kaniyang ama at sinusundo dahil maysakit daw, yada yada yada. Alam ko kinutsaba niya ang tatay niya para makaalis siya. Naiwan namang ang dalawa niyang kapatid na ang isa ay nagtapos. 


Akala pala mag-iistay siya sa bahay sa siudad para mag enjoy. Mga ilang buwan, ipinasok ng ama sa pagiging katulong. Mga ilang buwan nag-asawa. Nanganak, kailangan ng pera. Hingi ng pera sa aking tsikiting gubat. Caesarian pa dahil may sakit daw sa puso.  Pinsan eh, binigyan. Utang daw. Walang bayaran. Nabuntis, nanganak ulit. Hingi na naman ng pera. Dahil nasa States na ako, ang aking kuwarto ay available. Dumating, kayag-kayag ang asawa, mga anak at ginawang boarding house ang aking bahay. Hindi nakatiis ang aking tsikiting gubat, pinaalis sila. Sinabi niya kung paano ko tiisin ang lamig sa States, gigising ng alas singko para lang magtrabaho tapos sila, nagpapakataba sa bahay. Umalis pero mula noon, hindi na nila binati ang aking tsikiting gubat at pati ako ay masama na rin sa kanila. Siguro pag nalaman nila na maysakit ako, sasabihin pang buti nga. Pero namatay din ang pamangking yaon sa kabilang side. Hindi nadala ng puso ang palaging buntis. Dapat tinalian ng condom ang leeg ng kaniyang asawa. 


But it's really one of the downsides of Christmas. Even some of my nieces and nephews had the gall to demand aguinaldo from hubs, which made me decide all the more not to give them any. Some people just automatically assume it's other people's obligation to give. It is the season for giving but everyone should be giving. Some people just want to receive. 


Ang naiinis ako ay manghihingi sila kagaya ng lap top, I phone (oo IPHone) kasi daw nagreresearch sila. Ha. Bigyan mo ang isa, hihingi sa isa pang kamag-anak ng isa at sasabihin bakit si ganito binigyan si--- ng lap top. Ha? 


Dalawin mo naman sila, ni hindi ka mang mabigyan ng consuelo na tanungin ka kung kumain ka na. Pagkatapos kunin ang pasalubong mo, hindi na sila lalabas sa kuwarto kesehodang magutom ka ng walang pagkain.

Ang magulang naman ang nagsusulsol humingi. Siya na hihingi rin ng pera dahil magdedebut ang anak (wala naman silang trabaho) at nakakahiya raw na nasabihan pang ang mga uncles at aunties ay nasa abroad. Haller, ang mga aunties at uncles na ito ay may bills rin na binabayaran. 
Hindi naman kagaya kami ng ibang balikbayan na akala mo milyonaryo pag-uwi kapapamudmod ng pera para lang makita ng mga kamag-anak nila na signature ang kanilang mga bag, mamahalin ang perfume na ginagamit pero pag-uwi sa USA ay hirap sila sa trabaho nila hotel o kaya sa ospital. 


So anong makukuhang values ng mga anak, ang manghingi. 


 And frankly, it can get quite exhausting to help especially if they make you feel you're a bad person for not having satisfied them. 
Ngayon nga ay bruja ako sa kanila. Ako na nagencourage silang matulungan para makapag-aral ang mga bata kahit wala silang trabaho. Kasalanan ko rin. Binigyan din ng means ang mga taong yon para kumita. Ang capital nila noon sa negosyo nila ay galing sa akin. Ahem. Nang umunlad yon kahit isang litsong manok hindi ako nabigyan pag Pasko. Kasi raw kulang pa nga sa mga customers. Hoke. Binigyan din siya ng pangnegosyo, ayun sarado rin. Pinatapos din siya ng kaniyang propesyon, ayun, ni hindi nagattempt mag-apply kahit volunteer para magkaroon ng experience.


Minsan iniisip ko kung makikipagbati ako sa mga taong ito dahil sa kalagayan ko pero pag naiisip ko na mali ang ginagawa nila at ang paghindi ko ng dispensa ay parang sinasabi kong tama sila, hindi ko makuhang mapaoo ang sarili ko.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment