Tuesday, December 28, 2010

Tuyo, Toilet Paper, Ai-Ai delas Alas and Kris Aquino

Dear insansapinas, 


Tuyo at Toilet Paper
Pagkatapos ng mga calories at fats na isinaksak natin sa ating system, maghahanap naman tayo ng mga mercury-laden na pagkain. Isda. Seafood. At ano pa ba ang pinakamasarap kung hindi ang sinaksakan ng formaldehyde na tuyo o kaya tinapa?  Mainit na kanin. kamatis at talbos ng kamote na pinigaan ng kalamansi. Augh. Sakit sa mga may hyperacidity. Parang pinipigaan din ang lining nga stomach. Ewww. 


Hanggang buntong hininga lang sa akin yan, kasi wala ditong tuyo at tinapa. Sa San Fran meron. Lumabas nga ako para bumili ng seafood. Whoa, inexpect ko walang laman ang mga shelves ng grocery pero puno naman. Kasi dito sa East Coast pag may bagyo, nililimas ng mga tao ang pagkain para magstock kagaya last year. Ngayon nakahanda ang store. Replenish kaagad ng stock.  


Sa San Fran naman ang iniistock, toilet paper at paper towel. Obserbahan ninyo ang mga lumalabas sa Costco, ang lalaking balot ng toilet paper at paper towel ang nasa shopping cart nila.


Ako nga pag namili doon, pwede ko nang isama ang aking mga kapitbahay o kaya dalawang taon kung gagamitin o higit pa kung titipirin ko lang ang toilet paper. Gumamit ng tabo. Silly Hindi yong kapiranggot lang ang gagamitin.


Dito naman sa East Coast ang iba bumibili ng buong baka, baboy at mga dressed chicken. Iniimbak nila sa freezer para pag may yelo sa labas, di na kailangang lumabas.


Ako naman nag-iimbak din, pero maliliit lang at may sarili silang imbakan, gawa sa LATA. Delata kasi. 
MMwehehe


Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino




Nabasa ko noong isang araw na nagsalita si Kris Aquino na kaya raw ayaw niyang manalo o sumali sa awards-awards dahil nga baka raw maintriga na naman siya sa MMFF.



Yon pala kasi si Edwin Lacierda ang  chairman ng board of judges. 


Presidential spokesman Edwin Lacierda, also chair of the board of judges of the MMFF, maintained that delas Alas won “because based on the evaluation of the criteria as uniformly provided to all the judges, she obtained the highest score.”
Delas Alas is the lead star of “Tanging Ina Mo, Last Na ‘To,” the film fest’s best picture.
“Her performance was well rounded and I believe that if one would decide to watch the 8 entries, one would have agreed with the decision," he added in a text message sent to ABS-CBN News.
On the perception that delas Alas’s closeness to presidential sister Kris Aquino had a bearing on her victory, Lacierda said: "To answer the concern, Kris' closeness to Ai-Ai had no bearing on the latter's victory.”
Si  Pokwang, binigyan niya ng sasakyan in gratitude para sa pagcampaign. Ito kaya ay pasasalamat pa rin?


In fwerness naman kay Ai-Ai delas Alas, magaling naman talaga siyang umarte and given the competition na mga bagito pa (nakita ko si Jennylyn Mercado sa trailer) kailangan pa niyang kumain  ang isa pang sakong bigas para manalo. Yong bigas lang ha.


Pinaysaamerika 

4 comments:

  1. sabihin mo lang miss cath kung saan, paano at kelan. di naman ganun ka-problema ang magkano. ano gusto mo: tuyo, tinapa, dried pusit, danggit, new look? allowed ba yun ipadala via post office? at least yung mga pagkaing ganun? late christmas gift ko sayo :)

    ReplyDelete
  2. biyay,
    magsasara ang post office at magpapadala ng bomb squad na nakahazmat (hazardous materials). whehehehe.

    lalo ang ang danggit. Whew, dinalhan ako ng aking kaibigan niyan sa San Fran, sinugod ako ng mga kapitbahay noong niluto ko. What is that f****** smell? you got a dead cat?

    ReplyDelete
  3. hindi sya gaano kalakas ang amoy pag niluto mo sa oven toaster. san ko ba nabasa na pag nagluto ka ng tuyo, sabayan mo brew ng kape para ma-mask ang odor :D

    ReplyDelete
  4. biyay,
    kulob kasi ang mga bahay namin dito.kaya pag sumingaw, lumabas sa mga siwang ng pinto, tindi, abot sa kapitbahay lalo sa mga condo units.

    di ba nga sa NY, idinimanda ng madre yong mga Pinoy nw nagluluto ng tuyo.

    buti na lang mabait dito ang mga kapitbahay ko. kung kagaya sa San Fran na mga walang pakikisama at pati parking namin kinukuha, oorder ako saiyo ng marami at araw-araw kung lulutuin. meow.

    ReplyDelete