Wednesday, December 29, 2010

New Year's Resolutions Noon at Ngayon

Dear insansapinas,


Meron ako dapat ipopost ang thoughts ko sa blog ni Resty tungkol sa kaniyang namatay na kaibigan, kaya lang papunta ko ngayon sa doctor ko at sa ospital. Pagbalik. Mahaba eh. Isa pa malabo yata ang aking salamin. Sinong nagsabing naiyak ako? Prssssst.


Ang nasa ibaba ay reposted last year na dinagdagan ko na inupdate ko ngayong taon.  Ito ang mga karaniwang resolutions ng tao pagdating ng Bagong Taon.

2009


1. Lose Weight- Yong aking kaibigan, ito palagi ang kaniyang New Year's resolution. Successful naman siya. Successful siyang iwala niya yong  kanyang weighing scale. 

Sinubok ko ito para bang iwawala mo ang iyong pusa sa pamamagitan ng pagliligaw sa kaniya. Successful. Nawala yong pusa.


2010


New Year's resolution niya ulit. Hindi na nawala yong weighing scale. Ayun, basag-basag. Itinapon sa basura.


2009

2. Do not drink - May kaibigan akong Indonesian na nag-aral sa Pinas. Kung lumaklak siya ng San Miguel beer, isang case, parang tubig lang. Ako uminom lang kalahating boteng beer, kumakanta na. Baka pag naubos ko ang isang bote, sumayaw na ako sa ibabaw ng lamesa. Baka pag nakadalawa ako nag lap dance na ako. (Biglang wisik ng holy water).
Umuwi ang kaibigan ko sa Indonesia. Nang pumunta ako roon, dumalaw siya sa hotel ko. Tinanong ko kung umiinom pa siya. Sabi niya hindi na. May asawa na siya. Hindi na siya umiinom ng San Miguel Beer. Ibang brand na lang.  wohoo.


2010


Yong asawa ng kaibigan ko. Matapos maoperahan sa kidney at sa iba pang parte ng katawan, new year's resolution din niya ang huwag ng uminom ---sa bahay. Dumadayo na lang siya sa mga kaibigan. Ploinkkk




2009 

3. Quit smoking-Isa kong ring kaibigan, naging new year's resolution ang huwag ng manigarilyo. Ayun, huminto na siyang manigarilyo....na binili niya. Nanghihingi na lang siya.

2010


Yon asawa ng aking kakilala, nangako na ring huwag magsigarilyo. Hindi na nga siya naninigarilyo. Sinisinghot na lang yong usok ng mga sigarilyo ng barkada. Sus, second hand smoke rin. 



2009

4. Save Money- Dati ko kung karoommate, sobra kung makagastos lalo sa shopping.Ngayon hindi na siya gumagastos, nanghihingi na lang sa nanay, sa kapatid at sa kaibigan. Hindi na rin siya minsanang bumili, lay away plan na lang.

2010


Di na talaga gumagastos yong aking kaibigan---ng cash. Nakacharge na lang sa credit cards. 


2009


5. Spend more time with the family- yong asawa ng kaklase ko, mahilig makipabarkada. Inuman. Palaging wala sa bahay. Bagong Taon, resolution niya ito. Kaya ngayon kahit saang inuman, kasama niya ang kaniyang asawa at mga anak.


2010


Ngayon, ang inuman sa bahay na. Yong barkada na ang mga pumupunta. 

Kayo ano ang New Year's Resolution ninyo? 


2009

Ako ang iwasan kong uminit ang aking ulo. Bumili ako ng ice pack 



2010


Bumili ako ng maliit na electric fan para sa ulo ko para di uminit. Toinkkk


Isa pang resolution ko ay chechekin ko ang spellling ng aking sinullat. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment