Wednesday, November 10, 2010

When I hit the ceiling

Dear insansapinas,

 photocredit: MSNBC
Masyado akong mapasensiya. Marami sigurong pinakain sa aking tinapay na ngalan ay pasensiya.Ngork

O kaya nadevelop ko ito noong ako ay dean dahil hindi lang mga istudyanteng nag-aaway-away ang aking pinagkakasundo kung hindi pati ang mga faculty na nagbabangayan. OO Birhinya kahit saang gubat, may digmaan, habang ang mga tao ay may kaniya-kaniyang agenda at interest.


Kung sasalubungin ko sila lang mainit na ulo at pagpaparusa kaagad, walang mangyayari.Ayoko ring mag side kanino. Pinakikinggan ko ang kanilang mga panig. Para ngang kawali, may parteng lutuan at may parteng nakasalang sa apoy.

Sa mga faculty ay kinakausap ko muna ang isa't isa. Nagsisimula ako sa pagkumusta sa mga anak at pamilya kung meron man. Kung minsan ang stresss sa bahay ay nadadala sa iskwuela kaya nagiging war freak sila. Pag kinumusta mo ang kanilang mahal sa buhay, ibig sabihin noon ay mayroon kang concern at anuman ang i-discuss mo sa kanilang mga repercussions ay mas matitingnan nila ng malawak ang kaisipan. Kahit gusto ko nang batukan ang matitigas na ulo ng mga nag-aaway, pilit ko pa ring kinakalmante ang aking loob. Pag hindi ako nakatiis, tatayo ako sa gitna at bibilangan ko sila hanggang sampu. Magsabunutan na sila o magsuntukan kong lalaki.


Mahaba rin ang pasensiya ko tungkol sa relasyon. Pagtaksilan mo na ako, bibigyan pa kita ng regalo kung saan ka liligaya. Iwanan man ako ay iniisip ko na siguro yon ang nararapat at nakatalaga.


Pagsabihan mo man ako ng aking kamalian ay pakikinggan ko at lilimiin kung ano ang nagawa kong masama.


Pagtrayduran mo man ako as a friend, hindi kita hahabulin. Dahil siguro hindi ako good enough as a friend.


Ito lamang ang hindi ko mapapalampas.

1. Ang manood ng isang TV commercial na pagkatapos maroast ang turkey ay magyayakapan kayong mag-asawa. BAKEEET?


2. Ang TV commercial na buong pamilya nakangiti habang kumakain ng inindorsong pagkain. BAKEEET?


3. Ang isang TV commercial na cream for arthritic pain na wala ring scent pero inaamoy nang nag-eendorso na akala mo ba ay masarap na pagkain. TSEEH.


4. Ang tumawag ka sa akin habang nasa last 5 minutes na ang pinanonood kong mystery thriller o Dancing with the Stars. UGH


5. Ang masakit na ang pakiramdam mo at tatanungin ka pa ng So How Are you today, nang nakangiti. 
GRRRRR.

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous8:53 PM

    am back balakubaks,ilang beses akong nagcocomment tumatalbog ang comment ayaw tanggapin...
    eto pa mam...

    yung buong pamilya nagco comersyal ng sabon na naglulundagan at nagiisplit pa sa tuwa na parang sa buong buhay nila nun lang nakapaligo ng my gamit na sabon(ng bumili akot gamitin binutlig pako)

    na buong pamilya nakangiting lahat habang nasisipilyo at tapos ng magsipilyo nakapako parin ang ngiti na parang nun lang nakasipilyo sa buhay nila at kailangang nakalabas ng literal ang ngipin ang nagkakaron pa ng estrelya(ng bilhin ko e habang sinisipilyo naduduwal ako sa lasa)

    na habang nagtitimpla ng juice ay nagsasayawan lahat buong pamilya(ng tikman ko lasang eraser ng lapis,pweh)

    na habang kumakain ng noodles ay napapapikit pa sa sarap (ng bilhin kot tikman lasang karton ng sapatos,pweh)

    na nung iniinom yung gatas napapailing at papikit sa sarap(yun pala my milamine ngeee).

    na yung sa tv frozen BBQ na isasalang molang sa microwave oven ok na at napaka juicy ng chura, ng maluto ko na istik nalang natira wala na yung meat,hinahanap ko baka my sumalisi sakin habang nasa loob sya ng microwave.

    na yung shampoo pagkagamit super kintab at laglag na laglag talaga yung buhok sa lambot,ng ako gumamit laglag nga...laglagan buhok ko sa semento.

    na yung sabong powder panlaba super hi tech,dipa kinukusot tanggal na mantsa,nung ako gumamit,bakbak na yung kamay ko kakakusot e yung mantsa ng ketsup nandun pa rin,chalk lang yata na dinurog kasi bumubula na yung bunganga ko sa ngitngit e yung sabon ayaw pang bumula.

    na yung pamangkin ko na 3yr old e nakanganga tulo laway panonood ng chicken from KFC kaya ora mismo dinala ko at ang bruhitang bata napapatalon sa tuwa,unang kagat sa manok,hinagis,hilaw daw my dugo daw ngeee.

    ...at marami pang iba,kaya matagal nakong di nanonood ng tv lalo na mga ungas na patalastas.

    namiss kita mam,sorry daw at matagal akong nawala kasi palaging out of servise ang mga baging sa dami ng unggoy na naglalambitin.

    ~lee

    ReplyDelete
  2. mas marami pala diyang ganiyang commercial.

    siguro magkakamag-anak ang gumawa ng ganiyang commercial.

    tumatalbog nga yong comment mo pero ang dami ring lumalabas, isa lang itong published ko. akala ko nagmumultiply. hehehe

    mas marami kang unggoy nas kasama.

    ReplyDelete