Tuesday, November 09, 2010

Child P0rn, Carpet Stretcher at Cough Syrup

Dear insansapinas,

Pagkatapos kong makipag-usap sa aking kaibigan, nanood ako ng Law and Order SVU.Wala akong ganang magbasa ng mga libro. Hindi ako makapagcomputer. Pinasok ko yong isa kong laugh top sa kuwarto ko. Dalawa na ang laugh top ko sa kuwarto. Baka magtsismisan na yong dalawa sa twitter account ko. Bwahaha.


May darating kasing carpet cleaner/stretcher at kailangan clear ang floor ng mga furniture. Yong iba kulang na lang ipako namin sa ceiling. Toinkk.


Marami akong natutuhan sa Law and Order. Isa yong pag-spoof sa phone. Mga techie na masasama ang budhi. May gagawin silang mga abrakadabra, magagawa nilang magring ang phone at lalabas ay yong number na hindi kanila pero ginagamit nila.  Alam ko ito kasi maraming mga telemarketer na masasama rin ang budhi na gumagamit ng phone number ng government agency pero pag-angat mo at iba ang sumasagot.


Ikalawa ay ang sextexting. Isang high school student ang nagpadala ng kaniyang hubad na photo sa kaniyang boyfriend. Ang siste, ibang number ang napress ng i-send niya. Kumalat tuloy. Nacharge siya ng child p0rno something something.


Dumating yong carpet stretcher. Kumatok siya at sa heavy accented niyang English, sinabi niya na siya ang maglilinis ng carpet. Malinis and carpet namin. Kaya lang medyo may mga baku-bako dahil sa aming vacuum. Ito tuloy robot naming tagalinis nagrereklamo.

Tiningnan niya ang carpet. Hmmmm. Tiningnan niya ang mga natitirang furniture sa sala at sa dining. Hmmm. Tiningnan niya akong nakatalungko sa sofa. Hmmmm. Sabi niya, I'll be back 5 minutes.

Five minutes na lang para matapos ang isa pang episode ng law and Order. SUYA.


Buti na lang nakapagbrunch na ako. Wala akong gana pero kailangang uminom ng gamot. Tagal pala. Tagal doon akong nakatingga sa kuwarto ko. Ang cough syrup ko ay nasa kitchen. Kailangan kong mag-acrobat para di ako tumapak sa ini-steam na carpet sa hallway. Sakit pa naman ng likod ko. Hustle.


Nang matapos siya ay mga alas kuwatro na. Bah nagalaw niya yong bookcase ng kapatid ko at yong lalagyan ng collection ng DVD. Isang tao lang yan ha. Sa Pilipinas, may tagadala ng gamit, may tagamando at mga sangkaterbang magmomove ng mga furniture. Eh yon, isa lang.


Sabi niya sa akin, tapos na raw. Huwag raw magvavacuum kinabukasan. Bakit ako magvavacuum eh ang linis naman ng carpet. Yong area rug na lang ang aking proproblemahin. Sinakyan ko kasi minsang magliwaliw ako. Para bang magic carpet.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment