Tuesday, November 16, 2010

Tourism Slogans

 Dear insansapinas,
Sino mang nakaisip ng tourism slogan nating bago ay dapat bigyan ng isang PLAKE ng malaking K. Katangahan. Ang nakalagay ay ano ba ang problema mo at di mo maisip na kapag gusto mong makaabot ang iyong mensahe tungkol sa bansa ay ang PHILIPPINES ang gagamitin mo at hindi ang Pilipinas. Mahirap bang intindihin yan? Tuturuan pa ba natin ng Tagalog ang mga foreigners? Sandali makabuhos na malamig na tubig. Umuusok.


Tingnan na lang natin ang mga tourism slogans ng ibang bansa.
1. Uniquely Singapore
2. Amazing Thailand
3. Pure New Zealand
4. So Where the Bloody Hell Are You (Australia)
5. Malaysia, Truly Asia
6. Seoul, Soul of Asia
7. Incredible India
8. Naturally Nepal
9. Taiwan, Touch Your Heart
10.Cool Japan
at ang Pilipinas. TADAAAAAA.

TOINKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK

photocredit: Awesome planet
Where in the hell is Pilipinas, a foreigner may ask. Nasaan ang Pilipinas? tanong siguro ng mga hindi alam na ito ang pangalan ng bansa sa Tagalog.  Ang mga beterano sa US ang tawag sa Pinas ay P.I. pa rin. Ang mga foreigners ang alam, Philippines. Nilagyan pa ng translation yong meaning, eh yong bansa lang di pa alam. Ang alam ng mga kalalakihan ay ang mga Pilipinas (plural sa Pilipina) na nasa p0rn site at nasa mga advertisement ng mga mail-order bride. Alam ba natin na ang tawag ng mga Thai sa kanilang bansa ay Prathet Thai. Eh kung iyon ang ilagay nila sa kanilang tourism slogan, malalaman mo bang Thailand iyon at hindi tao? Ang Singapore ay tinatawag na Singapura na malapit sa English name nito, pero Singapore pa rin ang gamit nila. Ano ba itong sinasabing para maging iba. Sus. Ang huwag ninyong sasabihing nationalistic kayo kaya gusto ninyo Tagalog ang gamitin. Puwede bah, pakiplantsa ang kilay ko.


Ang meaning daw ng logo:


A cute tarsier, a marsupial endemic to the country, highlights our unique and playful character.

Kung hindi pa ako napunta sa Pinas, ang tingin ko doon sa nakadapo sa I ay maliit na owl. Playful ba ang tarsier? Suicidal nga sila. Ikulong mo sila at magpapakamatay sila. As a Filipino, ayokong ikumpara sa tarsier na isang nocturnal na hayup. Ano ako vampiro? Sus. At ang tarsier ay hindi marsupial kung hindi primate. Ito ay kapamilya, kapuso, kapatid at kamag-anak ng mga unggoy.Ang marsupial ay mga lahi ng mga hayup na may bulsa sa tiyan kagaya ng kangaroo.


Ang coconut tree ay ginagamit kahit sa Florida at Hawaii. Hindi original.Pagkatapos ito ang gagamitin ninyo sa launching: Bah.
Aba eh talagang ang mga babae ang ibinibenta ninyo dito. TSEH.





Inalis daw ito nang gumawa. Dapat lang kasi nakakahiya naman na ang budget ay million pagkatapos ganito lang ang kapupuntahan. ANO BA TALAGA ANG PROBLEMA NINYO.
Pwedeng Fascinating Philippines o Philippines: Enchanting Experience

Pinaysaamerika

3 comments:

  1. pwede rin Philippines, Perfect Place To be

    ReplyDelete
  2. lorena,
    dapat kasi nagpacontest sila.

    ReplyDelete
  3. Anonymous3:38 AM

    dapat yata medyo appropriate ay

    " Enchanted Islands" para intriguing, associated to famous Boracay, Mayon Violcano,Rice terraces, other surfing beaches

    joji

    ReplyDelete