Dear insansapinas,
photocredit:MSNBC
Namissed ko ang first part ng Dancing with the Stars. (Oo, Birhinya, sa akin big deal yon). Bumalik ang aking kapatid galing sa pharmacy (hindi ko sarili ha, doon lang ako kumukuha ng prescription ko. Tumatawag lang ang aking doctor. Pero ito iba. Kailangan dalhin ang prescription ng aking pain meds. Controlled substance siya. Walang available sa pharmacy.
Meron dito sa bagong pharmacy sa lugar namin. Franchised din yon ng pinakamalaking pharmacy dito. So, suot lang ako ng jacket at takbo na kami. (gapang pala).
Lapit ako sa pharmacist para ibigay ang prescription at ang aking insurance card. Ah, hindi niya tinanggap ang aking insurance. Pang diabetes lang raw yon. Sabi ko pakitry niya kasi lahat ng meds ko ay nakacharged doon at binigyan ako ng mga meds na covered nila. Nasa level one lang ang meds na prescribed sa akin, antibiotics at painkiller. Bago pa ang pharmacist. Kailangan ko na naman ang pasensiya. Ipinasok niya ang pangalan ko at date of birth (yong totoo, guffaw). Nakita niya siguro sa system nila na pwede na akong magtayo ng botica sa baryo sa dami ng meds na nasa pangalan ko. Toinkkk.
So sabi wait ng 15 minutes. Okay rin. Wala pang mga customer masyado. Sa dati kong pharmacy, isang oras ang waiting time.
Pinaupo ako ng aking kapatid doon sa isang bench. Ibinibigay sa akin ang NOOK, baka raw gusto kong magbasa. Parang Kindle yon. E-Book. Ayoko. Gusto kong manood ng mga nagshashopping.
May katabi ang aking kapatid na isang lalaking itim. May pinapakitang bungkos ng pera. May sinasabi. Hindi ko pinakikialaman. Akala ko nagkukuwento lang sa kapatid ko. Ang attention ko ay nasa mga spaces between shelves. Maximized masyado. Isang shopping cart lang ang pwedeng dumaan. Pag medyo, XXL ang taong nagtutulak ng cart, uurong ka talaga. Pero malaki na ang store na iyon. Mas malaki kaysa sa doon sa pinupuntahan namin.
Tapos tiningnan ko yong lalaking itim. Nagsasalita siya, nakatingin sa akin. Akala niya hindi ako kasama ng aking kapatid. Tinanong ko ang kapatid ko kung ano ang problema niya. NAGPAPALIMOS DAW. Sus. Kalaki ng katawan, kabata pa. Siguro gagamitin sa drugs. At bakit inallow ng bagong mall ang mga ganoong tao. Nasisira ang kanilang store. Gusto kong maghanap ng security, pero may dumating at niyaya na ang lalaki. Mukha namang hindi bum ang kasama. Mukhang ama o kapatid. LECHE.
May pumalit na umupo sa dulo ng bench, kung saan may machine para sa libreng pagkuha ng vital signs; blood pressure at pulse. May umupong lalaki. Akala ko para kaming magiging seesaw. Ang laki niya. Kasama niya yong kaniyang asawa. MALAKI rin. Kailangan mo nga ng isang demolition truck para hawiin sila sa pagkaharang nila sa daanan. (Ayan na naman ako sa pagpintas).
Hindi ko tiningnan ang kaniyang blood pressure. Palagay ko mataas yon. Ako kakukuha lang sa akin. 135/78. Diastolic ko mababa sa regular kong 140. Hindi pa ako kumakain niyan ha. Hindi ako naniniwala sa mga digital sphygmomanometer. Hindi siya accurate.
Nakabalik kami sa bahay. Dalawang minuto lang naman ang layo. Kalahati na lang ang inabot ko sa DWTS pero napanood ko pa ang Hawaii Five O. Nakakain din ako ng kaunti para lang di ako manghina at makainom ako ng gamot.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment