Sunday, November 28, 2010

PPP

Dear insansapinas,
Nasa marathon ako ngayon. Hindi marathon ng takbuhan. Hindi ako pwede diyan. Nakabalik na ang mga nauna, nasa starting line pa lang akoh. Nanonood ako ng marathon ng NCIS. Marathon ng mga utak. Sino ang kriminal, sino ang maysala?


In the meantime, ito yong bouquet of flowers ko. Sobra lang ito kaya inilagay ko sa plastic container. Hindi yan tabo. Galing yan sa ospital. Lalagyan ko ng iced water.


Sa ibaba ay ang mini-tomatoes. Yes folks, kamatis yan. Kaya lang hindi ako pwedeng kumain. Masyadong acidic. Gulat kayo purple kulay anoh?


Napaglaruan ko lang yong camera. Eh ano ang relasyon nito sa title ko na PPP?


Piling -Piling Pelikula ba? Hindi Pinocchio. Ito ay bagong binyag ng administration sa Build-Operate and Transfer na inadopt noong kapanahunan ni Ramos. Ngayon ay Public-Private Partnership na. Call it by any name, ganoon pa rin. 


Ito ang magkapartner a ang private businesses at ang gobyerno, ehek ang mga taxpayers pala sa infrastructure projects na itatayo sa bansa.


Ano ang advantages nito? Nagkakaroon tayo ng mga infastructure projects na ang private sector ang magbibigay ng capital habang ang gobyerno naman ay kapartner as:


1. tagabigay ng subsidy (Ooo Birhinyan, totoo ang narinig mo. Pag walang pera at walang tubo, ang gobyerno ang magbibigay ng pera sa mga private companies na nagcapital sa project. DAHIL SILA AY GARANTIYA NG RATE OF RETURN SA KANILANG INVESTMENT NA KARANIWAN MAS MATAAS SA COST OF DEBT.


2. tagabigay ng capital


3. tagabigay ng tax breaks


Ano ba ang pinagsasabi ko? Ang cost of debt ay yong interest ng pera na inutang. Halimbawa, nangutang ang gobyerno ng isang bilyonseses para magtayo ng tulay sa interest nq 7 per cent compounded annually, (pinukpok). yong interest na yon ang sinasabing Cost of Debt.


Usually ang mga private firms ay may target na rate of return base sa kanilang WACC. Weighted AVERAGE Cost of Capital na sinasabi. Halimbawa ang cost of debt nila o interest na binabayaran nila sa kanilang mga Long term loan; ang cost of capital na dividends binabayad sa mga stockholders. Pag sinuma total (divided by) klink klink klink (sound ng abacus)  ito na halimbawa a 10 per cent kailangan ang rate of return ng kanilang project ay mas mataas sa 10 per cent. 



Kaya ang gobyerno para sila maencourage ay ipapromise ang langit at lupa para hindi sila malugi sa papamagitan ng tax breaks,subsidies at capital contribution. Saan galing lahat ito? Sa taxppayers, Pinocchio. Kaya ang pangalan ko sa PPP ay Protektado Private Partners.


And that is our lesson for today, ladies and gentlemen. Batuhan na ng kamatis. Yehey. 


Pinaysaamerika

4 comments:

  1. Anonymous7:46 PM

    wohooo
    yan ang pinakahihintay kong part...yang batuhan ng kamatis, akin yung malaki yung parang kaymito.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. lol akala ko pilipinas-kay-pangit yung ppp. pero oo, pangit din itong ppp ni noynoy. talo na naman ang pinoy.

    ReplyDelete
  3. lee,
    mstigas yang mga yan. pero ang sarap sanang kainin. idudutoduot mo sa asin.

    ReplyDelete
  4. angela,
    sila ang mga pangit. tayo magaganda. bwahaha

    ReplyDelete