Ang Pilipinas Kay Ganda ay officially dead. Hindi ito inilibing; kung hindi, winalis sa ilalim ng carpet kagaya ng iba pang mga bulilyaso. Tapos ang mga involved ay magsasabi na let's MOVE ON. hic. (sorry, the wine sucks).
Nagresign na si Enteng Romano, Inamin na niya na involved ang anak niyang babae sa campaign launch. May pumuri kay Romano, may hindi nagsalita at may nagdoubt.
Kumbaga sa dyipni, tumakbo na ang isyu. Naghahanap na naman ang mga bloggers at facebookers nang mapag-uusapan. TAPOS MAY BIGLANG SABI PAAAAARAH, sasakay ako. Si Yolly Ong. Yolly Ong Who? Siya ang behind the Campaigns and Grey. Siya raw ang mga nagcoin ng catchphrase na magapatuka na lang ako sa ahas na pumatok. SO? Nakataas ang kilay ko. Tinukuran ko ng tooth pick dahil kumakain ako ng maliliit na sausage. Sa kaliitan, pwede mong lunukin ang dalawa ng sabay. Arkkk.
Ito siguro yong time na ang papers namin sa aming Masteral ay ang pagcriticize sa mga tv commercial na nakakainsulto ng mga IQ ng manonood. Nag-iistereotype na pag laundry bar kailangan pangit ang endorser o kaya talagang mukhang tsimay-aa.
Anong ginawa ni Yolly Ong? Kunwari naman di ninyo alam. Sige na. Ayaw kong ilagay ang buong article.
Ito lang ang pinapansin ko:
1. Isa hindi ako supporter ni GMA at hindi ako nakikipagconspire sa daga sa aso at iba pang hayup para ibagsak ang gobyerno. Sus. Yon kasi ang sabi niya.
Right after the DOT event, a dyed-in-the-wool ex-cabinet member of the past regime called to “console” and probe me about the controversy. I immediately knew that the Gruesome Malicious Army will seize this golden opportunity to wreak havoc on the new, popular government. I was needled: Do I still support this “incompetent, weak and indecisive leader”? You mean will I always be on the side of an honest and incorruptible President? Absolutely YES! But my antenna was up. I knew a tidal wave of malevolence was about to hit.2. Sabi niya, What makes this so nauseating? First, the information is fundamentally wrong. Enteng has no son.
Wala nga siyang son, meron naman siyang daughter. Inamin pa niya.
3. Galit daw ang mga Filipino sa paggamit ng Filipino sa slogan.
Hindi naman galit. common sense lang na pag kausap mo ay hindi Filipino, English o anumang lengguaheng maiintindihan ang gagamitin mo. Dito sa Tate, kabastusan ang magsalita ka ng Tagalog sa harap ng Non_tagalog-speaking citizens.
4. Sabi niya:
Last year, there were 3M+ tourists. Twenty-six percent were North Americans (60 percent of whom are FilAms), followed by the Koreans (20 percent), Chinese (13 percent) and Japanese (9 percent). Forty-two percent don’t speak English and couldn’t care less if the themeline was written in Aramaic.
Eh gamit last year Wow Philippines pa eh. hello, knock, knock, knock. Saka kaming mga Fil-ams, tawag din naman sa Pilipinas ay Philippines kasi English ang salita namin kahit sa mga anak na maitim pa sa aming mga ninuno pero ang lengguahe ay ang sa adopted country na. Ako lang ang Tagalog kasi mas magandang makapambwisit sa ating sariling wika. O dava?
Saka bakit naman magpopromote pa sa aming nga Fil-ams eh, promotion o wala, talagang uuwi kami. At siyempre dahil hindi naman kami titira na diyan ng permanente, ang inilalagay naming reason for coming to the Philippines ay for leisure. So turista kami dahil kami ay mga US passport holders.
Pinaysaamerika
M'am. Ang ibig po bang sabihin ay ang bagong slogan ng Pinas ay: "Philippines Magpapatuka Na Lang Ako Sa Ahas!" ... at ang uthor nito ay si Yoly?
ReplyDeleteLagyan mo ng sub-title in English. Bal.
ReplyDeleteYon ang sabi niya. :)