Monday, November 22, 2010

The Green Mile

Dear insansapinas,

Nanood ako ng The Green Mile sa TV. Pelikula ni Tom Hanks kung saan mayroon inmate na my healing power.
Kaya lang napagbintangan siya ng krimen na hindi siya ang gumawa. Ginamot niya si Tom Hanks, si Mr. Jingles (ang daga ng isang prisonero na binitay) at ang asawa ng Warden. Gusto ni Tom Hanks na palayain ang gumamot sa kaniya pero ito mismo ang umayaw dahil sa nakikita niyang kasamaan sa mundo.


Napanood ko na ang pelikulang ito pero hindi ka natandaan ang ending. Yon pala, nabuhay si Tom Hanks ng mahigit isandaang taon pati ang daga. Pamana sa kaniya ng binitay na may healing power.


Gusto na niyang mamatay pero parang parusa yata sa kaniya yon dahil hinayaan niyang mamatay ang miracle of God.  Naalala ko tuloy ang dalawa kong biyenan na pareho ng sumakabilang buhay. Yong una ay namatay ng mahigit ninety. Matagal siyang naratay. Ayaw niyang magpaospital. 


Ang ikalawa kong biyenan na Swiss ay namatay ng edad 85. Noong buhay pa siya madalas kaming lumabas para kumain. Naikukuwento niya na natatakot siyang siya na lang ang matira sa grupo nila. By that time sabi niya wala ng pupunta sa kaniyang memorial. Pagkatapos magtatawanan kami.


Katatapos ko lang basahin ang isang nobela kung saan ang private detective na babae ay nakatira sa bahay ng isang 94 years old na binata. kung inaakala ninyong matanda na yon, may kapatid pa siyang 96 na bartender. 
At ang pinakabata sa kanila ay 87 na mahilig pang magcruise. Sus ginoo, hindi naman comedy yong binabasa ko. 

Naikukuwento ko lang habang inaalagaan ko itong aking lagnat. Masyadong magpaalaga kasi. Hatsing. Baka mahawaan pa kayo. Agagagagag.


Pinaysaamerika

5 comments:

  1. Anonymous8:36 PM

    maraming movie si tom hanks na diko type e, di masyadong ka chokaran ng IQ ko yung mga story ng ginagampanan nyang movies.
    parang feel ko sayang yung talent nya sa movies na nilabasan nya (o kala ko lang yun?)
    wala nakong mabasang books,nabasa ko ng lahat,kaya yung ky ludlum na ang tinyatyaga kong basahin,
    diko kasi masyadong type yung kanyang mga storya,masyadong maa action,kaya lang wala nakong mabasa.
    nabasa ko na yung swimsuit at trial mam,di ako masyadong nagandahan,parang di sya extra ordinary,my mga
    nakamukha na kasing mga story na nabasa kona kaya feel ko para ng outdated.
    parang yung mga book nyang nabasa ko na my collaboration,parang di gano magaganda.
    pero maraming marami pa syang book na diko nababasa.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. hndi ko alam si Stephen king pala ang author ng novel. hindi ako nagbabasa ng novel ni Stephen King. nakakatakot.

    Wala na nga akong mabasang mga novels.

    Naubos na. Yong iba naman kasing author, kagaya ni Patterson, meron na silang co-author.

    Kagaya rin ng paborito kong si clive Cussler. Pero hindi kasing galing nila.

    Si David Baldacci may bago kaya lang hindi pa available sa amin.

    ReplyDelete
  3. naalala ko tuloy yung kliyente ng kaibigan ko. nag-asawa ang kliyente at the age of 78. first marriage yun ha. after 2 years, gusto na makipag-hiwalay kasi daw, hindi na sya nakakain ng masarap na ulam pagkatapos nyan makasal. yung lalaki daw kasi, ayaw syang pakainin ng manok kaya ninanakaw na lang nya yung itlog ng alagang manok ng lalaki.

    isip ko: bat pa kaya nag-asawa yun?

    lee, download ka na lang ng mga ebooks.

    ReplyDelete
  4. ms. cath, yung bang natapo mo pa lang basahin e yung sinulat ni sue grafton? ok yung mga libro nya. yung nakakatakot pero maganda din, yung mga libro ni james patterson. susme, napanaginipan ko isa sa mga yun. muntik na akong di magising

    ReplyDelete
  5. biyay,

    si sue grafton nga ang author. tapos ko na hanggang U.

    hindi lang masyadong suspense pero okay naman.

    ang maraming action yong kay judith jance. Sheriff na babae.

    ReplyDelete