Dear insansapinas,
Noong bagong salta ako sa US, akala ko ang Black Friday ay yong nakasuot ng itim lahat ang tao dahil araw ng pagluksa. Laki kong tanga. Yon pala ay simula na ng Christmas shopping dito sa US kung saan bagsak daw ang mga presyo. Yong iba bibili lang para ipagbili rin. Utak talaga.
Ang mga talagang shop-a-holic, alas 4 pa lang nakapila na sa labas ng mga stores, lalo na electronic stores.
Ako walang kahilig-hilig makipila. Ang opisina namin ay nasa downtown at ang Macy's, Neiman's at iba pang high end stores ay ilang blocks lang ang layo sa amin at daanan pag pauwi na kung sasakay ng BART (subway train).
Sa Pilipinas, July pa lang nagsisimula na akong magshopping. Aba eh pagnagshopping ako ng November na, ito ang pinakagrabeng buwan na wala kang makitang mga taxi. Di ka naman pwedeng magdala ng kotse sa Divisoria, naku para kang nagsusuicide. Pero ang experience ko naman ay hanggang December namimili pa rin ako. Letse, letson. Ang dami kasing binibigyan. Hindi naman sa nagrereklamo pero talagang ang daming namamasko.
Pati mga nasa probinsiya dumarating. Kaya nagpapalit ako ng mga bagong pera noon para sa mga bata. May laruan na, may pera pa. Ang aking mga tsikiting gubats at mga pinsan nila ang nagbabalot. Tuwang-tuwa sila habang ang aking paa ay paltos sa paglalakad. Pero bakit masaya pa rin tayo anoh?
Dito malungkot ang Pasko. Ang mga tao nasa trabaho. Ang Christmas tree nila ilang araw lang nakatayo.
Walang puntahan sa simbahan kung si kinabukasan.
Sa opisina, kung di lang naman mga Filipino ang mga kasama mo, walag kalatoy-latoy ang Christmas party. Mga tostitos lang,`salad, mga finger foods ang handa.Hindi kagaya sa Pinas na talagang mga lechon, pancit at kung anu-ano pa.
Pagkatapos ng Pasko, pwede na akong magtayo ng office supplies. Meron akong planner, mga isang dosena, paper weight, pens, office knick knacks. Ang keso de bola ginagawang bola ng mga tsikiting ko. Ayaw nila ang lasa. Lasa raw kandila. hahaha. Kaya hinahati-hati ko at sinasama ko sa isang supot na puno ng delata, bigas at palaman para sa mga namamaskong mga kamag-anak galing sa probinsiya.
Walang tatalo sa pasko natin kahit butas ang bulsa at ang sapatos ay pudpod.
Pinaysaamerika
kung walang kalatoy latoy din lang ang paguusapan at kung my pakontest ng pinaka walang latoy na pasko e panalo dito sa lugar ko.
ReplyDeletee pano,lahat yata ng kakilala kong pinoy dito e umuuwi sa
pinas ng pasko at ako lang ang naiiwan.
wala silang pasko dto,at pinakamasaklap sa lahat,normal working day ang pasko dito,kaya dadaan ang pasko na kahit parang utot lang e diman lang naamoy at naramdaman.
pasko after working hour,magisa akong pupunta ng bar,
my isang mukha ni sta clause na sticker nakadikit sa glass na pinto ng hotel,kundi pa sya 5star at dinarayo ng turista e
dipa nila didikitan ng mukha ni sta clause,e sinu namang engot
na turista ang pupunta ng xmas dto? syempre ako nagiisang mulala na mukhang ulilang kulugo,nsa
isang sulok ng bar,puti lang ng mata makikita mo kasi
nagtatago at baka mapagkamalan akong mamasang e lapitan ako at hingan ng gro e baka matampal kolang yung magkakamaling mamasang ako...
well atleast sabi nga ng frend ko,nagimprove,dati napapagkamalan akong bouncer atleast ngayon mamasang na.

ganyan din ako nun man,yang black friday kala ko parang halloween mwehehe.
ReplyDeleteminsan my advantage din yung pagiging walang kapwa tao ko ho ho ho.
sakin kasi walang namamasko,iisa inaanak ko (2 na ngayon) at parehong malayo kaya libre ako sa pamasko.
wala ring mga kamaganak na dadayo mamasko kasi lahat sila my pera kami lang ang wala mwehehe kaya dina nagtyaga pumunta pa para lang mamasko.
lahat ng aking mga pampamkin e puro wais gyud,lahat gusto perahin ayaw ng toys at pag inabot mo sa kanila sabay lagay sa pitaka nila at pag sinabi ng magulang na itatago e ayaaaaw hindi papayag at dina raw makakabalik sa kanila hmmm mauutak.
kaya maswerte ako diko na kailangan mapupudpod ang shoes kakapamili.
for almost 6 yrs now,eto ulilang kulugo,wala na talagang uwian ng pasko kaya dko na alam pano nila icelebrate sa pinas ang pasko,pero alam ko pag pasko naho homesick ako kasi lahat sila kainan ng hamon yummm.
~lee
lee,
ReplyDeletemalaking improvement yang mapagkamalang mamasang. ha ha ha
sa office namin noon kung saan ako lang ang pinoy, wala kaming mga christmas decor. kasi ayaw nilang maoffend ang iba ang mga relihiyon na hindi Christian. katulad ng mga jews na meron namang Hannukah.
Kaya ang batian dito, hindi merry christmas kung hindi happy holidays.
yon kasing mga nasa probins, (hindi ko kamag-anak) pag nakabalita na may pinamimigay, puntahan din sila kahit na mangutang ng pamasahe. Eh siyempre, bibigyan mo rin ng pamasahe.
ReplyDeletePero okay lang sa akin. Basta ako ang namimigay at hindi ako ang nasa kalagaya nila.
hay naku, puntahan din ang bahay namin ng mga kamag-anak sa baryo, lalo na nung buhay pa tatay ko. pag-uwi nila, may kape, bigas, etc. kaya dapat may emergency stash ako ng mga laruan para sa mga bata. minsan naman, yung isang bisita, sumalangit nawa, gusto pang i-take home yung ulam namin na patatim. wahhhh!!
ReplyDeletebasta di kumpleto pasko kung walang mainit na tsokolate ah na homemade