Sa buhay ng tao may kontrabida. Siyempre tayo ang bida. Sino ang kontrabida buhay ninyo?
Sa pelikula ang daming magagaling na kontrabida na pati mga tao ay inis sa kanila kahit sa pribadong buhay.
Sa Little House on a Prairie noon, yong kontrabidang matandang babae doon ang mahal na mahal pala ng mga bata.
Sa Pilipinas ay maraming sikat na kontrabida. Pinahirapan nila ang mga bida. Isa sa pinakasikat na sinimulan na ang pagpahirap noon kay Tessie Agana (sino yon) hanggang ngayon, nagpapahirap pa siya sa mga buhay ng mga bida. Si BELLA FLORES. Pero bago tayo pumunta kay Bella, tingnan natin ang mga sikat na kontrabida mula nang simula ng movie industry ng Pinas.
Late 1930's
ETANG DISCHER
Etang Discher (1908 - 1981) (also known as Nena Discher) was a prominent Filipina character film actress frequently cast in villainous roles. Her stern, gaunt Castillan face loomed in many post-war Filipino films, especially soap opera-type dramas. She was the woman Filipino movie audiences loved to hate Pwedeng siyang donya, pwedeng mangkukulam at pwedeng manananggal. Mother siya ni Panchito.Late 40's
PARALUMAN
Her real name is Sigrid Von Giese and was born on December 14,1923 in Tayabas , Quezon. His father was German, Lotha Von Giese. Baby O' Brien who was a popular TV personality is her daughter. Rina Reyes, Baby's daughter, is her granddaughter.Carla Abellana is her greatgranddaughter, the daughter of Rina Reyes with Rey PJ Abellana.Mali, pansin ni Lee. mwhehehe
Sikat siyang kontrabida na mga socialite.CELIA RODRIGUEZ
Known to be sophisticated and glamorous star, she can speak in fluent English, Tagalog and Spanish. She was born in 1934 in Irosin Sorsogon. Pwede siyang bida, pwedeg kontrabida. Pwedeng donya, call girl, mahirap, baliw at komedyante rin.BELLA FLORES
Introduced in Kilabot sa Makiling (1950), full-pledged star in Roberta (1951). Other movies: Siklab sa Batangas (1952), Apat na Taga (1953) and Maldita (1953). Bella is dubbed as the Lady Dean of Kontrabidas.
Seksi, Maputi subalit Mataray ang Mukha ni Bella bagay na nalagay siya sa mga papel ng isang mataray na kontrabida o mang-aaping madrasta.
Siya ang umapi sa mga batang artista na sumikat nang husto pagkatapos ng pelikulang ginanapan nila. Iyon ay sina Tessie Agana ng Roberta noong 1951, Vilma Santos ng Trudis Liit noong 1964 at Gina Alajar ng Robina noong 1970. Hanggang circa 2000 inapi rin niya ang mga Anghel sa Lansangan. Galing talaga ni Bella.
CAROL VARGA
March 10, 2008
Carol Varga (real name: Carolina Trinidad), one of the ’50s’ seductive/sultry and classy kontrabidas, died of cancer yesterday at age 78 (born on Aug. 6, 1930) in Las Vegas, Nevada, USA, where she resided after retiring from showbiz. Carol was a contract star of Premiere Productions for which she did several movies, one of which is the classic Dyesebel (the original, directed by Gerry de Leon, with Edna Luna in the title role) in which she played the kontrabida.
RICKY LO The Philippine Star
Zeny Zabala was born Zeny Ortiz Santos in 1934.
She reigned as primera contravida of 1950s Pinoy cinema.
With her alabaster skin and proud Mandarin features, Zeny specialized in "society girls gone bad."
iTUTULOY
Pinaysaamerika
parang naguluhan ako bigla sa storya ni paraluman mam.
ReplyDeletediba ang kaisa isang anak ni paraluman e si baby o'brien?at anak ni baby si rina reyes pero hindi si rina ang nanay ni carla kundi si rhea reyes na anak ni delia razon,kaya nga si delia ang my apo kay carla at di si baby....(kamot sa ulo)kaya parang nagulo ang buhok ko.
kaklase ko kasi nung hi-skul si lenny (apolonia)santos kaya nanonood ako ng "annaliza" at etong si apolonia e patay na patay kay pj na di naman sya ang type kundi si rhea.
so parang naging halo halo...hmm sarap ng halo halo bigla akong naglaway lalo na yung halo halo ng razon yuuuummm.
~lee
sabi ni mader look alike ko daw si bella flores(mukha) aba aba aba huh, di ako papayag, ang ganda yata ni bella nung araw kaso nga lang ang tapang ng mukha nya dahil sa mata nya kaya ipagtatanggol ko si bella hehe.
ReplyDeletegustong gusto ko mukha ni bella parang si zeny na yung expression ng mukha nila pag my binabalak na masama hahaha.
si etang nakakatakot na kontrabida,ang payat tapos nakakatakot ang mukha lalo pag minulat ng husto mata pag galit haha.
nung mga bata kami after ng eat bulaga(elementary ako) diba ang kasunod e mga lumang lumang pelikula?
nakaabang na kami nakikipanood kami sa kapitbahay dahil wala kaming tv nung mga bata pa kami(ala na nga kami makain tv pa?)
so dun lang kami pinapayagan
ni lowla na bumaba ng bahay at makipanood sa
silong naming my tv kaya kilalang kilala namin mga kontabida.
type ko si zeny zabala
at si eddie gutirrez na
kontrabida then bata pa nung si bella ang ganda naman nila,si
paraluman bago naging bida
kontrabida nga muna
gustung gusto kong artista nung araw napakaganda si
tessie quintana(diba e patay na sa morgue na rape pa sa sobrang ganda).
ako naman sa totoong buhay,
di naman ako kontrabida at lalong di ako bida kasi ayoko ng naaapi hahaha,ako ang bidang kontrabida sa totoong buhay hahaha.
~lee
nea culpa mea culpa . mali nga pala. halatado talaga sinong expert sa showbiz.
ReplyDeletepwede pang baguhin ang post mam kalalabas lang dipa naalikabukan, mainit init pa hahaha
ReplyDelete~lee
wala akong masabi. talagang kilala niya lahat.natatanddan ko si pj abellana, guwapo kasi pero di ako nakakapanood ng movies niya.
ReplyDeletesi zeny zabala, di ba naging asawa ni rodolfo garcia bago napangasaqa ni lucita soriano. si lucita nandito na sa states.
naku mam,diko kilala lahat,nagkataon lang hahaha.
ReplyDeleteoo nga mam,magaling na kontrabida din yang si rodolfo(mabait daw sa personal),yan nga ang unang asawa ni zeny bago lucita,diba
anak nila yung nung araw e gumanap na batang ace vergel sa pieta?
naku mam kasi naman nung araw yan lang naman ang libangan namin
kahit kasi nung bata pako ayoko na talaga ng eat bulaga,
kaya pagtapos ng eat bulaga sisigaw na yung nasa silong na tapos na eat bulaga at umpisa na ng pagka luma lumang mga pelikula hahaha.
pero pag dolphy at panchito ang pelikula umuuwi nako, diko type, pero pag chiquito?kandahulog pako sa hagdanan pagbaba ng bahay
pakikipanood hahaha.
doko type si pj at wala din akong napanood na pelikula nya,
minsan syang dumalaw sa skul namin nun,namumula ang mukha nya punumpuno ng tigidig, tumirik pa yung lokbulayts nyang chekot
sa baha kaya tulak ang mga tambay,
pero di naman nagkagulo mga tao sa kanya kasi nga yun lang naman (annaliza) halos ang exposure nya,at kaya lang naman nagpunta sa skul e pakilig factor dahil
sila ang ginawang love team nun ni leny.
patay na yata si rodolfo boy garcia kaya nagmigrate na rito si lucita soriano. kasama rin niya mga dating artista diyan.
ReplyDeletehindi ko rin gusto si dolphy lalo pag nagsusuot ng sa babae. ngayon ang mga nagbabaklabaklaan hindi mo halatang lalaki. ang gaganda nila.
mas magaling magpalaki ng anak si chiquito. well provided ang mga anak niya .
ang gaganda naman ng mga artista noon. wala pang mga belo-ed at calayan-itis.