Thursday, October 07, 2010

Judy Ann Santos, nanganak na; Kris Aquino diagnosed with HFMD

Dear insansapinas,

Judy Ann Santos is my all time favorite movie celebrity. Mabait, walang iskandalo at hindi controversial. She gave birth to their first born on October 7, 2010.


According to the feed received by PEP (Philippine Entertainment Portal), Juan Luis Santos Agoncillo was welcomed to the world today, October 7, at 5:51 p.m., at the Asian Hospital and Medical Center in Alabang, Muntinlupa City. She gave birth through normal delivery.
 Kris Aquino and sons were diagnosed with hand-foot and mouth disease. Noong una akala ko yong sakit sa hayup. Hindi pala.
WHAT IS HFMD? According to the website of Center for Disease Control and Prevention (CDCP), a government agency in the U. S. that provides medical information to the public, the hand-foot-and-mouth disease is a common and contagious viral disease that often infects infants and young children.
Hindi ko alam young pa pala si Kris.
The CDCP said HFMD is a minor illness that causes only a few days of fever, sore throat, lesions in the mouth, rashes, and loss of appetite.

HFMD is not related to the foot-and-mouth disease that commonly infects farm animals.

The illness, caused by the coxsackievirus, can be spread by nose and throat secretions, saliva, blister fluid, and stool of infected persons. The virus is most often spread by persons with unwashed, virus-contaminated hands and by contact with virus-contaminated surfaces, the CDCP added.
Sa totoo lang, may mga yaya ito at malinis ang kapapligiran bakit ganito ang sakit?

The Center states that there is no specific treatment for HFMD. To prevent infection, individuals are advised to practice good hygiene, such as frequent hand-washing, cleaning of dirty and soiled surfaces, and avoiding contact with people infected with HFMD.
Kaya pala tahimik.


Pinaysaamerika

5 comments:

  1. Anonymous6:59 AM

    "Kaya pala tahimik"

    bwahahaha natawa ako dun mam ah hahaha.
    e ma foot en mouth kaba naman e kundi pa matahimik yan ahahaha.
    pero temporary lang yan,
    lalong magkakasakit yan pag nanahimik ng matagal at walang eskandalo hahaha.
    congrats kina judy.
    ~lee

    ReplyDelete
  2. Anonymous7:04 AM

    ganun naman talaga mam,kung sinu pa yung mga sobrang linis at sobrang selan lalo sa pagpapalaki sa mga bata e sya pang sakitin,kasi mahina walang panangga sa mikrobyo di gaya nung mga batang madudungis
    lakas na ng resistensya at lakas ng mga mikrobyong panlaban sa katawan,kami magina
    parehong spoiled at panganay na apo(di pala ako panganay,ako lang ang unang apo na lumaki sa lowla)kaya kada hakbang my kasunod na labakarang punas dito punas dun,kaya si sister
    hinahayaang mag gapang yung mga anak sa lapag...wala din sakitin din kasi puro my mga hika ahahahaha mga inborn naman mga hiks ng mga batang yun pero aside from hiks nila e mga healthy naman sana.
    ~lee

    ReplyDelete
  3. Anonymous7:14 AM

    kaya ako mam pag nagka apo,palagi kaming mamamasayal at ihahagis ko sya sa ilog pasig palangoy langoy
    dun magtampisaw sa tubig at duuuun sa smokey mountain dun kami maghahabulan at magtataguan pong,e ang mga bata dun e kalulusog kaya ahaha.
    ~lee

    ReplyDelete
  4. 38.8 temp. humihingi na ng dasal?

    ReplyDelete
  5. lee,
    yon din ang sabi ng lola namin sa mother ko kasi panay pahid ng alcohol sa amin.

    nakita mo yong mga nakatira sa slum area, bihirang magkasakit.

    pag may lagnat, pahid lang ng suka.

    noong nasa elementary ako ay meron din akong yaya, ganiyan ang gawa sa akin pag ako may lagnat. pinpahiran ako ng suka. pampababa.

    minsan sinasahugan niya ng bawang, luya, tapos sapsap.

    o di may paksiw na.

    noong nagkaanak ako ganoon din ang ginawa ko sa aking anak.

    hindi siya pumasok ng ilang araw. amoy paksiw din siya. hohoho

    ReplyDelete