Thursday, October 28, 2010

The little gods

Dear insansapinas,

Hindi ko na sana isusulat itong balita since nangyari noon pang 2009 kaya lang nabuksan ulit dahil ipinakita ang video na nagkamali ang nurse na isara ang ventilator ng isang paraplegic na pasyente sa UK.

MANILA, Philippines – The nurse who accidentally turned off her patient’s ventilator in the United Kingdom is a Filipina.
The Philippine Embassy in London has confirmed that nurse Violetta Aylward is a Filipina.
According to Eduardo Malaya, spokesperson of the Department of Foreign Affairs (DFA), the incident involving Aylward happened in 2009.
BBC recently aired a CCTV video showing Aylward switching off tetraplegic Jamie Merrett’s ventilator. As a result, the 37-year-old patient suffered brain damage.
The report stated that Merrett had requested for a video camera to be installed in his room to appease his worries about how he is being cared for by the nurses.

Aylward is not facing any criminal charges but her license has been suspended by the UK Nursing and Midwifery Council.
However, after the accident with his ventilator, Merrett’s sister Karren Reynolds told BBC that her brother’s mind was reduced to that of a young child.

Kaya ko ito isinulat dahil sa mga kapalpakan ding naransan ko for the past few days sa pagkakadala sa akin sa ER. 


Bumalik na naman ang wala kong tiwala sa little gods na nakaputi o naka smock. 


Isinulat ko noon isang araw kung paano sobrang dugo ang kinuha sa akin noong nurse. Apat na vials samantalang ang alam ko normally ay dalawa lang ang kinukuha sa akin. Halos pumuti ang hasang ko sa dami ng dugong kinuha sa akin at ibinalik ng lab yong dalawa. Sobra yata. Akala ko keep the change.


Nandoon din yong sobrang messy ang pagkakuha ng dugo sa akin na pati ang kaniyang kamay ay panay dugo ko. Pati floor.  Buti nakagloves siya. Kung horror picture yon para bang sinaksak niya ako.


Ilang araw pagkatapos kong umuwi, lumabas ang blue black sa likod na aking palad. Hindi yon sanhi ng pagdudotdot niya ng aking ugat kung hindi mali ang pagkalagay niya ng IV kaya sa labas pumupunta yong iniinject sa akin. Leche. Ibabalik ko siya sa Nursing School.


Nang madischarge ako, binigyan ako ng listahan ng mga specialista para kausapin sa possible dalawang operation sa akin. Inuna ko yong surgeon. Para akong Ha, confused ba ako, sinabi ng doctor sa ospital, nakausap na niya ang surgeon at kailangan ko lang makipag-appointment. Sabi ng receptionist sa surgeon's clinic, hindi raw pwedeng nakausap niya kasi nasa China ang doctor bago pa man ako dinala sa ospital. Baka in spirit. Whaaaa. 


So, tawag ako sa aking primary doctor na nag-schedule sa akin ng ultrasound sa Monday.Tawagan ko raw ang GI specialist ko.


Hige. Kahapon, nakipagappointment ako sa GI ko (gastroenterologist). Kung babae lang siya ay tatawagin ko siyang Queen of Taray. Kasi sabi bakit daw ako nagpapaultrasound pa, eh nakaCATSCAN na ako na mas matindi kay sa ultrasound. Aba ewan ko anoh. Tinanong ko rin yan sa doctor dahil sa parang mall na ang ospital kung pasyalan ko, alam ko na ang routine kung bakit. Pag hindi masyadong malinaw o kailangan nilang i-confirm ang resulta ng US, pikaCatscan nila ako. Eh masyado pa namang mabusisi yon. Sabi niya nakita na nga ang diagnosis sa Catscan kaya hindi na kailangan. Roll eyes siya pagkatapos nagrecommend na siya ng susunod na process. 

Sus na mga tao ire. Sa stress, lalo kang mahahigh blood. Dami pa namang gamot na prinescribe ulit lalo't  dumadami ang sales rep galing sa pharmceutical. Isang prescription, nagkakahalaga ng 258 dollars. Good for one month. Sus, mali ito. Kailangang makausap ko ang aking primary physician.

Kahapon nagpalabworks na naman ako. Mabuti magaling yong phlebotomist. Isang tusok lang kuha kaagad, Kaya lang sangkatutak na gauze ang inilagay sa akin kasi bleeder nga ako. 


Masisisi ba ninyo akong magkaroon ng phobia sa ospital? Kaya siguro noong inooperahan ako hindi ako mapatulog. Kahit noong caesarian section ako, di rin ako napatulog. Ngiii.


Pinaysaamerika



No comments:

Post a Comment