Thursday, October 28, 2010

Halloween Celebration

Dear insansapinas,
hindi po ako yong witch. ako po yong pusang katabi niya. toinkk

May Halloween celebration kami dito. Hindi sa clubhouse dahil nag-eexpect sila ng ulan ngayong Friday. Hindi ako pupunta. Sira yong aking walis- tinting. 


Noon sa California, isinasama ako ng mga kaibigan sa paglibot ng village kung saan halos lahat ng bahay ay may dekorasyon ng Halloween. Mas nakakatakot, mas mabuti. Ang mga bata lang ang nakacostume. Ang mga matatanda, hindi na kailangang magcostume. Nakakatakot na talaga ang mukha. Habi nga kayo diyan.  thehehehe.


Sa office naman  noon na ang mga empleyado ay iba't ibang lahi, tatlong beses kaming magsuot ng costume sa isang taon. Una ay pag United Nations Day. Kaming mga Asyano, authentic talaga ang costume. Ako ay Philippine costume (hindi Maria Clara ha. Baka habulin ako ng mga Sisa sa Streets of San Francisco). Ang isa sa
aming department ay Chinese at ang isa naman ay Vietnamese. Yong mga halo na at dito na pinanganak katulad ng mga Hapones at iba pang Chinese ay wala silang costume kaya flag na lang.


Ikalawa ay pag Halloween. Ang karamihang suot ay angels na may pakpak; vampire, ghost (nagkukulubong lang ng kumot). Biruin mo yon pupunta sa mga cubicles, nagkakasabit-sabit ang pakpak o kaya yong kumot. Dahil may prize, pabonggahan ang mga department. Sa amin sa Accounting, walang malakas ang loob magcostume. Conservative naman ang kasama kong mga Asyano. Yon namang mga lumaki dito ang walang kiber pagsuot ng costume. Kahit Ala Madonna na labas ang bilbil. Siguro kung uso na noon si Lady Gaga, nagsuot din ako ng karne. hehehe Maghapon yan ay may mga dumarating ng mga bata, nagtitrick or treat. Yong ibang bata pasaway. Pati computer mo dinutdotdot. Sarap tapikin ang mga kamay pag hindi  nakatingin yong mga escorts nila. Mga anak sila ng empleyado at yong nasa kddie center namin. Sa dami ba naman namin, ilang supot ng candy ang kailangan para mapagbigyan lahat ang humihingi. Eh kahit naman kami, nakikihingi din. Kaya sa bahay, all year round and candy. Kaya siguro ako nadiabetes. Hmmm?

Ikatlong occasion ng pagsuot ng costume ay Pasko. Iba ay Santa Claus, ang iba ay Elves; meron pa nga Christmas tree. hehehe Yong hindi nakacostume ay nakakaaccesorize ng Pasko, kagaya ng hikaw na Christmas tree. Ako madalas ang suot ko ay medyas na may music, Christmas songs. Kandahanap ng boss ko kung saan nanggagaling ang music na iyon kasi nakapantalon naman ako. 


Siyempre, may Christmas party kami kahit ang iba ay nagrereklamo dahil ang iba sa kanila ay hindi Christian.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment