Thursday, September 30, 2010

NOLI ME TANGERE REVISITED AND CARLOS CELDRAN

Dear insansapinas,

Binabasa ko ang Noli Me Tangere. Noon kasing high school ako binasa ko yan pero madalian dahil required kaming magbigay ng summary. Hindi written ha kung hindi oral na kailangan mong tumayo sa harap ng klase at ikwento kung ano yong nabasa mo.


Sa isang Chapter ay nagbigay ng sermon si Pari Damaso, sa Tagalog at sa Kastila. Ito ay ang kapistahan ng San Diego.Ang misa ay binayaran ng Php 250 na may pangakong mapupunta sa langit ang makikinig at mapupunta sa impyerno ang mga manonood ng dula. HALA. Ito ang excerpt ng summary.
Humaba ng humaba ang sermon ni Pari Damaso lalo na nang ang ginamit niya ay wikang Tagalog.  Ang kaniyang sermon naman ay panay lang sumpa, pang sisisi, galit na isinambulat niya sa sermon. Wala na siya sa dapat niyang talakayin. Sa pagbanggit niya sa isang makasalanan na namatay sa bilangguan, naisip ni Ibarra kung sino ang pinatatamaan nito. Pinaringgan din siya nito sa pagbanggit ng isang mayabang na mistisong salbahe at pilosopo. Alam ni Ibarra, siya ang tinutukoy noon.
Ito naman ang balita tungkol kay Carlos Celdran. Nang umuwi ang aking kapatid isinama niya ang kaniyang asawang poregner at anak na "Bostonian" sa walk tour ni Carlos Celdran.

 

source of photo: Inquirer
 Holding up a placard with the word Damaso on it, tourist guide Carlos Celdran screams at the clergy to get out of politics during Mass at Manila Cathedral. Damaso, an abusive Spanish friar, is immortalized in Rizal’s “Noli me Tangere.” EDWIN BACASMAS
  Popular tourist guide Carlos Celdran was arrested Thursday afternoon after he held a protest in front of the main altar of the Manila
Cathedral while an ecumenical service was going on.
Celdran was arrested by police after he began shouting for the Catholic Church to "stop getting involved" in politics during a ceremony marking the second anniversary of the "May They Be One Bible campaign," a joint effort by Catholics and Protestant leaders to distribute five million Bibles to five million poor Filipino families.


 Nangyari rin sa amin yan ng mga kaklase ko. Gagraduate kami noon, binigyan kami ng placard para ilabas sa oras ng ceremony. Dala-dala ko pero nang magtaasan na nag placard, isa akong Hudas na hindi sumali. Yong sumali ay naparusahan. Withhold ang kanilang diploma at transcript. Mga bata pa kasi kami noon. Dala ng simbuyo ng damdamin.

Kung kapanahunan ni Pari Damaso nangyari yon, baka hindi lang kulong ang ginawa kay Celdran. Pati si Ibarra na maykaya ay tumahimik habang nagsesermon si Pari Damaso. Ang alperes ay hanggang kunot noo lang. Hindi lang naman si Pari Damaso ang pakialamero, pati si Pari Salvi.

Ngayon ay may freedom of expression tayo. Pero ang freedom of expression na yan ay may kaakibat na responsibilidad nang paggalang sa karapatan din ng ibang mamamayan o komunidad.


Ang seremonyas sa Manila Cathedral ay hindi lang Katoliko. Nandoon din ang mga Protestanteng mga ministro. Lalong hindi papayag ang INC na sila ay nilulusob sa kanilang sambahan at maging ang mga Muslim ay papasukin sila sa kanilang mosque habang sila ay nagdarasal.


Sana ay nagdala na lang siya ng placard habang itinotour niya ang mga kliyente niya.


Kaya lang ibig niya sigurong gawing madrama o may impact.


Sa akin lang palagay hindi maiiwasang makialam ang Simbahan dahil sinusuyo sila ng mga pulitiko sa oras ng halalan. Kulang na lang tumalon sila sa dagat ng apoy para lang makuha ang kanilang pagsuporta.


Ang hirap magsulat ng seryoso. Napupudpod ang aking utak. Haay.

Pinaysaamerika

3 comments:

  1. Dapat lang na mamulitika din ang simbahan, kasi apektado sila sa anumang palakad ng gobyerno... hindi naman sila excempted. Hwag lang nilang sasabihin na kapag hindi mo sinunod ang simbahan, impyerno ka na. Ingat tayong lahat kapag nakaringgan nyo ang isang "pastor" o namumuno ng simbahan o relihyon ng mga salitang, "Sabi sa akin ng Diyos..." Takbo na katoto... mga skeetsayad na ang mga iyan.

    ReplyDelete
  2. Pareho namang nagpapakialaman ang Simbahan at ang Gobyerno, nag anumang bansa.

    Pag narinig ko sa pastor yan, tatanunigin ko kung may direct line siya sa Langit. O kaya cell phone. mwehehe.

    ReplyDelete
  3. bakit nawala yong comment ni biyay? dito ba yon o sa kabila?

    ReplyDelete