Thursday, September 30, 2010

Law and Order, Robin Padilla and Condom

Dear insansapinas,

I've got an NCIS, Law and Order and Undercovers overload. I missed the NCIS premiere episode last September 21 because it coincided with GLEE and Dancing with the Stars. It is still number one when it comes to viewership, followed by Dancing with the Stars and Glee. I watched it in my computer while watching the Law and Order rerun kahapon. Sobrang kaloka. 


Last night, the second episode of Law and Order SVU was aired followed by Law and Order: Los Angeles' premiere episode for its first Season. Halfway, I was already sleepy. Mabagal ang pacing. Hindi kagaya sa ibang Law and Order series na the characters are moving while talking. Hindi kagaya sa Pinas, ang mga actors at actresses nagdedeliver ng dialogue ng nakatayo ng either nakaharap sa kausap o nakatalikod (kapag sila ay nag-aaway). Tapos zooom ang mukha. ahoy.

Saan ba pupunta ang aking artikul na ito? 

Dahil sa mga balitang ito.


1. Frat war may not have caused Bar exam violence — NBI

"There is no clear angle yet, even the fraternity war. There were five young men around the area who did not look like law students. At this point, they're (NBI) unwilling to state clearly that it's a fraternity war," said De Lima.
Biglang nag-usap yong aking kaliwa at kanang utak.


Kaliwa: Ano ba ang mukha ng law student?
Kanan: Baka yong may nakatatak sa kaniyang noo na SCRA . Alam mo na pagnagbabasa ka ng makapal na libro, inaantok ka at napapatulog ka na ang mukha mo nakasubsob sa libro.
Kaliwa: Ang sabi nila kaya hinala nila frat war kasi may nakita silang lalaki na nakasuot ng t-shirt na may Greek letter.
Kanan: Sabihin mo sa kanila manood ang Law and Order at NCIS, yong mga criminal nakakapagdisguise pa ng Officer ng military.

Kaliwa: Pero dapat di ba huwag muna nilang sasabihin na hindi frat war yan hanggang walang investigation kung hindi, ano naman ang mahihita ng manggugulo at may attempt pumatay na walang specific target.
Kanan: In the first place hindi rin nila dapat inilabas ang pangalan at retrato ng suspect hanggang di siya nakiclear. Kung maggantihan o.binugbog na nga raw siya ng frat members.


2. Aquino tells DLSU blast perpetrators to surrender

 "To those of you who are guilty: The full resources of the state are being unleashed against you. Surrender," the president said in a statement. "Do not add to the troubles you are now facing.

Pag sa showbiz ito, ang sigaw ay. Sumuko na Kayo yo yo yo yo yo yo . Napapaligiran na kayo yo yo yo yo yo.

 3. Imam slammed Robin Padilla
No hindi dahil sa pagpapakasal niya sa Ibaloi ceremony. Hindi rin yong pinagbabalita nila na kasal sila sa Taj Mahal sa India na sabi sa Indian embassy ay di pwedeng mangyari.

Slammed siya dahil sa pagpromote niya ng condom.


"Lilinawin ko, isang aktor lang yan. Hindi yan ang opinion ng religious Islam na kapag ang isang aktor sa kanyang pananamplataya sa religious Islam ay nagsabing ito siya, ay yan na ang tutularan. Hindi po ganyan ang Islam," Moxir said in an interview with Church-run Radio Veritas.

Aray.


Kris Aquino on 50-50 property division of conjugal property.


Naawa raw siya kaniyang anak na si Josh dahil mababawasan ang perang nakalaan sa kaniya sa conjugal property settlement.


Pwede bang pag-usapan ito sa media? 
Damage control mode?


Basta ako gusto ko yong hinamon ni Miriam Santiago si Chavit sa duelo . I LIED. debate pala. nyuk nyuk nyuk


Pinaysaamerika

4 comments:

  1. Anonymous6:08 AM

    hayz, ang gulo na palang talaga ng mundo,para na ring kasing gulo ng pilipinas... parang gusto ko uling umwi sa pinas para makapag isip isip ng mga dapat kong isipin kung my isip ba kong talaga na pwedeng magisip isip sa mga pangyayaring diko na maisip....
    sabay sampal sa sarili,lee, kung gusto mong wag tumabingi ng husto yang mukha mo sa kakasampal mo e umayos ka at ayusin mo buhay mo kagaya ng pagaayos mo sa buhok mo na sya na nga lang dahilan kung bakit my gamit pa ang ulo mo at para naman dipa magsarado ang pabrika ng suklay... suklay? anung namang pakelam ko sa suklay? e huli akong nagsuklay e nung mahaba pa buhok ko... kelan ba mahaba ang buhok ko? diko na maalala e...
    good, wala ka naman talagang maalala kahit kelan e.

    ReplyDelete
  2. pag-isipan mo ng husto ang dapat pinag-iisipan para matanto mo kung ano pa ang dapat isipin nas kagaya ng mga ginagawa ng ibang tao.

    hanubayan ang daming isip.

    para di tumabingi, sampalin ko sa kabilang aide. balanse, di ba.

    ReplyDelete
  3. o kaya, para pantay talaga, sa may parteng noo naman ang sampalin. pero yung talagang pinakasigurado lee, pauntahin mo ako jan tapos sampalin kita. hekhekhek

    ReplyDelete
  4. biyay,
    mag-asawang sampal na hindi pa nag-papaannul. nag-uusap pa sa partehan ng properties.

    ReplyDelete