Monday, September 13, 2010

Grandpa and Grandma

Dear insansapinas,
Araw ng mga Lolo at Lola.


Ninakaw kay pinoyhumor.


Ewan ko kung uso pa ang nasa larawan sa mga probins kasi sa mga siyudad ang mga lola, nakamaong na rin at naka tee shirt.Minsan mas fashionista pa sa mga apo. hohohoy. Aray.


Vague ang recollection ko sa aking lola. Ang lolo ko namatay sa aming bahay sa Quezon City. Kinuha siya ng mother ko matapos mamatay ang lola ko. Gusto naman niya sa siyudad, hindi kagaya ng ibang matanda.


Ang lola ko naman ay matanda na nang kami ay matira ng isang taon sa probins. Maliit pa ako noon, di pa nag-aaral. Ang alam ko lang sa kaniya ay:


1. Dati siyang businesswoman at hanggang noon naman ay megosyante pa rin siya. Meron silang tindahan na dinadayo ng mga nakatira sa ibang isla.


2. Labing-anim ang anak niya. Bunso ang mother ko. Sa labing-anim, tatlo lang ang nabuhay at lumaki.
3. Gusto niyang makatapos ang mga anak niya sa pag-aaral. Kaya noong matanggap sa UP ang dalawa kong uncle ay lumipat sila ng Maynila. Bumalik lang sila ng probins nang patayin ng hapon ang dalawa kong uncle sa Maynila.


4. Pinadala niya sa Naga City ang mother ko para magboard habang nag-aaral.
5. Ang suot niya palagi ay saya at kamisola pag nasa bahay at bestida pag lumalabas.


Ang great grandmother ko ay hindi ko na nakita pero maraming kuwento ang mother ko sa kaniya.


1. siya yong namatay at nabuhay magmuli.
2. meron din siyang "gift" na minana naman ng mother ko.
3. siya ay certified moidwife ng American hospital dahil napapaluwal niya ang mga sanggol na suhe ng walang operasyong kailangan.


4. siya ay bulag na nang mamatay ng unang beses ay nakakitang muli nang mabuhay. Namatay siyang malinaw pa ang mata sa edad na mahigit isandaang taon.


5. hindi mo siya mapapasuot ng damit na hindi plantsado at naalmirol. Kailangan ding may color coordination ang suot niyang saya at sapatilla.


6. Apat na beses siyang nag-asawa. Nabibiyuda lang naman.
7. Fluent siya sa Spanish at Latin
8. Nang una niyang makita ang eruplano, lumakad siya ng paluhod sa Binondo. Kasa-kasama siya palagi ng aking lola kahit saan magpunta. Ganiyang ang pag-alaga niya sa kaniyang ina.


Pinagtawanan siya nang sinabi niyang malapit na ang maraming kamatayan dahil lumilipad na raw ang krus.


Ikailang buwan lang ay sumiklab ang World War 2 at ang daming namatay sa Maynila. Umuwi sila sa Bicol at doon ay nakipaghabulan din sa mga Hapon.


Ang aking lolo ay ang sinasabing laid back husband. Pero mabilis siyang gumawa at para siyang si Mc Gyver.


Naalala ko noon na nagbabayo siya ng palay na hinarvest sa aming bukid para lang lutuan kami ng lugaw. Ang ganoong bigas daw ay puno ng Vitamins.


Meron din siyang maliit na garden nakapaligid sa bahay kung saan makikita mo ang sari-saring prutas, kagaya ng santol, pinya, bayabas, langka at marami pang iba. Sa kabila naman ay nandoon ang mga gulay. Samantalang ang mga kapitbahay namin ay tuyo ang paligid nila ang hardin ng lolo ko puno ng mga gulay; may pako, may ampalaya, talong, kalabasa at marami pang iba.


Meron din siyang fish pen para sa isda.


Siya ang Lola Basyang namin.


Sa kaniya ko unang narinig ang istorya ni Ali Baba and the Forty Thieves. Hindi naalis sa memory ko yong parteng binuhusan ang mga thieves ng kumukulong langis.


Habang lumalaki ako at nagbabasa ng libro, nagiging pamilyar sa aking ang mga kuwento. Narinig ko na sa aking lolo. Sa aking lolo na nakatira noon sa isang island sa Bicol na may population lang na limampu o wala pa.


Para maabot mula sa Caramoan o kaya sa Tabaco, kailangang sumakay ng lantsa at magbiyahe ng ilang oras.


Naikwento ko na rin sainyo na dinalaw ako ng lolo ko pagkatapos siyang mamatay para lang ako paluin sa puwet. Salbahe ko kasi.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment