Dear insansapinas,
Minsan pag talagang hindi mo na kaya ang nararamdaman, physically at mentally, you wish that you're dead.
Yong iba wala ng pag-asa kaya nagkakaroon sila ng death wish.
Nanonood ako ng Death Wish. Si Charles Bronson ang bida. Paborito ng aking mga kuyaseess. Ngayon ko lang napapanood. Rerun kasi ang mga series na paborito ko.
Nakita ko na sina Jef Goldblum (Law ang Order at Jurassic Park) at si Denzel Washington ay mga extra pa lang. Si Denzel nga kahit yong mukha hindi masyadong nakita.
Vigilante si Charles Bronson, talagang naghahanap siya ng mga masasamang tao at pinapatay niya. Pinatay ang kaniyang asawa at nawalan ng bait ang kaniyang anak na ni-rape ng mga thugs na pumasok sa kanilang bahay.
Kung minsan pinapain pa niya ang sarili niya. Para sa kaniya wala nang kuwenta ang buhay. Masagi mo lang siguro, kakasahan ka na.Gusto niyang gumanti.
Naalala ko tuloy noong grade 4 ako. Hindi ako vigilante. Wala akong death wish pero inis ako sa kapitabahay naming bully na pagkatapos akong saktan ay tatakbo sa nanay niyang kunsintidora.
Minsan inabangan ko sa may kulahan. Nanay niya ang dumating. Sabi sa akin ay balak ko raw saktan ang kaniyang anak. Talaga.
Isang araw, wala ang nanay niya. Naglalakad siyang mag-isa. Inupakan ko nga. Akala niya porke tahimik ako, hindi ako kakasa. May pagkamaton din ako. Ahem.
Sumbong siya sa nanay niya. Sugod ang nanay niya sa bahay. Nagdadasal ako ng angelus. Ang bait ko. Kulang na lang ang halo at ang pakpak.
Tinanong ako ng mother ko kung totoo ang ginawa ko. Deny to death ako. Sinabi ko lang ang katotohanan nang makaalis na ang bruhang mag-ina. Pinagsabihan ako ng aking mader na huwag ko nang ulitin.
At least nakaganti ako. Mula noon, iniwasan na niya ako. Beh.
Siguro ang nagtapon ng bata sa basurahan sa eruplano ay nagkaroon din ng death wish. Hindi niya alam marahil ang gagawin niya kung darating siyang buntis. Kung dalaga siya, malaking kahihiyan. Kung may-asawa siya, malaking problema ang dala-dala niya.
Hindi madali ang manganak nang nag-iisa sa toilet ng isang eruplano. Ang liliit ng restroom doon. Sus. Palagay ko hindi unang anak yan. Marahil meron na siyang ibang mga anak at ayaw niyang umuwi ng buntis.
Ang unang anak ang pinakamahirap. Ni hindi mo alam ang gagawin.
Siya, nakuha pa niyang putulin ang pusod.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment