Dear insansapinas,
Eighty eight years old na pala ang Liwayway Magazine. Mas matanda pa sa mader ko? Binigyan sila ng tribute ng ADMU bilang pagkilala sa kanilang role sa pagpapalawak ng sariling Wika ngayong Agosto na Buwan ng Wika.
Hindi ako nahihiyang sabihin, natuto akong magbasa dahil sa Liwayway at sa komiks na sinasubscribe ng aking mader noong hindi pa kami pumapasok sa school.
Tapos banned na ang komiks nang nag-aaral kami. Libro na ang babasahin.
Noong nag-aaral pa lang akong magbasa sa Liwayway, (maraming nakastock noon sa likod ng pinto namin, iniipon tapos iniuuwi ng mga pinsan at tiya ko na dumadalaw galing sa probins). Apat lang yata ako noon. Inis-inis ako bakit ang mga kuwento, pare-pareho ang ending--SUNDAN SA PAHINA...Bitin naman ang istorya. Hindi ko naman alam ang ibig sabihin ng pahina. grrrr. :)
Tapos, hindi na cool ang malamang nagbabasa ka ng Liwayway dahil may mga sumulpot na ibang magazine.
Iba na ang napagtuunan ko. Yong Nancy Drew, Grimm Brothers at Sherlock Holmes na.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment