Saturday, August 14, 2010

Divorce Bill Re-filed

Dear insansapinas,

I am divorced. So? Keber ninyo? Hindi naman ako si Kwris na public figure na pagkakainteresan ang private life. LUNOK. hindi naman kami nagdivorced dahil hindi magkasundo o nag-away. Sinabi niya kasi sa akin na nagkita ulit sila ng kaniyang childhood friend na lawyer na. At para raw nabuhay ang kanilang pagtitinginan at pagpapakingganan (whatever). Nakalimutan niya asawa niya ang kinukuwentuhan niya. yuk yuk yuk. O di pinadalhan ko siya ng divorce paper. Pinaserve ko sa bahay niya sa East Coast. Hindi ko na kailangan ipaserve yon na may dalawang sheriff at lawyer (batu-bato sa langit). Mayroon lang akong proof of service thru mailing. Dibah. hindi ako nagselos oy. Nevah. Gusto ko kung saan siya maligaya, doon siya. Hindi niya pinirmahan. Pero default pa rin yon. hehehe.
Sabi ng aking SIL, fantasy lang daw yon. Binibiro lang ako. Ay wala akong panahon sa biruan ha. ha ha ha ha.

  Kaya ko lang naman naikwuento ito dahil sa binuhay na naman ang inilibing na Divorce Law. Sabi ng iba kaya raw namatay yon ay dahil Catholic country tayo. Bakit ang Italy ba hindi? Ang France ba hindi? Kaipokritahan lang yang mga nagsasabing ganiyan. Kaya hindi papapasa ang divorce law kasi ang mga legilators natin, karamihan mga lalaki. Bakit nila ipapasa ang batas na sila ang mapaparusahan?


Bakit kanyo, itanong ninyo sa akin. Sige na para na ninyong awa. Kasi hindi naman nila kailangang makipaghiwalay sa asawa para magkaroon ng bago. kumukuha lang sila ng kabit. 


Hindi naman kagaya dito sa States na pag ang lalaki may nahuling kabit, katapusan na ng career niya. Tingnan ninyo si Tiger Woods, si Gosselin (nawala yong reality show nila), asawa ni Sandra Bullock.


Naalala ko tuloy yong divorce dahil sa 9/11. Yong asawa raw ay tumawag sa cell phone ng lalaki na hindi umuwi at sinabing may rush siyang trabaho. 

Yon pala ay nasa kabit niya. hindi pa niya napanood sa TV yong nangyari sa 9/11. 


Sagot niya, okay naman siya at siya ay nasa opisina--sa opisinang bumagsak na. Aray.


Pinaysaamerika



2 comments:

  1. long overdue na yang bill na yan. ang dami daming naghihiwalay na mag-asawa tapos di pwedeng magpakasal sa iba kasi hindi annulled. ang dami tuloy illegitimate children. tutal naman,kahit hiwalay na, andun pa rin obligation to give support sa mga anak.

    on the other hand, kawawa naman ang mga babaeng walang alam na trabaho tapos hihiwalayan ng asawa. ang daming ganyan! dapat may provision ang batas para sa mga ganyang sitwasyon

    ReplyDelete
  2. dito talaga, provided ang mga asawa at anak kaya kawawa dito lalaki.

    pag hindi nagbigay ng child support, garnished and salary. pag matigas talaga ang ulo at natiklo, kulong sila.

    paano naman nilang aaprubahan yan biyay, eh ang mga lalaki, pwedeng magkabit, ang babae hindi puwedeng may-asawa na at may kabit pa na hindi patago.

    ReplyDelete