Wednesday, August 11, 2010

He said, he said Part . 2, Professional Heckler and TFC Subscription

 Dear insansapinas,


TFC Subscription


Hininto na ng aking kaibigan ang subscription niya ng TFC. Inis na raw siyang manood ng Pilipinas Win na Win dahil kay Kris Aquino. Ginawa raw talk show ang game show. bwahahaha. Akala ko nagbibiro ang kaibigan ko. Pati pala yong kaibigan ko sa California, ganoon din. Siya naman dahil nawala ang Wowowee.


Ako walang TFC. May mahigit 100 cable channels kami na mas interesting ang mga palabas, katulad ng Law and Order, NCIS, CSI (hindi na ako masyadong nanonood), Covert Files, Burn Notice, Psych, Leverage at marami pang iba.

Asa ka pa PAGASA

Phulease, sana hintuan na ng nagrekomendang alisin si Nilo sa mga press release niya. Lalo siyang nababaon sa putik na gawa ng bagyo.


Sinabi na ni P-noy na ang maling forecast ng bagyong Basyang ang dahilan ng pag-alis sa Chief ng PagASA. Sinong nagsasabi sa kanila ng totoo?


Paliwanag naman ni Montejo na hindi pagkakasundo ang dahilan. Ano ba talaga Teh?

Science and Technology Secretary Mario Montejo on Tuesday revealed that he and weather bureau chief Prisco Nilo had irreconcilable differences over a P1.8 billion project to upgrade the bureau’s forecasting system.
At a news conference,  Montejo said he wanted a smaller budget of about P100 million but Nilo insisted on the original cost. “The problem with Nilo is that his orientation is different from mine. I came from the private sector. We disagreed over the proposed P1.8-billion modernization program of Pagasa,” Montejo said.
“Improvements can be done on a small budget of less than P100 million,” Montejo said. “We have a marching order from the President. We cannot wait for a new budget just to be able to bring in breakthroughs and innovations. Since the fund needed is just less than P100 million, DoST has the money and capability to modernize Pagasa.”
Among his proposals are the creation of a Marikina-Pasig River system webpage to provide a two-hour advanced bulletin before the river overflows, the translation of highly technical weather forecasts and bulletins in layman’s terms, an hourly weather “now-forecast,” the establishment of more field stations in the countryside to provide local government units down to the barangays with real-time weather and rainfall data, a tie-up with the Commission on Elections on its automation program, and the enhancement of cell-based information dissemination drive.

Pakiessplain sa akin ang mga sagot sa tanong ko: Nabasa ang buhok ko at pati IQ ko hindi gumagana. Hindi rin ako rocket scientist.


1. Pag may bagyo ba, hindi mawawalan ng kuryente at internet para maacess ang webpage na ito?


2. Hindi ba ang mga data dito ay hindi rin magagawa kung wala ang mga equipment na kailangan sa weather forecasting? Anong gagamitin nila? Abacus at payong? So alin ang mauuna, yong kabayo o yong kalesa.


3. Kailangan ba ng 100 million para magtayo lang ng webpage?


4. Pag hindi mo ba kasundo ang isang tao sa department, kailangan bang ipaalis mo?
Ano kayo Wowowee?


Sulat nga ni Professional Heckler

NOY:Former PAGASA chief Prisco Nilo…
KRIS: Hay naku Noy! Alam mo, madaming nagalit sa ‘yo for sacking him. You and your advisers talaga! Pati PAGASA, pinupulitika n’yo!
NOY: Bawiin mo ‘yan!
KRIS: Noooo! True naman ‘di ba? ‘Yong maliliit lang ang kaya n’yong sibakin nang biglaan sa puwesto! Basta! Wala akong title for Mr. Prisco Nilo pero may title ako para sa ‘yo at sa mga advisers mo na nagsabing ifire mo siya!
NOY: Ano ‘yon?
KRIS: “The Ant Bully!” At ‘di ko babawiin ‘yan!


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment