Thursday, August 12, 2010

The CPAs

 Dear insansapinas,
Nalibot ko yata ang university belt, ang Taft Avenue at ang banda sa malapit sa Malacanan na mga private at exclusive universities para maghasik ng karunungan ng accounting at auditing sa undergrad. Nagturo rin ako sa state at city funded universities. Nagkakandapawis ang aking kili-kili sa pagsulat sa blackboard ng mga worksheet kahit na airconditioned ang classroom. Nagtrabaho ako sa isang auditing firm. Sasabihin ninyo OWENO?


Pero kung sasabihin mo sa akin na dapat magpantay ang declared  sales ng isang company sa purchases niya doon sa isang company, ibabalik kita sa Accounting 101 kahit na CPA ka na.
Eksampel:


Company A purchased goods worth P 500 million from Company B. 


Company A declared sales worth 250 million only. May fraud ba?


Wala, kasi may sinasabing INVENTORY. Hindi lahat nang binili ay maibebenta sa parehong panahon ng pagkakabili nito. Kagaya ng binili ngayong calendar year ay abutin pa ng isa o dalawang taon na maibenta. Not unless may inventory o clearance sales.  Not unless, iniisa-isa nila ito at nakita nilang walang inventory natira naibebenta at irereport na sales sa susunod na calendar year.

Hindi ko sinasabing hindi  VERY CREATIVE ang ACCOUNTANTS dahil pwede silang magwindowdress ng mga books of accounts (damitan nila ng maganda o pangit)  pero naman kung magbibigay ka ng example, yong walang butas.


Parang kagaya ng una nilang suggestment ba na mag-iissue ng recibo yong mga maliliit na mga kumikitang pedicab, market vendors etc para raw malaman kung magkano ang kinikita.


Hello, sa accounting, may principle kaming MATERIALITY. Ibig sabihin kung gagastos ka ng isang million para lang mahanap ang maling nagkakahalaga ng isalng libo, i-write off mo na lang. Imaginin mong-iisaisahin ng BIR examiner ang mga recibo para malaman ang kinita ng pedicab o market vendors tapos kalabas-labasan, ilang barya lang pala ang masisingil na taxes. O ito ang walis kong lumilipad, habulin ang mga malalaking paniki hindi yong mga maliliit na kulisap. TSEH.

Aspe said the agency hoped to secure the accountants’ cooperation by warning them they faced sanctions if they persisted in filing doubtful statements.
“This is quite a revolutionary approach because we haven’t tried [it] in the past,” he said.
“We will give the CPAs a chance to air their side of the story.”
Henares said her agency’s new move followed its discovery of understated sales and revenue reports through its Third-Party Information System.
Records showed that while an auditor’s report might say that a taxpayer’s financial statements had been presented fairly, a comparison of his declared income with data gathered from third-party sources could show otherwise, she said.
“One taxpayer declared gross sales of P397 million as certified by an independent CPA, while third-party sources revealed purchases amounting to P645 million,” Henares said.
Kayo talaga binibigyan ninyo ako ng wrinkles.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment