Monday, July 12, 2010

If you do not know the issue, do not discuss it in your blog

 Dear insansapinas,

Minsan may mga balita na kung hindi natin naiintindihan ay mabuti pang huwag na nating isulat. Ang kasusulat ko lang tungkol sa judge na nagorder ng pagbayad ng unemployment benefits sa isang nurse na natanggal sa trabaho dahil sa pagsalita ng Tagalog ay isinulat din ng isang non-US based blogger na marahil ay di nakakaintindi ng mekanismo ng unemployment benefits. Kaya ang mga nagbabasa ay nabibigyan ng maling ideya.


Ganito yon, ang unemployment benefits ay ibinibigay sa mga natanggal sa trabaho (hindi nagresign) dahil sa mga dahilang hindi maiiwasan (downsizing)  o malaki o  maliliit  na bagay na inisip ng employer ay isang dahilan para tanggalin ang isang empleyado. Hindi ang employer ang nagbabayad nito. Sa kaso sa itaas, hindi ang ospital ang magbabayad ng unemployment benefits. Although ang premium nito ay binabayaran ng employer dahil ito ay isang uri ng insurance.


Ang pagtanggi ng EDD (ang ahensiya ng gobyerno na namamahala ng pagbayad ng unemployment benefits) ay hiwalay sa desisyon kung illegally terminated ang empleyado.


Kasabay ng pag-aaply ng unemployment benefits na magtatagal ng hindi hihigit sa isang taon (ngayong recession, inextend nila ng six months pa)  o kaya hanggang magkatrabaho ang unemployed ay pwedeng mag-apila ang empleyado para tingnan kung discrimination o illegal dismissal ang ginawa sa kanila. HIWALAY na government agency naman yon.


Sa EDD, hindi automatic ang pagbigay ng unemployment benefits. Kailangang mag-apply at magreport na naghahanap ng trabaho habang tumatanggap ng benefits. Pwedeng tanggihan ang application at pwedeng mag-apila ang tinanggihan kaya hindi lahat tumatanggap ng ganitong benefits. Ang iba ay ayaw mag-apply nito dahil sa sobrang requirements kagaya nang pagtawag saiyong bahay para mainterview at ang pagfollow-up sa application. Iba't ibang States, iba't iba ang proceso ng application.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment