Tuesday, June 08, 2010

Utang na Loob

Dear insansapinas,


photocredit:MSNBC

Ito ang isang kultura ng Filipino na minsan ay magaling at minsan naman ay masama. 


Kagaya nang pagmumodmod ng mga pwesto sa gobyerno ngayon bilang pagtanaw ng utang na loob.


Utang na loob, hintuan ninyo na.


Ang rason na kaya mga tao mo lang ang kukunin mo para sigurado kang hindi ka tatraydurin at mapagkakatiwalaan ay isang paranoia na hindi makakatulong.


Kung ang lahat ng taong under saiyo ay kabigan, kamag-anak at kaibigan ng kapatid, mahihiya kang pagalitan, alisin dahil baka magtampo o magalit.


Sa isang organisasyon, mas maraming taong magpupuna saiyo, mas mabuti. Kaysa naman maging kagaya ka ng emperor na kahit walang damit ay akala niya may damit siya dahil yon ang pinaniwalaan niya.




Hindi siya entertainer na kailangan ang pala (taga-palakpak). Kailangan niya ay mga taong magsasabi sa kaniya na mali ang ginawa niya at kailangang pag-isipan. 


Pinaysaamerika

5 comments:

  1. hehohehoheho
    para tuloy wala akong ma say.

    ReplyDelete
  2. syempre wala kang masay lalo pag natapos na ang mga appointments. hehehe

    ReplyDelete
  3. tama ka mam, malamang yun, malamang umurong na dila este daliri ko sa pagtipa ng keyboard myehehe

    ReplyDelete
  4. si roxas biglang nawala. kasi naman noong palaging nasa meeting, kinakantiyawan. talaga naman oo.

    ReplyDelete
  5. hahaha diba malaman kung san ilalagay ang sarili

    ReplyDelete