Wednesday, June 09, 2010

The Other Woman

Dear insansapinas,



Where have you been part 13
A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

"He is my husband." sabi ng isang petite na matandang babae habang hawak-hawak niya ang kamay ng doctor. Nakaupo ang mag-asawa habng naghihintay manood ang sang pet trainer na may mga dala-dalang iba-ibang klaseng ibon na nagbibisekleta, kumakanta, nagtatumbling at nagdadrama.



Ang takbo ko kasi ang mga residente-patiente na diagnosed ng ALZ ay biglang nagbabago ang mood. Ang doctor ay ayaw magpahawak. Pag hinawakan mo ito nang hindi ka humingi ng permiso, sasaktan ka niya. Parang knee-jerk reaction. Slow motion natin. Itinaas niya ang isa niyang kamay para sampalin ang babae habang hinihila niya ang isa niyang kamay nito. Sinalo ko ang kamay. Pinisil na naman niya. Akala niya doon sa babae. Araaaay. Muntik nang magkalasog-lasog ang buto ng aking palad. 



Tinawag ko ang isang nurse para ilayo ang matandang babae, habang nakabalandra ang aking katawan sa gitna nila. Two hundred fifty pounds ang doctor at ang babae ay wala pa yatang 100 lbs. Siya ay 95 years old. Pero sabi nga nila malibog pa. (erase, erase, erase). Sabi nga love or lust never dies not even fades away.


Si Misis ay nabigla. "That crazy woman. Every male here in the facility is her husband." Tapos napatawa siya. Narealized niya siguro na nasa cucko land na ang matandang babae.


"It is good, you are fast enough to  stop my husband from hurting her. " 


Ngayon ko lang naimagine, paano akong nakalapit sa kanilang upuan. Mahina ako sa PE, yon bang tatalon ka o kaya ay tatakbo ka. Kung makikita mo siguro ang aking pagtakbo...Slowmo...tototototototototot, para akong nagluksong tinik sa mga dinaanan kong mga upuan. Parang bionic woman.


Nagkainterest tuloy ako sa buhay ng matandang babae kaya nakipagkuwentuhan ako sa mga nurses. Sila ang nakakakilala dahil sila ang involved sa mga pasyente.


Ninety five-years old na pala  at dati pa lang ballerina. Kaya pala petite siya.  Pustoryosa pa rin siya at mabait naman. Pag nakita ka sa hallway, tatawagin kang dear, sweetheart, tapos kakabit na sa damit mo kahit saan ka magpunta hanggang ibigay mo ang direction sa kaniya. Wala naman siyang sakit. Dementia lang talaga. 


Sabi ng nurse sa akin. Maupo raw ako sa TV area. Meron kasi doong waiting area na may TV. Minsan ang mga nurse, dinadala doon ang mga pasyente nila habang sila ay nagdadaldalan. Meron namang TV sa lahat ng kuwarto.


Naupo nga ako. My dumating na matandang lalaki. Guwapo pa rin siya kahit mata na lang niya ang walang piliges. Dati raw itong militar. Naupo siya sa couch. Maya-maya dumating na ang matandang babae. Tawagin natin siyang Giselle. Tumabi siya sa lalaki. Maya-maya ay nagroromansa na sila sa couch. Yong mga matatandang nasa wheel chair o nanood ng TV ay sila na ang pinapanood. Para talagang sitcom.


Nilapitan ko ang Charge Nurse. Sinabi ko na di ba dapat, sawayin sila kasi hindi nila alam ang kanilang ginagawa ng kaniyang asawa.


"What husband? He is not her hubby, sweetie. He is someone else's husband. Look."


Rumaragasa nang dumating ang isang matanda ring babae. Tinabig niya ang kamay ni Giselle at inakay niya ang kaniyang asawa. Sunod naman si lalaki.


"Go find yourself a husband." sabi niya, sabay hila sa asawa na wala namang kibo.


Taray. Sa isip ko sa edad nilang yon, may mga pag-ibig, o lust o selosan pa pala. Human Relationship 101, Di mo matutunan sa libro.


Nang dumating si JB. Nakapatemporary locked yong aking bibig sa ngiti, dahil sa nakita ko noong araw na iyon.


Kamot siya ng ulo. " Is there something you know that I don't?"


Pinaysaamerika



4 comments:

  1. ahooooy ang cute ni lola walang kupas, lababol at romantic parin hahaha.
    mam ha, mukhang nagkakalimutan kay nurse o talagang binibitin molang kami hahahaha
    marunong pa rw ako sa nagkukwento hahaha
    baka lang kako nagka alz ka na rin at malimutan mong balikan si nurse hahaha jooooke lang po, imprimitida talaga (sabay tampal sa sarili)

    ReplyDelete
  2. kakatakot tumanda. ayokong mangyari yan sa akin. ayoko ring magka-anak para lang siguruhin na may mag-aalaga sa akin sa pag tanda ko

    ReplyDelete
  3. huwag kang mag-alala, nandoon yan. ndistract lang ako kasi nakita ko yong mga comments ko nabura. sarili ko ng blog. toinkkk.

    ReplyDelete
  4. biyay, at least sa atin, ang average life span ay 65 o 70, dito umaabot sila ng 90.kaya nga pinaalis na nila ang mga anak nila pag=abot ng 18 kasi lahat nang kikitain nila provision na sa pagtanda nila.

    pag may natira para sa mga bata kaya yong iba, gusto nilang mamatay na ang mga magulang nila bago maubos ang mamanahin. ito sa mga tatalakayin ko sa kuwento, nakakaawang matatanda.

    ReplyDelete