Sunday, June 20, 2010

The Phone Call

Dear insansapinas,
Where have you been Part 22.
(A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)

Nahirapan akong isulat ang parteng ito.


Lumaki ako sa paniniwala na ang pag-iyak is a sign of weakness kaya maliban sa loob ng sine habang nanonood ako ng pelikula o kaya nag-iisa akong nanonood ng DVD, hindi ako marunong umiyak.


Madaling-araw nang matanggap ko ang tawag galing sa ospital. Kaba ko. Si fiance, nasa ICU, heart attack. Ikalawang beses sa loob ng isang taon. Tatawagan daw ako ulit. Ibinigay ko ang aking phone sa trabaho at hiningi ko ang phone ng ospital.Ako ang nakasulat na next of kin. Pagkatapos ng tatlong araw, binawian siya ng buhay. Fatal ang stroke. Ang biyudang hindi pa nakakasal.


Hindi ko binubuksan ang aking computer. Sanay kasi akong nakakatanggap ng mail. You've got Mail.
Sa dami ng pagsubok sa buhay na dinaanan ko, alam ko na bawa't trahedya na dumating ay may kasunod na pagbababago ng buhay. Wala akong oras para umiyak. Kung hindi para sa akin ay hindi akin. Somehow, darating ang araw na  ang Why God question ay masasagot din. Baka may mas maganda pa nang ibibigay o kaya naman ay iniiwas ako sa hindi magandang buhay. Ito ang mga araw na naririnig ko na nagsasalita ang sarili ko sa aking sarili. Hindi ako nabubuwang, Birhinya. It is a coping mechanism sa mga bagay-bagay na hindi natin gusto.Hindi ako masyadong nag-iinvest sa emotion. May priority ako. Mapatapos ang aking mga tsikiting gubat.


Walang nakaalam kung hindi ang misis ni The Doc dahil nagpaalam ako ng isang araw. Umiwas ako kay JB. Alam kong alam na niya dahil sa mother niya. Ayaw kong natatanong. Ayaw kong pinag-uusapan ang mga bagay na iyon.


Naging alert din kami. May mild stroke din ang The Doc. Buntis si The Nurse kaya mga ilang buwan lang ay magbabawas na ito ng oras. Kung sino ang tatay, hindi namin alam. Pero nakalipas ang ilang buwan, muntik na silang maghiwalay ng asawa niya. At ngayon balita ko, talagang hiwaly na sila. Nasa kaniya ang bunso at ang panganay nilang anak ay nasa kaniyang asawa.


Kumikita na ang negosyo. Lumalabas na ang mga kasakiman.


Isang araw, dumating ang anak na doktora ni the Doc. Nag-uusap sila ni misis at ni JB sa harap ni The Doc na permanente ng nasa wheel chair. Hirap na ang mga nurses na ilipat siya sa wheelchair to bed at bed to wheelchair ang doctor. Ako lang ang nakakakalma sa kaniya. Ang problema sa gabi at weekend. Halos gumive-up yong private duty nurse namin. Si The Nurse ay wala ng epekto kay The Doc mula nang sabihan kong hindi sincere ang pinapakita nitong care.


 Napansin kong inignore ni The Doc ang anak niyang  doctora. Galit si JB sa kapatid niya. 


Pagkaalis nila, tinanong ako ni the Doc kung nainindihan ko raw ang pinag-usapan ng kaniyang pamilya. Sabi ko hindi ko naintindihan. Tumulo luha niya. Sabi niya ayaw pa niyang mamatay. Sabi ko hindi ko siya iiwanan.


Pinaysaamerika







2 comments:

  1. Anonymous8:05 AM

    hindi kita iiwan..
    ang sagot ko sa puso mong laging nagtatanoooong..
    di kita masisi ako may nangangambaaaaa
    pagkat di natin batid ang bukaaaaaaaaas...
    teka, bakit ako kumakanta? jejeje
    eto na mukha ngang malapit na yung iyakan blues, dapat ng magready ng kumot yung malaki laking kumot.
    mukhang nagbunga ang mga papungayan ng mata at pagluluksong lubis tsk tsk tsk
    at ang negosyo, mahirap talagang magnegosyo ng my mga kasosyo,
    dyan na magkakaalaman ng mga tunay na kulay, black, blue, red...

    ~lee

    ReplyDelete
  2. Anonymous8:05 AM

    This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete