Dear insansapinas,
Nasa Camsur pa kami noon at nakatira sa isang maliit na baryo. Suspendido ang klase. May malakas na bagyo. Alam naman ninyo ang Deparment of Education, wala kang mahagilap na magsususpendi ng klase pag maagang maaga pa.
Dumating ang tatlo kong kapatid na lalaki na nanggaling sa kanilang iskwela. Magkakahawak-kamay kami at inot-inot kaming nakipagbabag sa lakas ng hangin at malalaking patak ng ulan.
Narating namin ang tulay na kahoy na siyang tanging nagdudugtong sa aming baryo sa siyudad. Ang hawakan na lang nito ang nakalabas sa rumaragasang tubig.
Hindi kami pwedeng tumawid. Ang mga kapatid ko ay marunong lumangoy. Ako hindi.
Dumating si Superman. Inilagay niya ako sa kaniyang balikat habang hawak niya ang mga kamay ng aking mga kapatid.Tinawid naman ang nagngangalit na dagat.
Basang-basa kami lahat pagdating sa bahay. Muling lumipad si Superman at pagbalik niya ay may dala na siyang mainit na pansit.
Gumawa siya ng isang tent sa loob ng bahay na sa lakas ng hangin ay tinuklap ang aming bubong.
Nang gabing yon, nakita ko siyang hindi natulog at nagbabantay kung kailangan kaming mag-evacuate.
Happy Father's Day, Dad, nasaan ka man.
Pinaysaamerika
buti pa kayo my superman, kami kasi wala e hehe.
ReplyDeleteyung si mader walang kinamulatang superman...
kami wala ding kinamulatang superman...
yung anak ko wala ding kinamulatang superman...
di uso samin ang superman, yung mga naging man sa buhay namin e hindi super wehehe
mga babae ang bida sa lahi namin kaya superwoman nalang.
pero happy fathers day dun sa pamilyang merong superman.
~lee
kayo dapat ang batiin ng Happy Father's-mother's day. hehehe
ReplyDelete