Dear insansapinas,
Lahat ng teleserye, may kontrabida. Part of the recipe. Part of life. Siyempre dahil akong bida, ang papasok ay kontrabida.
Hindi kontrabida si JB. Inis lang yon. Wala siyanng ugaling mang-api o manira ng kapwa. Yong kaniya ego at ang isa niyang disorder na natutuhan ko ring pagtiyagaan ang pagiging walang focus. Unico hijo kasi. Sanay sa karangyaan.
Ang kontrabida dapat ay babae rin. Karibal. May intensiyong manira. May intensiyong mang-agaw. Hindi tungkol sa pag-ibig o relasyon kung hindi puwesto o kaya ay pakikipagkaibigan. Minsan hindi dahil interesado sa puwesto, ibig lang patunayan na kaya niyang kunin ang gusto kahit sa anong pamamaraan.
Maganda siya. Ang tinutukoy ko ay yong bagong nurse na kinuha bago umalis ang mag-ina. Kilala ko siya dahil nagtatrabaho rin siya sa skilled facility na iyon. Hindi lang sa nursing department. Hindi pa siya nakapasa sa state licensing board. So second job niya ang pagiging nurse ng doctor. Filipina siya.
Matindi ang pangangailangan niya ng pera. BMW ba naman ang kotse at ang mga damit ay yong hindi nakakatikim ng tubig, kung hindi panay dry clean . Libre naman dahil doon nagtatrabaho ang asawa niya sa hotel sa dry cleaning services. Yes, may asawa siya pero wala pang nakakita. Sabi ng mga kasamahan niya ay mahilig daw talaga sa mga damit. Sa isip ko inggit lang siguro ang mga kasamahan niya. Pero nakikita ko naman talaga na ang mga damit n suot niya ay para bang “Saan ang party? Ganon. Lagyan mo siguro ng tiara, lalakad na ang parada.
Umaga, dumating siya. Iyon ang oras nang dating ni missus na araw-araw ay dumadalaw sa asawa para ito halikan, kausapin kahit hindi sumasagot bago ito pupunta sa kaniyang mga appointment. Wala na silang driver. Ibinigay na nila yong lumang Mercedes sa driver kapalit nang pag-alaga ng kanilang poodle na idinadalaw palagi doon. Siya na ang nagdadrive.
Hinalikan ng nurse ang matanda. Sandali, rewind, rewind. Humalik din ang matanda at swak sa labi ng nurse.
Disoriented ng matanda. Akala niya si missus ang dumating.
Lumapit si Nurse sa akin. Sabi niya, magrereport siya mamaya lang. Tinatapos niya ang kaniyang mga gawain sa facility. Hindi pa siya nakasuot ng unipormeng puti. May mga kukutikutitap sa kaniyang damit. Parang gusto kong magsunglass. Nasisisilaw ako.
Magaling siya. Sanay mag-alaga. Wala akong masasabi. Panay ang bulong niya sa matanda na naobserbahan kong kalmado, hindi kagaya sa ibang nurse na sa ibang shift.
Report sa akin kinabukasan ay panay daw tabig at siko sa kanila pag tinulungan nila papunta sa bathroom.
Iba ang trato niya sa bagong nurse.
Kahit ako ay di niya pinapansin. Uhmmm.
Kinabukasan, dumating na naman siya. Humalik siya sa matanda. Ganoon na naman ang nangyari.
Kinausap ko siya. Sabi ko hindi tama ang ginagawa niya.
Ngumiti siya. Alin? Padisamula siya.
Sumunod na mga araw, ayaw na akong kausapin ng matanda.
Masama ito.
oh hooo, muka ngang dina maganda yan... nope, di ang istorya ang di maganda... di maganda ang sumunod at susunod na mga pangyayari.
ReplyDeletelangya lalo akong nabibitin kala ko pa naman palaging maganda ang daloy ng storya... ang alin ba? oo nga, yung storya papaganda ng papaganda pero yung kinapupuntahan nung story ng bida e mukhang lumilimlim...
(nakakunot din ang noo ko habang nagbabasa na parang gusto kong dagukan yung babaeng yun)
mukhang bine brainwash nya yung matanda...hmmm
sige lang observe pa tayo...
super love ko po ang blog nyo. nakakabitin naman po sana po maya maya andyan na yung kasunod.
ReplyDeletecyancamille, wag tayo masyado pahalatang atat na atat, baka sunud sunurin tayo ng kurot dito nyehehe
ReplyDeletelee,
ReplyDeletepanay nga ang singit ko nito sa ginagawa ko.
thank you cyanmille. at least dalawa na ang nagbabasa sa akin. kasma ko tatlo. hhaha
ReplyDeletelee,
ReplyDeleteinaalala ko pa yong mga pangyayari. nawala kasi yong mga kopya ng reports ko noon.
pero may susunod na.
mam, binibitin ko muna sarili ko, dito na muna ko sumilip sa part na to lol, nagloko kasi connection ko kahapon di ako makapasok kaya lalo akong nabitin.
ReplyDeletepero mukhang napasubo ka na mam, dika na makaka atras mehehe