Dear insansapinas,
Where have you been part 11.
A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience)
Pag kapalaran daw, kapalaran pa rin. (Ang labo ko).
Medyo dumalang ang dalaw ni JB sa tatay niya. Abala sa bagong kulakadidang niya, Yong lady friend sa UK.
Gulat ako nang sinabi ng mother niya na lumipad sa UK para makipagkita ulit at mameet ang family ng babae.
Panay ang rise and fall ng eyebrows ni Misis habang nagkukuwento.
Isang hindi inaasahan, biglang dumating yong dating housekeeper ng family na ginawa nilang tagapamahala sa affairs ng matanda. Yon talagang assigned sa aking trabaho. Filipina siya. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya bago nag-asawa ng Puti. Pero kahit na may-asawa siya, pumapasok pa rin siyang live-out na housekeeper hanggang magkasakit nga ang matanda may mga adjustment na ginawa kagaya nang pagbebenta ng mansion nila, pagbili ng isang apartment na two bedroom kung saan nakatira si Misis at ang pagapasok kay doctor sa facility. Hindi na nila kailangan ang driver, butler a housekeeper.
Nag-aral siya ng nursing at iniwan lang niya ang trabaho pansamantala nang mabuntis siya, Maselan siyang magbuntis. Nagkakaroon siya ng diabetes.
Tatlong buwan na siyang nakapanganak at gusto na niyang magtrabaho. Okay lang sa akin, dahil approved na ang aming iskwela, inaaayos na lang ang lugar para lagyan ng library, laboratory at mga classrooms. Pero maghihintay pa ako ng ilang Linggo para matapos ang aking opisina,
Nag-usap kami ni A tungkol sa mga pangyayari at tungkol kay The Nurse. Umikot din ang mata niya. Mas kilala niya si The Nurse kaysa sa akin.
Nagkasundo kami na kausapin na si bossing-lawyer para sa turnover na walang ceremony.
In the meantime, pinuntahan niya ang matanda. Hindi siya kinausap. Sabi ko wala siyang kinakausap pero nakikinig siya.
Dahil wala pa si bossing lawyer, nakipagsosyalan muna siya sa mga nurses sa facility. Pinagmamalaki niya ang anak niyang Fil-am.
Pinasakalyehan ko ang matanda kahit walang gitara.
"Are you not happy, A is back? " Hindi siya sumagot.
Since she can come back to work, I have to turn over the responsibility to her. In the meantime, your daughter is coming to make the arrangement.
Tahimik siya. Hindi siya sumasagot.
Dumating si bossing -lawyer at pinatawag kaming dalawa sa apartment ng kaniyang mother.
Alam niya na may hinihintay akong project a hinawakan ko lang yong trabaho para kay A.
Pero sabi niya kung siya ang masusunod, ayaw niyang umalis ako. Sa isip ko naman, hindi naman kami pwedeng dalawa.Sabi niya bigyan daw niya akong bakasyon, at mag-isip ako. With pay.
Hindi ako nagpaalam sa maanda. Kinabukasan si A na ang pumasok.
Naghanda na ako sa aming proyektong iskwela pero hindi ako mapakali sa bahay. Parang nagkasala ako sa matanda na iniwan ko na lang.
Pumasyal ako sa facility pero wala akong balak magpakita sa matanda. Sisilipin ko lang.
Nakita ko si misis, magkasalubong ang kilay at parang galit. May mga anim na nurses sa loob. Inilalagay nila sa bed ang matanda. Nakabalot ang katawan sa makapal na kumot. Panay ang sipa at hataw ng kaniyang kamay sa mga nurses. Naawa ako sa mga nurses at sa matanda. Halos mabibitiwan na nila ito dahil sa kapapalag.
Pumasok ako para tulungan yong mga nurses. Tinawag ko ang pangalan ng doctor. Sabi ko huwag siyang magalaw at baka siya mahulog.
Huminto siya. Hinanap niya ang nagsalita. Nakita niya ako.
"Where have you been? " Tapos humawak siya sa akin. Hinayaan niya akong ilapag ko siya katulong ang mga nurses.
Napabuntung-hininga si misis. Nag thank you ako sa mga nurses. Sabi ko sa kanila, address him as doctor. He earned that title.
Isa sa mga nurses, ang napathank you. Isa siyang Pinay. Siya ang pinakamaliit. Yong dalawang Puti, ang lalaki. Yong itim, malaki rin. Pero hindi nila kaya ang 250 pounder na lalaki lalo ayaw nitong magpahawak. Binalot na nga raw nila ng bedsheet, para hindi makagalaw. Takot silang matadyakan o mabuntal.
Wala si A. Nagpacheck-up daw sa doctor. Buntis na naman daw. Arghh.
Nakangiti ang matanda ng balikan ko. Pati si misis na nasa tabi niya.
Biniro ko. Ang ganda ng kaniyang nurse, si misis. (may pagkasipsip din ako).
Dating si JB. (Bumalik na pala galing sa UK). Nagpaalam na ako.
"Where are you going," tanong sa akin. "Home." sabi ko.
"I will give you a lift."
"No thank you. " bigla akong sibat.
Kinagabihan, may tawag si bossing lawyer.
Pinaysaamerika
hmmm anu ang magiging papel ni A sa buhay ni mam cat?
ReplyDeleteabangan ang susunod na kabanata
from s friend naging jealous friend. abangan.
ReplyDelete