Sunday, June 06, 2010

Honeymoon

 Dear insansapinas,


Hindi pa man nagsisimula ang honeymoon dahil hindi pa talaga nakakasal, marami ka nang maririnig na komentaryo sa mga taong sumuporta pa sa kaniya noong nagkakampaniya.


Sabi ni Ellen Tordesillas:

Dito ngayon lumalabas ang kahinaan ni Aquino sa pagpatakbo ng isang organisasyun dahil nga wala naman siyang karanasan talaga mamuno ng isang negosyo o organisasyun. Dito rin nakikita na napakakitid ng kanyang mundo ginagalawan noon kaya madali siyang ma-impress.

Kung magaling kang manager, alam mo na iba ang may advocacy ka sa isang bagay, iba yung magma-manage ka ng organisasyun. Lalo pa gobyerno. Ang tindi ng bureaucracy.
Marami akong kilala na magaling sa pagmartsa sa kalsada at magtalumpati sa mga rally. Ngunit pagdating na sa orgnisasyun at paghawak ng pera, nagkakandaloko-loko na.

Siguro dapat ipaalala kaninuman na ang mga foundation na itinatayo ng malalaki ang kita ay isa sa mga pag-iwas ng pagbayad ng napalaking taxes at hindi dahil sila ay may halo sa ulo.


 Ito naman ang sabi ni Bishop Cruz:

Sinabi ni Cruz na hindi rin dapat gamiting basehan ni Aquino ang pagtanaw ng utang na loob sa mga artista para bigyan sila ng posisyon sa gobyerno.

“Kung ang mama ay tatanaw ng utang ng loob e di lahat na lang ng kumampanya sa kanya ay kukunin n’ya, wala ng lugar," ayon sa arsobispo.

“I think, these are tentative, just recommendations and I would not want to say that such possibility came from him personally, it must be whispered or told him by this and that," idinagdag ni Cruz.

Idinagdag ni Cruz na hindi rin umano dapat magbigay ng rekomendasyon aktres na si Kris Aquino sa kanyang kapatid na si Noynoy kung hindi naman hinihingan ng opinyon.

“I think hindi kasi maganda ang iyong right hand, kapatid mo na nasa movie industry, ‘di na bale kung nasa governance, legislative, or judiciary," pahayag ng arsobispo.

O di ba nga nagkakatotoo yong haka-haka noon kaya maraming hindi bumuto kay Noynoy. Ang magiging mga government officials natin ay galing sa showbiz,

Pinaysaamerika 

1 comment:

  1. Anonymous8:35 AM

    sigh, o dina nagkatotoo rin na yung mga bumoto at sumuporta sa kanya ang unang unang pupuna sa kanya lol.
    anihin na nila yung kanilang tinanim

    ~lee

    ReplyDelete