Dear insansapinas,
Holiday nga pala kahapon. Walang mga tao sa mall. Nakita ko ulit yong lalaki na nagjajogging, habang itinutulak ang bata sa baby carriage at nakasunod ang aso. This time, nakahinto ito at may kausap sa cell phone, habang ang bata ay nakasimangot. Mainit kasi.
Ang Memorial day, ay federal holiday observed on the last Monday of May para alalahanin ang mga yumaong sundalo habang nasa military service.
Naalala ko ang mga Filipino veterans na nameet ko sa California. Naghihintay sila ng mga ipinangako sa kanilang backpay. Natanggap lang nila ito last year.
Mga matatanda sila na walang kamag-anak dito lalo yong mga nabiyudo na. Ang mga anak nila ay matatanda na rin at hindi na nila mapetition.
Ang iba sa kanila ay nakatira sa isang bahay na malapit sa tinitirhan ko. Sama-sama silang walo sa isang maliit na kuwarto na pinapaupahan ng isang ganid na Pinoy.
Dati nga nakatira ang iba sa kanila sa isang Pinoy din na kinukuha yong perang tinatanggap nila buwan-buwan para raw bayad sa pagtira at pagkain nila. Kahit naman siguro kumain sila ng sampung beses, hindi mauubos ang pera.
Last year, nakatanggap ang mga beteranong Filipino ng malaking pera. Yong tiyo ng aking kaibigan ay ipinadala raw ang pera sa pinas para ipagawa ng bahay.
Naiinis ang aking kaibigan dahil payabang lang daw ang pagpaayos ng bahay na ang mga nakatira ay ang mga walang trabahong anak.
Ang beterano ay mahigit ng nobenta at hindi na makapagbiyahe at ayaw namang umuwi na sa Pinas dahil mas marami siyang natatanggap na benepisyo dito hindi lang pagiging beterano. Yong isang anak pala ang humingi. Away na ito ng mga anak hindi pa man namamatay ang ama. Hindi pa tapos ang giyera.
Pinaysaamerika
hayz, pag pera na nga naman ang pinagusapan.
ReplyDeletekaya nga sabi ni mader maswerte ang mga walang pera(sya lang my sabi nun) at ganun din ang mentality ng lola ko kasi pag daw my iniwanang pera sa mga anak e yun pa ang magiging dahilan ng pagkakawatak watak magkakapatid, kaya buti nalang daw walang naiwan ang lola ko sa kanina (asus watak watak din naman) at wala din syang maiiwan samin kaya walang awayan.
magsasalita ako ng tapos,
hindi ako makikiaway ng dahil lang sa pera o mamanahin,kanila na ak ak nila sa baga nila.
kung ako e mukhang pera
mayaman nako at di naghihirap...
pero sa totoo lang, wish ko sana marami akong pera para nakaka shopping ako araw araw nyahahaha.
actually ang clan ng lola my pera,itinakwil nga lang sya at wala syang pakelam kahit wala syang manahin, ang clan ni fafa my fera din kaya lang mataas ang fried chicken ni mader kaya
wala rin,kami lumaking walang sariling lupa kahit sa paso,sabi ni mader e kanya kanya nalang kaming sikap at tulungan nalang magkakapatid para magkaron ng sariling lupa sa paso,ayun
awa ng orange juice my lupa nako sa paso, nakatanim sabila pampalago ng buhok.
bilib ka rin naman sa kakapal ng sikmura nung mga taong nabubuhay sa pinaghirapan ng kapwa, mapapansin mo naman yung mga ganid na
ReplyDeletetao e di naman yumayaman at yumaman man e san ba nauuwi yung perang
galing sa kaganiran nila?sa walat wala din nauuwi.
Marunong ang nasa itaas, alam nya kung sinu yung dadagukan nya.
totoo yan. kay buti pa gastusin mo na lang. hahaha
ReplyDeleteang kapal talaga ng mga iyon. tapos mayaybang p kesyo daladalwa ang bahay. huwag ka galing naman sa panloloko ng kapwa.
ReplyDelete