Tuesday, June 01, 2010

The Duct Tape

Dear insansapinas,

Where have you been? Part 4 ( A story of friendship-this is my tuesday with morrie experience).

"Hanuyan?" tanong ko sa nars na nakatoka sa doctor ng araw na iyon. Pinay siya na bata pa.


"Inilagay po ni Sir J. " sagot ng nars.


"Huwag mo siyang tatawaging Sir. Hindi siya Knight. hehehe. Para raw saan ito? " Tinuro ko ang duct tape na idinikit niya sa sahig, mula sa bed ng doctor papunta sa bathroom.


"Para raw alam ng daddy niya ang papunta sa bathroom pag nagising siya at gusto niyang magwewee."


"Iyan talagang amo natin, puputi ang buhok ko sa stress." Iling ko.


"Sabi naman niya, nalulugas daw ang buhok niya sa tigas ng ulo ninyo." Nahihiyang sumbong ng nars.
"Hinala ko may gusto sainyo". Bulong ng nars. Bigla akong harap sa kaniya at pinagkurus ko ang aking daliri. "Huwag sanang itulak ni Taning ang sinabi mo kasi kahit siya na lang ang huling taong nakapantalon na manliligaw sa akin, sasagutin ko siya ng hindi". 
Apir kami. 


Biglang nagising ang matanda at biglang tayo. Sabi ko sa nars alalayan niya. Tinabig siya. Sa isip ko, "confused" na naman. Ako ang lumapit. Hindi ko siya hinawakan, inalalayan ko lang.




Papunta siya ng bathroom. Nakita niya ang duct tape. Para siyang tumutulay sa lubid. Naninimbang siya para hindi mahulog.


Sa isip ko aawayin ko talaga si JB. Ginawa pang ropewalker ang ama.


Paglabas ng doctor sa bathroom, tumulay ulit. Nag-init na naman ang ulo ko. Noon lang ako napansin ng doctor na nandoon.


"Hello, look who's here." Ngumiti siya na pinasisingkit ang mata.


Tanong ng nars kung ano raw ang agimat ko at mabait sa akin ang matanda eh sa kanila ang sungit. Sabi ko panoorin mo.


" Hello, Doctor. So how's your nap? "

" Good." nakangiti pa rin siya.

Nangiti rin ako. Maaliwalas ang panahon, kahit hindi ko nakita ang weather forecast.

Ow, The love of your life came to visit you". (siniko ako ng nars, sumilip lang raw).


"Really?  So... I... missed her huh? "


"Oh no, she's coming back. She promised to watch TV with you in the afternoon. " Kinausap ko na sa phone ang missus.


"Am... I lucky... or... what? I guessed I have to go back to bed so I can sleep more and look relaxed when she comes."


"Swell idea Doc". Sagot ko na dalawang thumbs up.


"Ang tiyaga mong kumausap." sabi sa akin ng nars.


Dumating si JB. May dalang sandwich na malaki. Pinabreak ko ang nars. Giyera mundial ito.


"Did you see the duct tape? It is temporary. I will have the floor painted instead of the tape."


"I do not think it is a good idea. Sulat ko sa notebook na ipinakita ko sa kaniya. Ayaw kong magising ang ama niya at maconfuse ulit."


Sumulat din siya. "WHAT???????"  Muntik nang mabutas ang papel sa diin ng pagkasulat.


"What did you say?" Hindi niya itinuloy ang pagkagat sa sandwich. 

"Sssssh." Saway ko. Dumagdag na naman ng decibel ang boses niya. Muestra ko lumabas kami. Sunod naman siya. Kulang na lang bitbitin niya ako. Hanggang dibdib lang niya ako eh. 


"So Ms. Genius, tell me what's wrong with the duct tape? "Sabay pangal ng subway sandwich.


"Look Mr. B. " Pormal ako sa kaniya. Boss ko pa rin siya kahit yong kapatid niya ang pinakaboss ko. Share kami sa responsibility. "Have you seen, Indiana Jones and the Holy Grail?"


"I believe it is Indiana Jones and the Last Crusade, Ms. C. So what about it?" inis siya pero panay ang kain. 


"Do you remember, Indiana walking on the invisible bridge?"


"So?" Inubos niya ang natitirang tinapay sa kamay niya saka tiningnan ako. 


"That's how what your dad is doing. Trying to balance himself in an imaginary bridge because of the duct tape."




"Have you seen him do it? "


"Oh yes, your honor. I saw it with my eyes." You see, everyone who is diagnosed with that kind of disease is direction challenged, that is why they wander. They seem to be lost  not because they do not know the direction. It is the lack of capability to know where they are and what they are supposed to do. That's the reason why there is a nurse or caregiver. The nurse of the facility makes rounds to check the rooms during the evening when the patients are sleeping. There are nurses who are ready to respond to the call light.  We can not allow him to go to the bathroom by himself. So we have the nurse in the pm shift. She is supposed to be awake the whole night to take care of his needs. He lacks balance. He may trip while walking or stumble in the dark. Alz patients lose  their disposition what to do during emergency. One dangerous thing is when they locked up themselves. You need to break the door. " Isang chapter pa lang yan na ibinigay ko.


"Do you realize that I am a boss here?" tanong niya.


"I do." sabi ko.


"Then duct tape stays."


Score one sa kaniya. 


But not for too long.


Dumating si missus. Bigla siyang napa HAAAA . "What's that ugly thing doing on the floor? " Turo niya sa duct tape.


Sagot si nars. Sir ...erm (pinandilatan ko siya ) your son, put that as a guide for doc whenever he goes to the bathroom.

Tinanong ako ni missus kong approve ko". Ah ah ah. No", sabi ko. 


Duct tape goes. 


Dating si JB. Away silang mag-ina. 


Inom ako ng orange. 




Huminto na ako pagscore.

Pinaysaamerika

5 comments:

  1. hahahahahahaha
    langya kala ko pa naman pasalubong sayo yung sandwich.
    ako na taga iskor mam...
    score 3
    hhahahahahaha

    kala mo ha, naka antabay ako noh,
    panay lang refress ko kung my new post ka na hahahahahaha
    ng dahil sa storyang where have u been e dinako nakaalis dito sa site mo hahahaha.
    pagkatapos netong story na to malamang sa rehab ang derecho ko...

    ReplyDelete
  2. lee.
    hindi nagpapasalubong ang mga puti not unless humingi ka.

    hindi rin nang-aalok. hehehe

    ReplyDelete
  3. yun nga rin ang alam ko, kung dumating ka sa bahay nila na kumakain sila di ka aayain kahit pabalat bunga unless imbitado ka.
    sating mga pinoy
    o sa mga asian di uubra yan, isusubo mo nalang e ibibigay mo
    pa dun sa taong dumating ng walang abiso sa bahay mo, unless
    e bwisita yung dumating,taguan na...wala kamo ko dito...
    sabi po ni mama wala daw po sya dito... wala ba? opo,yun po ang bilin nya... e nasan daw sya? naku wala po sa loob ng kwarto,hindi po sya dun nagtago...toingk!

    ReplyDelete
  4. big deal sa kanila pag inimbita ka sa bahay para kumain. at ikaw naman dapat may dala.

    ReplyDelete
  5. nge,samantalang satin o dito e pag inimbita ka e pagsisilbihan ka na parang hari(wag lang araw araw) dina ko pupunta, ako nalang ang kakain ng solo pag ganyan

    ReplyDelete