Saturday, April 24, 2010

Pot calling the kettle black

Dear insansapinas,

This is cooler than listening to my professor in Political Science which made us drowsy with his yakitiyakitak.


Pakiwari ko si Manny Villar ay parang bibingka. May apoy sa itaas (noynoy) at may apoy sa ibaba. Erap.


Pero por Diyos por santo equals eight sabi nga ni mader pagnagkakaroon ng debate, si Erap na naconvict ng plunder at stock manipulation at pakikialam sa SEC ang magtatapon ng uling kay Manny Villar. Kahit na menopause na duduguin pa.


At bakit yata mangkasangga si Erap at si Noynoy ngayon. Di ba sinabi naman ni Tita Cory na si Erap ang kinunsulta niya nang magshowbiz si Kris. 


Pero sa pakiwari ko sa dami ng black propaganda (sabi nila ha) kay Manny Villar, umaasa si Erap na maging number two at kung magkamaling magblink si Noynoy, baka maagaw pa sa kaniya ang pagkapresidente. Ahahay. Ganiyan lang naman sa pulitika, Walang hiyaan.


Tingnan mo si Mar Roxas, napailaliman na ni Escudero at ni Noynoy at ni Binay. Okay lang na magendorse si Escudero kung sinong gusto niyang kandidato pero gawin ba naman niya yoon sa loob ng team nila.Walang dignidad di ba. Parang yong mga empleyado ng restaurant na nagbebenta ng kanilang mga productong pagkain sa restaurant na imbes yong pagkain ng kanilang employer yong kanila ang binebenta. Know what I mean?


Tapos biglang may lumabas na survey na number two na si Binay. Ni hindi naman kilala yong survey group na yon. Si Escudero talaga, bata pa, trapo na.


Kahit na mababa sa survey ang ibang presidential candidates, except for Jamby, hindi naman sila nagtatampisaw sa putik at makipagkulapulan ng putik. 



Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous9:05 AM

    tuninuninuninuni yan na sinasabi ko, nagkakalabasan na ng mga tunay na kulay ang mga animales, kung san madikit yun ang kulay.
    Twing elexion naiiba mga pambansa ng bansa...

    Pambansang prutas: Balimbing

    Pambansang hayop: Hunyango

    Pambansang kulay: yellow, red, orange, green, (agaw agawan pa nga sa mga nagka doble-dobleng kulay na yan susmiong garapon)

    Pambansang themesong: Sino ang tunay na abnoy este baliw pala.

    Pambansang sasakyan: sikad (itabi mo anak ako na, ang bagal mo pumadyak baka ikaw matadyakan ko)

    Pambansang isda: anu na nga ba? mahal na galunggong?mahal na rin sardinas,mas mahal tinapa,amoy isda nalang kaya!

    Pambansang issue: mga lupain na ninakaw, sila sila nagnanakaw ng mga lupain ng mahihirap sila sila nagbibintangan at nagtuturuan.

    Pambansang ibon: yung mga kuluntoy at kulubot na bird ng mga kulokoy na kandidato (patnubay ng magulang ang kelangan censored PrrrrrrT)...

    Ahoy alahooooooooyyyyyy!

    Stoooooooooop!

    hahahahahaha minsan lang ako in a blue moon makapasok nanggugulo pa hahahaha heeeeeeeeellllppppp nalimutan ko na mga username at password ko sa tagaaaaaal hahahaha!

    ReplyDelete
  2. buti nakapasok ka lee. kala ko talagang nakatinggal na kayo diyan sa lupa ng mga singkit.

    masarap manood. talagang hindi ako pwede sa pulitika. masyado akong sensitive.

    ano ba ang hunyango?

    ReplyDelete