Saturday, April 24, 2010

Controversial Arizona Immigration Law

Dear insansapinas,
Noong ako ay nasa California, meron doong isang street na maraming mga Latinong lalaki. Mga naghahanap sila ng trabaho. Hindi permanente, Kagaya nang kailangan mong papinturahan ang iyong bahay. Ipalinis ang bakuran at marami pang iba. Alam ng pulis na mga ilegal ang mga ito. Walang papel. Pero hindi sila madampot. Walang power ang police na hulihin ang mga ilegal kung hindi ang mga immigration police lang.


Sa Arizona ay pinirmahan na ng gobernador ang immigration law na puwedeng sitahin at hulihin ng pulis ang mga ilegal. Ang Arizona kasi ang may pinakamalaking problema sa mga ilegal na galing sa Mexico. Kahit gaano kataas ang bakod na ilagay, nakakapasok pa rin ang mga Ilegal galing sa Mexico. Anila ang karamihan sa mga ito ay may mga kaso.


Ano ang posibleng mangyari? pwedeng habang naglalakad ang isang taong hindi puti ang kulay at hindi marunong mag-English ay sitahin ng pulis, o kaya ay ang mga nagtatrabaho ay hanapan ng mga papeles.



Minsan ay nabangga kami ng isang truck. Ang nagmamaneho, latino. nang nagkaimbestigahan, peke pala ang driver's license at wala siyang insurance.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment