Saturday, April 10, 2010

Food for Flight

 Dear insansapinas,

Inabot ko pa naman noon na ang snacks sa eruplano ay kapeng matapang na nakakabog ng dibdib, sandwich na hindi mo pwedeng maubos sa isang kagatan lamang,. Ngayon ang mga local flights ay mayroong libreng tubig na kailangan pang hingin mo at isang balot ng pretzel na sa kaliitan, puwede mong makain sa isang subuan lang na hindi ka matitinga. Sa kapayatan pa nga siyang puwede mong gawing toothpick. Kaya nang mabasa ko ang balitang ito, naalala ko rin ang aking nakatabing Pinoy sa eruplano.

Sandi Mays was flying home from a business trip recently when she was seated next to a couple who couldn't wait to eat. She, on the other hand, was about to lose her appetite.
The minute the seatbelt sign was turned off after takeoff, her neighbors rushed to open their carry-on in the overhead bin and pulled out a plastic bag with a surprise.

"Within the grocery bag, there were Tupperware containers full of some kind of food that had a lot of curry and garlic and onions and all those yummy scents. They're fine when you're not enclosed in a tube," recalled Mays, 42, a telecom executive from suburban Denver Colorado.

Ang katabi ko may dalang boiled eggs na ewan ko ba na pag binalatan mo ay kasing-amoy ng utot. Ngekk bgeek.


Okay lang sa akin. Pero yong mga foreigners na masydong particular sa amoy kahit na ang sloppy joes nila ay talagang amoy anghit ay napapasambit ng What's that smell? nyehehehe.

Sayang hindi ako nakapagbaon ng tinapa, pagbalik ko sa USA, na sana ay siyang kinain ko kaysa iyong beef na kailangan mo pa ng palakol para mahiwa. toinkk.

Ano kamo, hindi ako papayagan sa Customs? Si Paulding nga pinayagan ng may naamoy na mabaho sa kaniyang bagahe. Saka sasabihin ko sa kanila, bawal sa akin ang karne. bwahaha.



Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment