Sunday, April 11, 2010

The Dream- Maria Venus Raj

Dear insansapinas,

Reinstated ang beauty ni Maria Venus RAJ bilang Bb. Pilipinas-Universe KUNG makakuha raw siya ng passport.Parang baseball, ibinato ang bola sa ibang department. Ito ang balita.
DETHRONED BEAUTY QUEEN MARIA Venus Raj can keep her title that was taken from her less than a month after her coronation as the country’s official representative to the Miss Universe beauty pageant.
In a statement sent Saturday to the Inquirer, Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) said: “… After due deliberation, we have reassessed the situation pertaining to [Raj] and have decided, for humanitarian reasons, that if she is able to obtain a valid Philippine passport, we will reinstate her as Binibining Pilipinas-Universe.”

Kung ako naman bibigyan ko ng passport si Venus total hindi naman niya kasalanan ang mali sa kaniyang birth certificate. Ten years ago, tinataasan ng kilay ang magkaroon ng anak sa pagkadalaga. Ngayon, kahit mga sikat na artista, bloggers, politicians, mga TV host talk show ay inilalabas ang kanilang mga anak na illegitimate.

Ako, hindi ko sisihin ang bata sa pagiging putok sa buho.Minsan ang mga ina ay di rin masisisi sa nangyari sa kanila lalo ang mga OFW na dahil sa kalungkutan sa ibang bansa ay madaling bumagsak sa mga tentaciones ng mga lalaking hindi naman inaallow ng kanilang kultura na mag-asawa sa ibang lahi.


Kagaya noong isa kong naging tenant na matandang babae. May boy friend siyang Bombay na taxi driver.Sinabihan ko na ang mga lahing yan ay may mga kinasunduan ng mga babae ng pamilya. Hindi naniniwala. Hindi raw siya maniniwala dahil hindi siya mabubuhay kung walang lalaki. Toinkk.


Nawala ng ilang buwan ang Bombay. Nang bumalik ay nagpaalam na at siya raw ay ipinakasal sa isang kalahi noong nagbakasyon siya.


Sabi ba naman ng tenant ko, kahit daw kabit. 


Kaya kay Venus Raj, good luck sa Miss universe contest, kahit wala akong hilig sa contest na iyan kasi pulitika din yan. Kasi noong bata ako, dream ng pader ko maging Miss Philippines din ako. Paano akong magiging Miss Philippines, bansot na ako, pango pa. hehehe


Sige ngani, Venus, ipahiling mong uragon ang mga babayeng hale sa Bicol.
 Sinong magagandang babaeng galing sa Bicol.


Amalia Fuentes
Dina Bonnevie
Boots Anson Roa
Chat Silayan (the late Vic Silayan is from bicol, i think)
Miriam Quiambao
Pinaysaamerika

OOPs napataas yong signature ko. bwahahaha

No comments:

Post a Comment