Thursday, March 18, 2010

Superstitions

Dear insansapinas,


May mga superstitions ang mader at lola ko na ngayon ay lumalabas na may scientific basis. Kagaya ng pagsave sa parte ng umbilical cord para pagkunan ng panggamot pagnagkasakit ang bata. OO BIRHINYA, sabi ni mader yan. Kaya noon marami kang makikitang nakasabit na maliit na  balot sa aming ceiling. Yong kinuha sa pusod namin.


Ngayon lang narerealize ng Western medicine yan.
In the past, when a baby was born, the umbilical cord was thrown away. But today, blood from the umbilical cord can be collected after your baby's birth and donated to a public cord blood bank to help someone with a life-threatening disease.
Pero pinakamaraming superstitions si mader especially sa pag-aaral namin para raw kami maging matalino. bwahaha.  Obsessed siyang maging honor students kami lahat. Tatalab kaya ito kung talagang mababa ang IQ ng isang tao?


1. unang pagtaob ng bata - ang payo ni mother, ang ilagay sa likod ay libro. Kaya sinunod ng aking kapatid.
Nang ipinanganak ang anak niya, excited siya. Sa excitement niya, hindi libro ang nahablot niya kung hindi yong YEARBOOK ng kapatid ko sa Philippines Science High School.
Yearbook Philippine Science High School


Eh alam ba ninyo kung gaano kabigat yon? More than five pounds. Parang dinaganan yong baby ng five pounds na bigas.


Paano ko nalaman? Kasi nang umuwi ako, dinala ko ang yearbook  pagbalik ko dito sa US.
Tinimbang ko kasi iniisip ko yong maximum weight limit sa checked-in luggage. Ang bigat. Eh binitbit ko na lang sa carry on ko kasi ang takot ko baka mawala ang checked in luggage ko, mawala yon. Ang damit puwedeng palitan pero ang yearbook hindi lalo yong mga nagpirma doon. Ako wala na ang aking yearbook. Noong nag-asawa ako ng maaga, frustrated ang mother kong makatapos ako ng College at galit siya kaya sinunog niya ang mga damit ko at libro. Tindi noh?


Sa pagtaob pa rin. May pinsan kami na nang tumaob daw ang anak niya, sa kaniyang katarantahan, nailagay niya sa likod ay can opener. Kumustahin mo ang anak niya. Lasinggero. Hawak palagi can opener para sa beer at sa alak. mwehehehe Kung akala ninyo nagbibiro ako. Tama kayo. Punta kayo kay Willie Revillame and claim the prize. bwahahaa


2. Pagkain ng peanuts (brain food). Noong kumuha ako ng entrance exam sa UP, pinakain ako ng maraming peanuts ni mader. Pag may mga periodic tests kami, bili siya ng maraming mani. Minsan yong mga kapatid ko, daming kinain, nag LBM tuloy, hindi rin nakakuha ng exam. Buti na lang binigyan siya ng make-up. Hindi ko alam kong Avon o Clinique. mwehehe


3. Gawing unan ang libro pagtulog pag examination period. Siguro iniisip ng mader ko, maabsorb ng brain yong mga nakasulat sa libro habang tulog.


Kagabi ginawa ko. Ang alin? Yong pagtulog na katabi ang libro. Hindi ko kasi mabalanse ang ginagawa kong balance sheet sa problem na ginawa ko. Tanong noong kaibigan kong nakausap ko rin pagkatapos ng tatlong tawag, bakit daw di ko mabalanse eh ako naman ang gumawa ng problem. Ganito yon, pag gumagawa ka ng examination, may mga revision para maging mahirap ang solution. Sa karerevise ko, kahit ako di ko maalala ang mga binago kong figures. Bago mag-alas dos ng madaling araw, nakuha ko ang mali.


Observation: mas nakakapag-isip pala ako pagnakahiga kaysa yong nakaupo. toinkkk


Ako rin may superstition. Huwag magpaputol ng buhok bago mag-examination. Paniniwala ko kasi nababawasan ang aking utak. Marahil nasa dulo ng buhok ko ang aking IQ.


Hindi rin ako nagpapahawak sa aking ulo o buhok sa aking mga kaklase, makuha pa nila ang nireview ko.tseh

Pag naglalakad ako at ako ay iyong tinawag sa likuran, dahan dahan ang aking paglingon sa likod. Para bang slow motion. Ang paniniwala ko kasi baka matagtag at magulo yong ninreview ko. hahahaha




Pinaysaamerika







2 comments:

  1. ako rin, sinubukan ko maglagay ng libro sa illim ng unan ko nung the night before ng exam namin. sumakit lang leeg ko tas mababa pa score ko

    ReplyDelete
  2. Nang kumuha ako ng Board, nakakalat yong libro ko sa aking bed. akala mo naman papasok lahat sa katawan ko. hehehe

    ReplyDelete