Thursday, March 18, 2010

Good News, Bad News at si Nora Aunor

Dear insansapinas,


Good news, nabalanse ko na ang balance sheet. Kaya lahat ng schedules na pripare ko ay ayos na. Nagkurus ako ng nagkurus. Hindi yong nagmake sign of the cross, Silly. Yon ang tinatawag na T accounts, para siyang krus kasi kung saan may debit at credit at makikita mo kung saan di magbabalanse. Huwag ninyong ipaesplain sa akin, lalo kayong malilito.


Noong nasa auditing firm kami, literally kami nagdidipa at pinupukpok ang ulo sa dingding pag ganitong mga buwan hanggang Abril kasi ang income tax season ay hanggang April 15 pag hindi namin nababalanse ang balance sheet. Buti nga ngayon, mayroon ng Excel at accounting software na isa lang press ng key, mayroon ka ng financial statements. Ang filing ng income tax returns dito ay computerized din kaya ilalagay mo lang ang mga figures, Ziiiiiing, nandoon na ang mga amounts. Isa pang press ng key, naipadala na sa IRS. Bayad na ang income tax at ang refund ay makukuha na. 

Sabi nga sa commercial, Even a caveman can do it. Eh yong caveman na  smart phone pa. mwehehe.

Bad news. Nakalimutan ko ang aking gamot. Kaya pala masama ang pakiramdam ko. Mabigat ang aking dibdib at medyo namimitig ang aking kamay. Alas onse ng gabi, tinanong ko kapatid ko kung anong araw ngayon, Huwebes na pala. Hindi ko nainom yong aking gamot para sa morning at evening. Waah.


Kasi (magrereason out pa eh) papunta na  ako sa kitchen para kumuha ng tubig na maiinom. Biglang may kumatok. Alam ko darating ang technician. Checkin ang aming smoke alarm at papalitan ang filter ng aircon. Spring na kasi kahit bumabaha pa sa New England, Pensylvania, New York at part ng Virginia noong isang Linggo.


Nang makaalis siya, inisip ko kung ano yong aking ginagawa at may hawak akong mug. Yon kasi ang iniinuman ko. at hindi ang baso.  Ah kailangan kong magtimpla ng sambong tea. Pero yong isandamakmak na pills nakalimutan ko. Tapos, tuloy na ako sa aking computer at calculator at mga libro. 


Nang mabalanse ko antok na antok na ako sa pagod kaiisip. 

Nora Aunor


Good news: Binigyan siya ng isa pang chance para makabalik sa showbiz.


Bad news: Ang balita hindi siya nagguest sa isang teleserye sa isang TV network dahil may concert siya sa Canada. Pagdating sa Canada, hindi siya kumanta dahil wala raw siyang boses o kung ano man ang excuses niya. Promise na lang na babalik. Photo-op na lang siya sa mga "nagkamaling"  bumili ng ticket.


Ito ang balita:


Although local artists including the popular Dynamix Band gave outstanding performances, Nora’s fans started getting edgy after several announcements that she was coming in “10 mins” were made and there was no Nora. Aunor finally appeared on stage after 2 ½ hours. Ugly cat calls were already reverberating in the theatre when Nora showed up. In a dramatic way, she told her fans that she was not ready to perform and that she will be back in April with her children to entertain them. Nora obliged to pose with some of her fans for a few minutes until the theatre management reminded them that they all had to leave, because their time was up.
“Bakit naman ganyan?” complained an 85-year-old fan who came all the way from Bellingham. “Kung wala siya sa condition, dapat sinabi na agad. May boses naman siya, nakapagsalita nga ng matagal..palagay ko hindi iyan darating sa April. Kahit na dumating pa siya, hindi na ako manood. Mukhang has been na siya. I’ll just cherish my memories of what she used to be.”
Nora Aunor arrived with her entourage at 1:30 pm on March 4 at the Vancouver International Airport from California with an entourage of 8 people including long time companion John Rendez. Reports immediately spread that she was fidgetty upon arrival and seemed “high” on something.


Sayang ang mga inabsent noong aking katrabaho sa iskuwela noong nag-aaral pa siya para lang makasunod kay Nora Aunor. Binibitin siya ng tatay niya pag matagal siyang nawawala at nakatambay siya sa bahay ni La Aunor.


Yong housekeeper naman noong boss ko ay sinisisi kay Nora ang hindi niya pagkatapos ng iskuwela. Masyado raw niyaing inidolo kaya naglayas siya kanila at kasama ng mga Noranians, ay sumasama-sama sila sa mga shooting at programa nito. Madalas nga raw na parang bangag.

Ang mga anak niya ay mga matatanda na rin at may mga pamilya na. Hiwalay na nga. Anong pag peperform ang gagawin nila? Sus. 


Sayang.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment