Wednesday, February 03, 2010

Survey says

Dear insansapinas,



SWS released the result of their survey for the period January 21 to 24 where Aquino's rating was 42 per cent; Villar, 35 per cent.


Bago nasabi ni Noynoy na ang survey ay galing sa Quiapo o Divisoria, lumabas din ang Pulse Asia ng kanilang resulta kung saan si Noynoy ay may 37 per cent at si Villar ay may 35 per cent.


Ngayon ay binubuntunan nila ang ads ni Villar at ang maraming perang ginagastos sa commercial sa TV sa halip na i-reassess nila kung ano ang mali sa kanilang political ad.


Akala ni Abunda ay cute na gawing rapper si Noynoy at ang pagpakita kay Baby James sa huling parte ng ad na inakala nila na  magdadala ng maraming taong bibilib lalo sa kaniya.


Dapat napag-isipan nila noon na wala silang plataforma at puro paglaban lang ang kanilang mensahe. Paglaban saan at ano ang hindi maliwanag na mensahe ng kaniyang ad.


Ang naging dahilan lang ng popularidad ni Noynoy ay dahil sa kaniyang mga magulang. Iti is time na bumaba na siya at lumakad mag-isa at ipakita niyang siya ay may sariling kakayahan.



Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment