Dear insansapinas,
photocredit: budget travel
Hindi ba naabutan ng kakwartahan ang isang entertainment writer na may pagkanotorious pagpapatutsada sa mga celebrities ng gusto niyang regalo. PARANG Tabloid entertainment ba ang dating?
Kung ang basehan ng paglaki ng ulo ay ang pagsalita ng English ni Charice ang dahilan ng paglaki ng ulo nito, eh malaki siguro ang ulo ko dahil mahilig din akong mag-English. Complete with accent pa. Dapat malaman ng mga writers na ito na mas madaling matuto ng pagsasalita ng English the way Americans speak sa paggamit nito nang madalas.
At pag nasanay ka nang nakikipag-usap sa mga Kano, automatic na yong lalabas saiyong mouth ang howdy or howyou'redoin. Hindi siya pwedeng ikumpara kay Sarah Geronimo na gusto ko rin kasi iba naman ang mundo ni Sarah at hindi niya kailangang magsalita ng English sa kaniyang mga fans.
Kainis moment 2
Ang tatapang ng mga taong magdeny ng kanilang kasalanan (na natural naman) pagkatapos pag sila ay malapit nang mapatunayan ang krimen, bigla na lang malalaman mo na lumipad na. Lipad Lacson Lipad. Tseh.
Kainis moment 3
Totoo man na may unholy alliance o hindi, dapat si Noynoy ay hindi nagcocomment na parang lumalabas na defensive siya sa pagbaba ng rating niya. Nakita mo yong survey sa Quiapo ekek? Sa totoo lang kahit ang mga kabarangay niyang mga pulitiko ay naniniwalang walang kaapatan sina Abunda at Kris na gumawa ng mga political jingle para sa kaniya. Najijingle tuloy ang mga tao.
Bakit hindi niya criniticize ang mga allies ni Villar nang nagdisappearing act sila nang pag-uusapan na ang C5 report? Takot siya dahil ang iba ay mga kaibigan niya? May namissed ba ako?
Kainis moment 4
Ang snow sa DC at Northern Virginia na nakakaapekto sa mga Flight. Nasaan ba ang aking walis tingting?
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment