Tuesday, January 05, 2010

What's up Earthlings?

Dear insansapinas,


Airport sa Pilipinas


Sa Pilipinas, ang mga dumating na pasahero ay nadelay ng husto dahil sa bagong form na pin-fill-upon samantalang meron ng ginawa sa eruplano ang gamit ay yong luma.


Double jeopardy.
Arriving passengers had to sit on the floor to fill out the new immigration arrival forms despite having filled up an older document while in flight.


Pakitai nga sa hantikan (malalaking langgam ang nagparusa sa mga pasahero na baka wala pang tulog at hinihintay ng mga pamilya sa labas ng airport. Twiiiiiiiiiiiiiiiiiiing. Kung hindi pa kayo handang idistribute yan sa airlines, huwag sa mga pasahero ipataw ang parusa ng inemptness. (di ko alam sa Tagalog ito).


Newark, New Jersey


Pero hindi lang naman ito sa Pinas. Dito rin sa States, delayed naman (palagay ko maraming mabubuntis, palaging delayed) sa Newark, New Jersey, pinalabas ulit ang mga pasahero para magcheck-in dahil may isang taong hindi malaman kung sadyang pumasok mula sa exit. Nasaan kasi ang ang mga guwards.

On Sunday, Terminal C at Newark Airport was shut down after a man was seen walking the wrong way through an exit toward the terminal’s secure area. Flights were grounded, seated passengers were hustled back to the terminal and thousands had to be rescreened.

Hanep, daming naabala.

Mga Retuning Immigrants

Ang mga artista/celebrities na nakakuha ng green card sa US dahil may special talent sila exceptional qualification ay nag-uuwian na sa Pinas.

Wala naman silang makuhang trabaho sa States kung hindi kumanta rin. Pagkatapos ang paconcert-concert kuno, naubos  na ang kanilang mga savings kaya balik ulit sa Pinas.
Meron namang isang family of celebrities na pagkatapos ikumpara ang bansa na nilipatan nila at ang Pilipinas, nagbalikan din sa Pinas dahil wala namang makuhang magandang trabaho din doon kung hindi sa coffee shop.


Ang problema kasi any ang mga kasinungalingang hinahabi ng mga napupunta roon na maganda ang kabuhayan nila. Natuto silang magluto, maglinis, blah, blah at maganda ang kanilang bahay.


Kung sanay sila  sa limleight, not unless gusto niyang  magermitanyo o biglang maging invisible, hindi sila mabubuhay doon dahil ang mga tao ay walang pakialam kung ikaw ay big time celebrity sa Pinas.


Tingnan mo ang isang sikat na superstar. Ang mga press release ay may mga concert na siyang pinanggalingan ng kaniyang kinikita.


Susme, naman, concert na ba yon, may wala pang singkwenta katao na kumakain sa isang restaurant na kakantahan ng ilang awit lang, pagdating ng balita sa Pinas, ay concert na.


Di ba nga yong mga concert niya nilangaw noong una kaya nagkuwentuhan na lang yong mga dumalong reporters. Libre pa yan.


Ang huling concert kuno ay kasama ang dating asawa pero hindi na natuloy dahil wala namang bumili ng ticket.


Gusto ko siyang artista pero bakit hindi na lang sabihin na naghihirap na talaga siya at hindi yong gusto niya rito at simple ang buhay niya. Sus.


Pag nakabasa naman ang mga artistang wala ng pelikula, kandarapa rin sila nang pagpunta rito sa States na akala mo ba ay may makukuha silang trabaho.


May panahon daw dito, matagal na, wala pa ako, na lahat ng party na pupuntahan mo ay matitisod mo mga laos na artista, nagbebenta ng kaldero, insurance at real estate.


Anong masama noon? Nagtatrabaho naman sila. Ang kasalanan ay pag-umuwi ng Pinas, papress release na mayaman sila dito sa States samantalng panay naman ang ride sa mga tagahanga kuno.


Meron nga isang artisitang lalaki na nakalimutan na niya ang umampon sa kaniya habang nag-aaral kuno siya rito sa States. Wala namang nangyari doon sa itinayo niyang negosyo. 
Sus. Ewan ko kung nabayaran yong mag-asawa.



Pinaysaamerika

30 comments:

  1. yan nga ang dahilan kaya nga never ako nagisip manlang pumunta ng tate,im happy working
    around asia.
    halos lahat ng kamaganak namin nasa tate na,kami lang ang wala pa dun,opkors we had all the chance to go there, e lahat ba naman halos ng kamaganak mo e mother and father side nandun na at even before 9/11 my offer nako dun kaso ayaw talaga ni mader e,kung ako lang ayoko din naman.
    sabi nila tanga daw kami,
    huh?
    e para daw yun sa future ng mga anak namin at di para samin...
    heloooow,bakit?sa tate lang ba pwedeng magkaron ng future
    ang mga bata?
    yung offer sakin sa tate $14 per hour, thats what you call
    future?
    kulang pa pang shopping ng bag at shoes ko? yes, $14 pr/hr,anung akala nila sakin? cheap? bwahaha.

    and if i want to earn more i have to find a second job?
    nasan na ang sarap ng buhay?
    wala nakong time
    manlait/mamintas ng kapwa at magrelax...
    and besides kung tumuloy ako e baka isa nako sa
    uuwin g lugu lugo at jobles, bakit kamo?kung yun ngang mga talented/professionals e nawalan ng trabaho ako pa kaya?nyahaha.

    ReplyDelete
  2. kahit kelan naman di ako nanniwalang mayayaman ang mga yan at masasarap ang buhay sa tate.
    sa pilipinas pa oo de katulong,
    ultimo tubig na iinumin
    ipapaabot pa,pero sa
    tate?
    yung pinsan ni mader na kaedad ko nagaral scholar sa harvard,
    maganda buhay sa pinas,
    ayun sya sa gabi nagtatrabaho sa resto janitor.
    nung maka grad nagtayo ng sarili nyang nursing home,
    nagoffer samin kung sinung my gustong magtrabaho sa nursing home,nek nek nya ano ako hilo?
    pinggan nga lang na huhugasan e nagkakahilian pa e maghugas pa ng **** ng dimo kilala?bwahahahaha

    sus daming artistang laos dun na naghihirap,si nora aunor nalang, si amalia fuentes na ang hanapbuhay e magbenta ng mga tnt sa imigration,si lani misalucha e nabaon sa pyramid kaya pumunta dun para kumita ng mas malaki,si imelda papin na laos,sinu bang manonod?si martin na
    puro flop ang concert,
    yung anak ni tito sotto
    na walang career sa pinas e
    kala dun magkakaron ng career,
    yung mga gutierrez na nangaldero at nagsiuwi ng pinas nung pwede ng ibenta ang rofa at pagkakitaan,sus ang dami nila dun na laos
    na naghihirap sa tate.

    ReplyDelete
  3. ang nakikita nila ay yung asenso,ganda ng bansa pero never nilang naisip na sa dami ng naghahangad makarating dun e swertehan nalang talaga.
    yung aking frend,kausap ko kahapon,paglabas ng kanyang green card ay
    lalayasan na nya ang kanyang
    huklubang asawa
    at nagpapahanap na ng trabaho
    dito sa asia at
    nam,imiss na raw nya ang mga panlalait namin sa mga
    nakikita sa paligid nyahaha.

    ReplyDelete
  4. you mean mam ganyan ka hustle?
    tsk tsk, pauwi pa naman ako at sa mga ganyan mabilis maginit ang ulo ko,yung mga
    maraming ek ek,at kung
    anu anung pifill-up pan.

    ReplyDelete
  5. lee,
    oo nga naman, ano ka cheap. Pwede ba buy one, take one? hehehe

    sa tax lang mapupunta yon. kailangan may 2-income household para mabuhay dito ng hindi nagdidildil ng burger.

    ReplyDelete
  6. lee,
    ang mga nag-aaral dito sa college, baon sa utang. educational loan na babayaran nila habang sila ay nagtatrabaho.

    napunta sa harvard para magtayo ng nursing home lang?

    kung ang mga hinahanap ay mga kamag-anak,, hindi nursing home yan. board and care.

    kaya kamag-anak ang hinahanap ay maliit lang ang sweldong ibinibigay.

    Generally speaking ito ah, hindi sergeant.

    kasi kung nursing home talaga as in convalescent, mga licensed health care professionals ang kinukuha.

    karamihan sa pinoy, yan ang negosyo tapos gagawing empleyado ang mga TNT o kaya mga kamag-anak na walang mapasaukan.

    ReplyDelete
  7. naku sabihin mo sa kaniya, hindi siya puwedeng magtagal ng mahigit sa anim na buwan sa labas ng US kung green card siya.

    ReplyDelete
  8. buti ka nga mam e dimo inabot nung time na working gurl kapa yung sakit ng ulong inaabot ng mga nagwowork ngayon, bakit kamo?
    atleast ikaw w
    retired kana at my pension kana, e yung iba wala ng trabaho, nahila pa ang bahay, wala ng career, naalala ko tuloy yung napanood kong movie ni george cloony, kasi nga napapanahon daw yung storya kaya pinanood ko naman, tungkol sa mga nawala ng trabaho.
    syempre, kahit naman anung sabihin e kabado din ako, nagtatanggalan ng expat sa company kasi nga naman e sa mga sweldo,
    unang tinanggal yung mga germans,kaso my kinikilingan yung boss ko, bakit kamo? e sya german sya e di nya tinanggal sarili nya o diba my favoritism sya?

    ReplyDelete
  9. ewan ko ba bakit kung may bago silang iimplement kailangan muna plantsado a hindi yong mga tao ang naabala.

    ReplyDelete
  10. tama ka dyan mam, magtatrabaho sya sa asia tapos uuwi every 6mos sa US, di kasi sya binibigyan ng pera ng asawa,sakin nga nangungutang ng pamasahe uwaaaaaaa.

    yan ang nakakainis sa mga kamaganak mam, kukuha sila ng kamaganak para iexploit lang, diba dapat nga pag kamaganak e mas mahal?
    yan ang nakakainis na ugali ng mga pinoy(o ibang lahi) pag kamaganak iniexploit,sinasamantala,
    kaya nga mas maige pa magtrabaho sa dimo kaanu ano,
    kaya nga ba si mader e
    talagang dumidistansya sa mga
    kamaganak nya,kasi
    nga raw puro di naman mabuti ang mga intensyon.
    sempre nga naman alam e hampaslupa ka lang sa pinas kaya
    naman ieexploit ka,kala
    lang nila na hampas lupa ako,
    dina lupa hinahampas ko noh,
    sushal nako,mga tela
    at garments na ang hinahampas ko hmpt!

    ReplyDelete
  11. buy one take one?
    san yun mam?mapuntahan,
    nyahahaha.
    speaking of buy one take one,
    aba e pano ko mamementeyn ang aking lifestyle kung
    di ako mahilig sa buy one take one?
    hahahaha
    kaya nhga kilala na ako sa mga hotels e kasi sa bar habol ko buy 1 take 1, sa bakery ng hotel wait ko yung time na buy 1 take 1, hahahahahaha.
    sa mga outlets ng mga shoes/bags ang apparels walang buy 1 take 1 kaya habol ko yung holiday season sale,aba naman para naring buy 1 take 1 yun,kaya
    di ako makapag pakasal ulit e...
    walang gustong pumayag na get 1 take 1 nyahahaha.

    ReplyDelete
  12. oo mam, nagaral sya sa harvard,dun na kasi sya nag hi-skul
    pero ang arte ayaw mamasukan ng my amo,gusto sya kagad
    ang amo sa unang trabaho nya,
    kaya wala akong sampalataya,
    nalaman din na yung sister ko e walang trabaho at stay home mom lang,kaya kala e
    kandarapa sa ganung trabaho kung aalukin, ang palagi kasi nilang pangakit sayo e aayusin nila yung green card mo,ayun
    nung nalaman ni sister,
    biglang tumaas ang kilay sabay irap ng de puger na social climber nyahahaha.

    ReplyDelete
  13. ayaw ko sa tate. malamig. nosebleed pa ako pag mag-english. tama na dito.

    ReplyDelete
  14. akala nila nasa states sila, yun pala nasa state of calamity na. anong bang masama kung sabihinh simple lang ang buhay nila.

    hay nako

    ReplyDelete
  15. lee,
    mahigpit na sila ngayon sa greencardholder. yong isang may-ari ng tabloid sa pilipinas, nasita na bakit every six months lang siya dumadalaw sa States. kaya maraming mga artista na nakakuha ng greencard tapos sa pilipinas pa rin nakatira.

    pinamimili sila.

    ganyan ang mga nakukuha ng mga asawa ng poregner dito. ang mga puti o anumang lahi ay di kagaya ng pinoy na ineentrega ang suweldo sa asawa. magbibigay lang yan ng magagastos sa bahay at kaunting allowance.

    kya kung dependent ka sa kaniya, talagang gutom ang abot mo.

    kaya naghahanap sila ng trabaho.

    sila ang sabi ko kasi ako may trabaho ng mapikot ako ng asawa kung puti.

    ReplyDelete
  16. lee,
    kaya nga raw ako nagkasakit at nabigyan ng early retirement dahil sa
    work stress na inabot ko noon. pero hindi sa akin mahirap maghanap ng trabaho.

    may mga nanay ang aking kaibigan na hanggang ngayon nagtatrabaho pa at age 70 dahil hindi kaya ng kanilang anak na isustena ang pamilya sa States at sa pilipinas.

    Imagine mo 78 years old na nagcocommute pa ng bus (tatlong beses) habang ang anak ay naka SUV.

    Yong isa naman ay mahigit 70 rin pero nagtatrabaho pa kasi may binabayarang mortgage at ang pension niya ay maliit.

    yong namatay na sinabi ko ay kareretire lang. kasi 2 years ago yata yon na sabi niya magreretire na siya at uuwi na ng pinas.

    hindi retirement pension ang tinatanggap ko. pagdating ko pa ng aking returement age. tawag doon disability kasi may disability ako sa utak. Pilay. hahaha

    ReplyDelete
  17. dencios,
    nandoon pa kasi ang pagyayabang na akala nila noong unang panahon na ang mga balita kung umabot sa pinas ay panis na. Ngayon with internet, huli sila pag sila nagsisinungaling.

    ReplyDelete
  18. ang buy one take one free. tinataasan din nila ang presyo. talaga naman.

    minsan may binili ako na buy one take one. pag dala ko sa cashier, expired na raw yong sales promo.

    eh bakit di pa nila inalis yong sign.

    ReplyDelete
  19. biyay,
    dito ang English mo maiintindihan ng mga college educated.

    pag ginamit mo sa mga conversation, ikikiling nila ang kanilang mukha at sasabihin saiyo ng EH?

    wag ka mas tama ang English mo.

    ReplyDelete
  20. nagtrabaho ako sa isang offshore company ng isang Chinese businessman sa atin na isa sa pinakamayaman hindi lang sa pinas.

    ang mga anak niya ay nag-oon-the-job-training muna sa kanilang kumpanya, simula sa pinakamababang puesto.

    noong balak ng kapartner ko na magtayo ng nursing home/board and care, pinagaralan ko ang industy practices.

    karamihan nga ng mga taong nagtatrabaho sa ganitong business ay kamag-anak ng may-ari.

    kung hindi nila susuwelduhan ng mababa ang kamag-anak o walang papel, hindi sila kikita.

    meron naman akong naging client noon na magtatayo ng ganitong klaseng negosyo pero para naman sa mga developmentally challenged na mga tao. ito sigurado ang pasyente kasi gobyerno ang nagrerefer.

    binalak niyang ipetition ang kaniyang mga kapatid. matagal na proceso yon kaya kinukuha na lang nila yong TNT na rito.

    ayun naging biktima ng ahente ng immigration na makukuha raw ang kapatid in a matter of months.

    di naniniwala sa akin na pag kapatid to kapatid, may apo na ang nagpetition, hindi pa rin naaprubahan ang papel.

    ReplyDelete
  21. totoo ka dyan mam.
    nung last weekend,nagpunta kami sa downtown kasama yung pren ko,kasi alam mo na sale ang mga outlet,ang una naming pinasok e yung zarah,
    50% off daw kasi,e palagi kaming nandun kaya alam na namin yung price,kamaka maka mo e yung boots na hanggang hita na gustong gusto ko kasi
    malambot lang na parang elasthan lang na tela,nung hindi sale e 1,100rmb, de puger nung sale na e nakalagay ba naman na
    orig price e 1,800rmb tapos yung new tag nakalagay na discounted e 1,050rmb,de puger,binalibag ko nga
    at tiningnan ng masama sabay irap sa sales clerk dun.

    ReplyDelete
  22. oo nga pala nalimutan ko, dipa nga pala ikaw retirement age (sabay ilag)

    ReplyDelete
  23. bawal ang magsabi ng edad, civil status dito sa blog ko. batas ni biyay.

    pero seriously kailangan clarify ko yon dahil baka sabihin ng mga kakilala ko na nambobola ako na may pension na akong tinatanggap. iba kasi dito ang pension at iba ang disabilty.

    yong disability dahil meron kang sakit o kapansanan na dahilan na hindi ka makapagtrabaho. hindi lahat nakakukuha niyan. sa akin nga ay pilay ang utak ko. may saklay nga. bwahahaha

    ang pension ay lahat entitled pag dating ng kanilang retirement age, kasama ako.

    ReplyDelete
  24. mam ang alam ko, after 18,pwedeng ng sumalipadpad ang mga anak dyan sa US at gawin na ng malaya ang gusto nila,means pag after 18 dina sagot ng magulang dyan sa US ang kanilang mga anak pagdating sa gagastusin?cut na sila sa support from parents?
    so ibig sabihin pag after 18 ka e pwede ng di sagutin ng mga magulang yung education ng mga anak?kaya naman yung mga anak e nababaon sa utang o di kaya e nagtatrabaho sa gabi para makapagaral?

    ReplyDelete
  25. satin kasi,talagang kahit walang pera e iginagapang yung mga anak na makapagaral, at inaako talagang obligasyon ng isang magulang ang mapagaral ang mga anak, maliban na lang kung talagang walang walang pampaaral at pagkain lang talaga ang kinikita.
    kaya siguro sa amerika e pwedeng utang at satin kasi e walang utang utang pagdating sa education.

    may napanood ako dati sa tv,yung doktor,my kontrata sa hospital ng gobyerno,di sya pwedeng umalis hanggat di nya nababayaran yung taon,yung ginastos ng gobyerno babayaran nya sa pagsisilbi sa hospital.

    ReplyDelete
  26. etong boss ko sabi nya dati daw e libre ang college sa germany, ngayon daw e my bayad ng 500euro per year .
    kasi nga e yung mga kasama ko sa company na pinoy e ang mga anak e puro mga lasalle at ateneo nagaaral,syempre mayabang ako e di naman ako papatalo,
    so tinanong ng boss ko kung san plano magaral nung anak kot anung course,kako e kung dipa nya ko tiotigbakin e makakaya kong pagaralin yung
    anak ko sa college,
    pero kung titigbakin nya ko magagaya ko dun
    sa kasama kong nung pinauwi e
    nahinto yung anak na nagdodoktor sa lasalle waaaaaaa.

    ReplyDelete
  27. ang hirap din ng bubunuin ng studyante dyan,magbabayad talaga ng utang ng matagal,
    sana nga kung gobyerno din ang magbibigay sa kanila ng trabaho,
    pero sabi magtrabaho ka man sa gobyerno para
    magbayad e napakaliit lang ng sweldo kasi nga malaki ang kakaltasin sayo ng ilang taon.

    ReplyDelete
  28. lee,
    hindi obligasyon dito ng parents na paaralin ang mga anak sa College. basic education lang.

    tapos sa bahay, talagang sinisipa nila o kaya kung nagtatrabaho at nakatira sa kanila, chinachargan nila ng rent.

    ang mga pinoy, ganoon na rin pero karamihan nagpapaaral.

    mahal ang college eh.

    napanood ko yong isang palabas tungkol sa mga heiress.

    si ivanka na anak ni donald at ivana, ang sinagot lang ay ang tuition niya sa college kaya nagmodel siya.

    yong isa ring heiress, nag-aral sa harvard, nagpart time din para lang matapos ang college kasi ang kaniyang trust fund ay hindi pa niya makuha.

    maswerte lang talaga ang mga anak ng Pinoy. kayod to the bones ang mga magulang.

    pero yong anak ng kaptid ng kaibigan ko, ayaw mag-aral, mag-aartista na lang daw siya.kala niya madaling mag-artista rito.

    ReplyDelete
  29. lee,
    ang pagkaalam ko required lang silang magrender ng service for a number of years lalo yong nag-aral sa state universities o kaya naman ay on scholarship.

    noon yong mga animal vets namin galing sa UP, 2 years yata sila.

    pati nursing grad ngayon sa state universities ay hindi pwedeng umalis agad.

    ang kapatid ko yata eh nagtrabaho sa PGH bago siya nag-abroad.

    ReplyDelete
  30. kaya nga noon nagturo ako sa la salle kasi pag regular faculty ka roon, libre ang tuition fees. eh maliliit pa naman ang tsikiting gubat ko. at nakaenroll sila private school na malapit sa amin. iniisip ko kasi pag college nila noon. buti na lang nagmana sila sa mater ko etcetera etcetera (valedictorian kasi yon from elementary to high school) kaya pagdating nila ng College, scholars sila. AHEM.AHEM AHEM.


    bago ako umalis, iniisip ko yong offer na maging regular faculty. paano naman ang aking mga racket na siyang pinaggalingan ng iba kong peraseses. hehehe

    ReplyDelete