Monday, January 25, 2010

Prescriptions without Borders

Dear insansapinas,


photocredit: richie
Sa dami ng mga tinanggap kong mga Our Daily Bread pwede na akong magtayo ng bakery. Sa dami rin ng mga inspirational books kagaya ng Didace at mga iba't iba, malapit na akong maging madre sa kabanalan. *heh*


Pero ang mga hindi makapigil sa aking matawa (hindi ko makuhang mainis dahil alam ko namang concerned lang sila ay ang mga herbal supplements na piniprescribe sa akin kung uuwi raw ako sa Pinas.


Hindi ko masabi sa kanila na yong nang sinabi kong namatay sa Pinas ay hindi na uminom ng mintenance meds niya at namatay adfter nine months sa pagbabakasyon sa Pinas, Kumplikasyon ng diabetes at puso.


Ngayong hapon ay nakatanggap ako ng tawag sa kaibigan na umuwi ng Pinas dahil nabypass ang kaniyang asawa. Tapos bumalik siya sa States para irenew ang renentry permit niya dahil aalagaan niya ang kaniyang asawa.


Kaibigan: Naku, kumain ka lang ng kumain ng prutas at maalis ang sakit mo.
Me: Kumakain ako ng saging sa umaga. Kaya nga wala akong taghiyawat eh. (hiniram ko kay Lee na hanggang ngayon hindi makaalpas sa Great Wall sa Tsina).


Kaibigan: Kumain ka ng papaya, at iba pang prutas.


Me: Kumakain naman ako ng ubas, walang papaya dito. 


Kaibigan: Tapos uminom ka ng (binanggit ang energy drink). Kalimutan mo na ang iyong mga maintenance pills mo. Ang mahal pa ng mga yan. Tingnan mo ako,dalawa  lang ang maintenance pills ko. Toink (mayroon din palang maintenance pills).



Me: Sinong  nagrekomenda ng energy drink na yan?


Kaibigan: Naririnig ko sa radyo. TOINKK


Me: Hindi mo pa nasubukan?


Kaibigan: Hindi. pero kilalang artista ang nageendorse niyan. TOINKKK.
Saka yong isa kong kaibigan, may cancer din siya sa pamilya nila kaya takot siyang magkacancer kaya mga hilaw na pagkain kinakain niya. Kahit bigas, di niya niluluto. Kangkong kinakain niya ng hilaw. Isda, hilaw din, as in sushi,



Me: Hindi puwede kaming kumain ng hilaw sa States kasi ang daming chemicals na iniispray diyan. At ang mga isda dito ay may mga mercury kaya hinay-hinay din ang aming pagkain.


Kaibigan: Yong kakilala ko naman priniscriban ng doctor na kumain na lang itlog ng pato para sa kaniyang protein requirement. Isa sa morning, isa sa lunch at isa sa evening.


Me: Ang daming cholesterol noon.


Kaibigan: Saka ako ang aking hyperacdity nawala kasi umiinom ako ng kalamansi juice (puro) bago ako mag-almusal.


Me: Aray. Sakit noon. May iniinom ka ba noong may hyperacidity ka?


Kaibigan: meron , di ko matandaan. Toinkk (baka yon ang nakagamot at hindi yong kalamansi).


Me: Kumusta pala yong asawa mong nabypass? 


Kaibigan: Ayun ang dami niyang gamot na iniinom?


Me: (Thought balloon: bakit sinasabihan niya akong ihinto na ang aking maintenance pills eh siya pala at ang asawa ay mayroon ding iniinom.) Toinkk.


Pgkatapos kong ibaba ang phone, tumunog ulit. Isa ring kaibigan. Meron daw siyang irerekomendang maiinom ko.


Sabi ko thank you. Umiinom ako ng tubig.


Salamat sa mga kaibigan for their concern pero I rather hear gossips than prescriptions. Ahehek.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. ako, isa lang nire-recommend ko na herbal med. ay dalawa pala. oregano at saka lagundi for ubo. the rest, lagi may nakakabit na "daw". like: maganda daw sa high blood yung tarragon tea or maganda daw sa diabetic yung yacon.

    pero yung mga doktor din na iba dito, ibang klase naman. lahat na lang ng pasyente, may diperensya sa puso. sangkatutak pa ang maintenance meds na pini-prescribe. yung pala, hindi naman necessary

    ReplyDelete
  2. biyay,
    ang oregano, pinagkalakihan na namin na gamt ni mader sa amin.

    kaya mayroon kaming tanim niyan everywhere we go.

    parang himdi ko alam ang lagundi.

    ang mga hetbs sa amin na gamit namin noon ay sambong and banaba.

    oks lang sa akin ang mga herbal pero ang dami na mga commercial na.

    ReplyDelete